PRE-TERM BABY

Welcome to our life Baby Greyson Tyler👶🏻♥️ EDD: September 18 DOB: August 18 Via NSD🤗 35weeks and 4 days. / my story by august 17, nagkaroon ako ng pink brown discharge kinabahan ako at pumuntang lying-in. umiyak ako ng nalaman kong pumutok na pala ang panubigan ko pero sarado ang cervix ko, binigyan ako refferal ng lying-in sa mga hospital kailangan ko na daw pa admitt dahil delikado sa lagay ko at ng baby ko. pumunta kaming QCGH pero check up lang ang ginawa sakin, I.E at heartbeat ng baby, lumipat kami ng ibat-ibang hospital napunta sa east ave, bernardino, Nova district, fabella, sa mga manila hospital, mga private hospital, tinanggihan lang ako dahil nga sa punuan ang Incubator. inabot na kami ng 12am sa paghahanap at wala kaming napala, napag pasyahan ko nalang na umuwi kami dahil sa pagod. mga 5:30am naghanap kami ulit ng parents at partner ko halos 13 HOSPITAL ang tumanggi sakin mapa private o public, sa kakabyahe ko nag open ang cervix ko ng 1cm at bandang 9am no choice na kami nag take risk na ako sa QUIRINO MEMORIAL MEDICAL CENTER, inadmitt na ako at naglabor ako ng 11 hours, by 11.32pm normal kong nailabas ang baby boy ko at pasalamat ako sa panginoon hindi na inincubate ang baby ko! iba pala ang feeling kapag nakita mo na ang anak mo mawawala talaga lahat ng pagod at hirap na pinagdaanan mo!🤗🤗 Thankyou Lord!!🙏🏻 #theasianparentph #1stimemom #babyfirst

PRE-TERM BABY
73 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Congrats momsh, Hinanapan kayo Swab test sa Quirino? Dun ko din kasi balak manganak

4y ago

Bill ko umabot ng 14k pero may philhealth ako and nilapit ng parent ko sa SWA nasa 4k nalang binayad ko. 2Days ako don.