PRE-TERM BABY

Welcome to our life Baby Greyson Tyler👶🏻♥️ EDD: September 18 DOB: August 18 Via NSD🤗 35weeks and 4 days. / my story by august 17, nagkaroon ako ng pink brown discharge kinabahan ako at pumuntang lying-in. umiyak ako ng nalaman kong pumutok na pala ang panubigan ko pero sarado ang cervix ko, binigyan ako refferal ng lying-in sa mga hospital kailangan ko na daw pa admitt dahil delikado sa lagay ko at ng baby ko. pumunta kaming QCGH pero check up lang ang ginawa sakin, I.E at heartbeat ng baby, lumipat kami ng ibat-ibang hospital napunta sa east ave, bernardino, Nova district, fabella, sa mga manila hospital, mga private hospital, tinanggihan lang ako dahil nga sa punuan ang Incubator. inabot na kami ng 12am sa paghahanap at wala kaming napala, napag pasyahan ko nalang na umuwi kami dahil sa pagod. mga 5:30am naghanap kami ulit ng parents at partner ko halos 13 HOSPITAL ang tumanggi sakin mapa private o public, sa kakabyahe ko nag open ang cervix ko ng 1cm at bandang 9am no choice na kami nag take risk na ako sa QUIRINO MEMORIAL MEDICAL CENTER, inadmitt na ako at naglabor ako ng 11 hours, by 11.32pm normal kong nailabas ang baby boy ko at pasalamat ako sa panginoon hindi na inincubate ang baby ko! iba pala ang feeling kapag nakita mo na ang anak mo mawawala talaga lahat ng pagod at hirap na pinagdaanan mo!🤗🤗 Thankyou Lord!!🙏🏻 #theasianparentph #1stimemom #babyfirst

PRE-TERM BABY
73 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Congrats Momsh! 💖 ask ko lang kung magkano nagastos mo sa Quirino Hospital at ano mga hiningeng requirements sayo? balak ko kasi sa Lying In manganak pero pinapahanap ako ng Mother ko ng Hospital If ever.

4y ago

14k po nagastos ko pero na less po sa philhealth at SWA bali 4k nalang. dalhin mo nalang lahat ng requirements mo, pati cedula para sa birth cert ng baby

God is Good talaga momsh🙏🙏 Ipagpasalamat mo na safe ang delivery nyo ni baby despite of all struggle sa paghahanap ng hospital . Napaka strong mo kayanin at tiisin ang pain🥰 congrats!💞

4y ago

Thankyou somuch po!😊

Congrats mamsh! Same tayo pre term baby pero due to preeclampsia naman sakin. Kaya ECS ako. And thanks God hindi rin na incubator si baby. ☺️

4y ago

Kamusta na baby mo mommy?

Agree ako momsh sa worth it lahat ng hirap at pagod pag nakita mo na si baby ❤️ congrats momsh 😌 strong naman ni bibi 🤗🤗🤗

4y ago

super strong talaga!🤗 hihi. thankyou

VIP Member

Nagpacheck up na po ba kayo before sa QMMC bago manganak? Gusto ko sana jan din manganak kaso strikto daw sila pag walang check up jan

4y ago

Mommy pwede po kayo magtxt or tumawag sa OB hotline po ng QMMC makikita nyo po sa fb page nila. my sasagot po na doctor tpos hihingiin po yong details nyo sa pregnancy in case na manganak kayo po ipakita nyo po sa OB emergency ung txt ng doctor na katunayan na acknowledge nila txt mo. un ang basehan nila. pag manganak ma kyo dalhin nyo lang po mga ultrasound at laboratory results nyo. ganun po ginawa ko last May po ako nanganak doon.

VIP Member

Same tau ng EDD Sept 18 puro pananakit lng ng puson at balakang nraramdaman ko . congrats po sa inyo n bby Tyler 😇😍

4y ago

thank u 😘

congrats po mommy salamat sa dios hindi kau pina pabayaan ng baby mo salamat at walang nangyare masama sa inyo..

4y ago

maraming salamat po!😊

pre term din po baby ko via CS due to HB, nung 27 ko pa sya nilabas, hanggang ngayun diko pa nakikita 😥😥

4y ago

pray lang po palagi mommy magiging okay din baby mo🙏🏻

thanks God at nakaraos kayo ni baby mommy! 😀🙏 God is good talaga.. congrats mommy! 😊❤

Congrats momsh, Hinanapan kayo Swab test sa Quirino? Dun ko din kasi balak manganak

4y ago

Bill ko umabot ng 14k pero may philhealth ako and nilapit ng parent ko sa SWA nasa 4k nalang binayad ko. 2Days ako don.