Aling mga gawaing bahay ang iniiwasan mo ngayong/noong buntis ka?
Aling mga gawaing bahay ang iniiwasan mo ngayong/noong buntis ka?
Voice your Opinion
Maglinis
Maglaba
Magplantsa
Magluto
OTHERS (ilagay sa comments)

9673 responses

405 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

lahat ginagawa ko yan nagwawalis,nagluluto,naglalaba,nag-aalaga ng mga bata,nag-iigib,kumukuha ng module,nagtuturo sa pagmomodule,namamalengke lahat yan ginagawa ko wala nmn kce ibang gagawa kundi ako lng din araw-araway trabaho ang asawa ko eh pero ok lng kaya ko nmn ??

VIP Member

sa pagluluto ako tlaga gumagawa ewan ko ba basta gustong gusto ko ako nagluluto para sa asawa q sa linis sa kusina lang pag sinipag kudkud nang lababo haha sa linis tlaga na boong bahay di na kaya sumasakit na likod ko and naninigas tiyan ko kapag matagal akong nakatayo

First and 2nd trimester manual washing lang naman ako pero dun na rin banlaw kasi selan talaga. Pero ngayon kung kelan kabwanan banlaw na ako kamay hahaha di na nagseselan. Keri na. Mahirap lang yuko yuko wawalisin mga ilalim pero lahat nagagawa ko pa plus two kids ?

c mister na ang gumagawa ng paglalaba at pagsasampay nlng ang ginagawa ko kasi ndi sya marunong haha? mnsan paghuhugas ng pinggan sya na din pero madalas ako pa din,.. sya na din nag papaligo sa 2yr old namin at naghuhugas pag na poo poo kc hirap na din ako..?

2y ago

Sana all ganyan Ang asawa

ultimo itutulog kona lg ssbihin pa wag ako tulog ng tulog eh s gabi nga hirap nako makatulog eh pano pako magpapahinga ssbihin nila wag tulog ng tulog porke nakikita na natutulog ako di manlang nila nakikita na pagod na pagod na nga ko kakakilos s gawaing bahay.

simula Ng nalaman Namin na buntis Ako Asawa ko na Ang naglalaba,tinutulungan ko lng cya sa pagdadryer at pagsasampay tapos Hindi Rin nya Ako pinagagawa Ng mga mabibigat na Gawain kahit paghuhugas lng Ng pinggan at Minsan nagluto Rin Ako...

Lahat pa din ng gawaing bahay ay ginagawa ko kasi wala naman kaming yaya at walang tutulong. Kasi kapag pinabayaan ko baka lalo pa akoy ma stress at anong magawa ko sa buhay madamay pa si baby, dahil ayoko ng madumi at makalat na bahay.

wala ih.all around pa din sa mga gawain..pero these past few weeks di ko na kaya mismo katawan ko na nagssbi kasi di na din makatagal sa gawain, hindi na makalimot or makayuko..palagi kinakapos ang hininga..kaya need na tlga pahinga

mag hugas nang pinggan kasi nahihirapan ako sumasayad yung tiyan ko sa lababo namin ang hirap kasi peru ngayun lang na lumaki na ang tiyan ko 33 weeks na din kasi mag lalaba nalang ako at maglinis kaya pa...

nagagawa ko pa naman lahat while nag bantay sa panganay kung 5years old no choice kasi my work si hubby pero pag ready Niya siya lahat gumagawa gawaing bahay sometimes tulongan kami lalo na sa pag lalaba