After Cesarean Operation Help

After Cesarean dadalhin ka po sa recovery room before ka dalhin sa room mom ilang oras po kaya makaka recover and ano po mga bawal after operation. Totoo ba na bawal muna tubig? Pa help po... Sa thursday na po operation ko cs.

14 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

For CS patients, 2-4hrs sa Recovery room until di ka na super groogy due to anesthesia. Then NPO (bawal uminom or kumain) habang di mo pa kayang magalaw legs mo and di mo pa kayang mag turn to sides all by yourself and pag di ka pa nakaka-utot (yan pinaka important if na CCS yung mother). Gradually, diet mo niyan is: Clear liquid diet (after 24hours na ma CS ka. Water lang muna or anything na CLEAR), then General Liquid (pwede na magsabaw and jelly ace pero bawal milk.), then Soft diet, Then diet as tolerated (anything na gusto mong kainin.) 😊😊😊

Magbasa pa

I'm CS.. after cs ko 10 am naka labas sa recovey room 4pm 😜😜... Taz pag Gabi Sabi dapat dw ako pomunta sa nursery para latch c bb..kahit sakit tumayo ako may beriberi pero Laban for bb .. so Yun pumunta kami partner ko ... Hirap ko tumayo kasi sa beri beri or Manas so we decide tomorrow nalang hnaggng balik sa room dinugo but I have to be strong. Sabi ko sarili Laban Lang ... Yun awa Ng dios natayo at nakalakad nako nang ako Lang ... Good luck to you sis kaya moyan .. think positive Lang and pray

Magbasa pa
5y ago

Thank you sana kasing strong mo din ako. 😭

After CS, Parang 2 hrs ako sa recovery room. After dinala na ko sa room namin, Taz bawal mag unan for 2 hrs Taz, no food or drinks after 4 hrs. But after pede na mag water, pero no solid food unless nakautot kana. Super pressure ako sa pag utot talaga, Kasi antagal ko bago umutot. Kasi di ako makakain kahit soft diet at Hindi makakauwi if ndi umutot. Pero eventually nakautot din Ng kinagabihan. Taz kinabukasan naka poops din. Taz nakauwi nadin.3days and 2 nights kami hospital.

Magbasa pa
5y ago

Kaya nyo Yan sis! Pray Lang palagi at isipin nyo after few hours makikita nyo na si baby nyo..β™₯️β™₯️β™₯️

2 hours ako sa o.r sis. After nun dinala na ko sa room to recover thankfully kasama ko si baby sa room. Tubig and soup lang pwede saken after operation. Nung nautot ako the following day (sunday) nag go signal na si OB na pwede na akong kumain ng solid food. Ang importante maigalaw mo katawan or legs mo Para mas madali ka makarecover. Tiis lang talaga pag wala na effect nung anesthesia. Aftwer a week okay na ko. Nakakagalaw na ng hndi sumasakit yung tahi. Kaya mo yan sis.

Magbasa pa
5y ago

Sana kaya ko din. Thank you po....

gumamit po ng spinal anesthesia so d ka po pwede ibalik sa room mo gang dmo pa po nagagalaw mga paa mo. . It takes 2 hour po madalas bago mag wear off. Dapat po stable vitals and fully awake kana :) naka catheter kapa po for monitoring ng urine output. Usually may order ang anesthesiologist na flat on bed ka muna ng ilang hours. And wag muna kumain or uminom kasi pag may effect pa yung mga gamot. Sunod na lang sa advises ng doctors. Goodluck po. Kaya yan.

Magbasa pa
5y ago

Kaya yan .mabilis lang pati yan 😊.

Depende po sa inyo pag nagising na po kayo sa recovery room at kaya ng igalaw ang paa at kamay pede na po dalhin sa room. Pagdating sa room d pa po pwede uminom hanggang hindi pa po kau nakakaihi,nakakautot o nakapupu.. kaya po kung pede na kau tumayo kumilos po agad kau para bumalik po agad ang function ng stomach para madali makaihi,utot at pupu, madali rin po makauwi at recover..

Magbasa pa

8am start ng operation, 9:20 tpos na ko then for recovery na ko, almost 8hours ako sa recovery room kasi tumaas bp ko after ko ilabas baby. Flat on bed lang ako nun, pag transfer ko sa room ayun pwede na daw tagi tagilid. Then after 6 hours uli may go signal na OB ko na pwede na daw uminom at kumain mga soft meal lang daw kahit di pa ko nakakautot. After 2 days discharge na rin

Magbasa pa

Mabilis lang naman sa recovery room momsh, sakin less thab 2 hours lang. Once ma move mo na yung toes and legs mo pde ka nang ibalik sa room. Then no solid food for the next 12 hrs, water lang pwede until nakakautot ka na. The following day pinag soft diet na ako.

Sa pagkakaalam ko po mumsh bawal ka uminom ng water and kain hanggat di kapa nautot. Tapos dapat makaburp kadin, makaihi at maka poops kasi tatanungin ka ni nurse lagi kada visit sayo. Cs kasi kasama ko sa ward nong nanganak ako kaya naririnig ko lang πŸ˜…

5y ago

Yes po.

Cs po ako momshie yung nasa recovery room ako nasa 5 hrs yung recover ko tapos hilong hilo ka yung paningin mo iikot talaga pero mawawala din yan kinabukasan rest mo lang sarili mo.. tapos 3 days lang lumabas na kami ng hospital.