10279 responses
kahit ayaw ko, kailangan ko magtrabaho sa bahay every weekends (working kami pareho, ako weekdays, sya pang gabi day-off lang nya sunday night). walang ibang gagawa kundi ako. nakabukod kami lang dalawa. di kami pareho sanay sa gawaing bahay. pero ako naembrace ko na ang buhay na may asawa at sariling bahay for 3 yrs na. yung asawa ko. ewan parang laging pagod. kakaML at kakahiga. puyat kasi sa trabaho, hanggang lunch tulog. pag gumising cellphone lang. minsan lang magtrabaho nakakadagdag pa sa kalat ang pinagtrabahuan. ako lahat gumagawa. kakain na lang sya. ikakalat pa pinagkainan. laging may balat ng snacks at bote ng softdrinks sa tabi ng kama. nakakapagod na din sobra. nasanay na nga ako na makalat bahay namin.
Magbasa paWala lahat ginagawa ko HAHAHHAHAHA ayoko kasi na nakikitang makalat simula 4 ng umaga kikilos nako para asikasuhin si hubby pagluto, paghugas ng pinggan at baunan nya tapos paghanda ng susuotin pagalis naman nya naglilinis na agad ako sa bahay para pag hihiga ako hindi na masakit sa mata. 8 months preggy here low lying placenta on 1st and 2nd ultrasound pero nung 3rd ko high lying nako. Routine kona kasi to everyday ginagawa kaya siguro wala pang manas although hanggang 6 months pregnant tulog ako ng tulog pagtapos ng gawain di padin naman ako manas.
Magbasa paSa totoo lng noong Buntis ako wala talaga ako ginagawa😅maghapon lng ako sa kwarto dinadalhan pa nga nya ako ng pagkain ehh😂 ung tipong kain tulog cellphone kalng😅🤣 Maselan kase ako mag buntis syempre first baby👶 namin ni hubby kaya lahat ng pag iingat ginawa nmin at syempre lahat tinitiis ni hubby para samin ni Baby halos lahat kase ng gawain sya gumagawa Sya ung naglalaba, Naglilinis, basta lahat ng gawain na dapat ako ung gumagawa ginagawa nya😅 Thank you Daddy Ejay 😘❤
Magbasa paWala po lht ginagawa ko😂iwan ko ba naiinis ako kpg nkaupo higa lng kya lge kming nag aaway ng asawa ko linis kasi ako ng linis panay Palit ng mga kurtina bedsheets lht 🤣🤣🤣 ang sipag ko ngaun sinabhan na ako ng asawa ko na ipikit ko ang mga Mata ko mg kulong sa kwarto pra mkpg pahinga ako 😂😂😂 Kya siguro wala prin akong Manas
Magbasa pawala sa nabanggit . lahat ginawa ko yan until now na manganganak na ako hahhaa BTW FTM ako & im on my 40 weeks & 3 days. . . di ako komportable kapag diko nagawa yan gusto ko malinis lahat ayaw ko ng kalat ,, nilalabhan ko agad yung mga labahin dahil ayoko may nakatambak naiinis ako eh haahaha😅 saka ok lang naman kase di mabigat ang gawain kaya lang! exercise narin
Magbasa palahat ginawa ko mapa may sakit o wala.. sinasabihan kasi ako ng asawa ko na tamad at walang ginagawa. Pero kalaunan sya narin naglaba at nagluluto madalas, then pagtungtong ko ng 6 months nagless na gawa ng nagpreterm labor ako. 7 months madalas na sumasakit tyan ko at natigas na. Tas nung 8 months bedrest na gawa ng maaga nagdilate ang cervix ko.
Magbasa paGinagawa ko pa din lahat ng gawaing bahay at pg cleaner sa ibang bahay pra my extra income Kahit mag 8 mos na ako. Mas lalo ako nanghihina at mas maraming iniisip pag wla akong ginagawa Kht pgdidilig ng halaman ginagawa ko igip ng tubig sa maliit n timba pra pabalik balik nkkapg ehersisyo pa ako 😊
Siguro yung magbuhat nalang kahit isang timbng tubig lang. Kasi lahat naman yan so far nagagawa ko pa. Pero yung asawa ko ayaw n ayaw nya ko kahit maglinis lang. Ni magwalis ako o magmop ayaw nya ngaaaway kmi pag naglilinis ako. Ayoko naman ng wala talagang ggawin. Pkiramdam ko mgkkasakit ako.
sa linis, nagwawalis po ako habang nagpi-Pilita Corales on the side. sa laba naman, underwears po at mga puti lang naman po. magluto, snacks and saing lang po gawa ko. wala naman masyado iniiwasan na work. all day din ako nakaharap sa comp. kain at mga househokd chores pahinga ko sa comp.
pinag bed rest na ako dahil mababa daw ang inunan ko ... kaya hindi na ako masyado gumagawa ng gawaing bahay .... naka higa lang at konting upo .... bawas na rin ako sa rice konting rice lang ako ag isang beses sa isang araw ... nag titinapay nalang ako sa hapunan ... dahil need ng diet ...
excited mom