12weeks preggy

Tanung lg po mga sis..ilang months ba tayo dapat mapasama sa priority lane?dapat ba talaga kita na baby bump natin mga sis?

47 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ako kahit maliit pa tiyan ko pipila at pipila ako sa priority lane lalo na kung naglilihi ka pa lang o nahihirapan ka kapag nakatayo ng matagal. Minsan na kasi akong nahimatay sa tapat ng counter kakahintay kaya kapag nagpupunta ako sa mga malls o kahit saan na may nakalagay priority lane doon ako agad pipila para mabilis matapos.

Magbasa pa
TapFluencer

Ako hanggang 5 months napagkakamalang sexy eh charot. Naiinis sakin mga cashier sa puregold kapag nagpapriority ako. Pinapakita ko ultrasound ko.. Ganun din sa mga fast food restaurants tinataasan ako ng kilay dati. Paulit-ulit na pageexplain na buntis ako. Pag madami ako time nakikipagtalo talaga ko sa cashier haha

Magbasa pa
TapFluencer

Dati nahihiya dn ako pumila nong di pa halata tyan ko..pero antagal kasi nya mahalata maliit kasi ako so maliit dn tyan ko..so everytime na pipila ako dala ko pre natal notebook ko...pinapakita ko pag ndi sila naniniwala na preggy ako...hahaha pero promise naenjoy ko ung priority lane lagi..tuwang tuwa ako don.

Magbasa pa
VIP Member

Share ko lang. Dumalaw kami sa father in law ko sa Provincial Jail and pumila ako sa priority lane at dahil 3 mos preggy pa lang ako nun at talagang maliit ang baby bump ko hinanapan pa ko ng utz katunayan daw na buntis ako. Nag init ulo kasi that time naglilihi ako at ang init-init pa!

ako one time palang ako gumamit ng priority lane..di ko nga alam na priority lane pala yun kase marami naman nakapila na hindi seniors at hindi buntis..pero nagtaka ako bigla sila pinaalis dun..kala ko pati ako papaalisin..pero pinaayos pa ako sa pila..ayun nakauwi kami kaagad..

VIP Member

Ako 7 weeks plang pumipila na sa priority lane ๐Ÿ˜‚ hirap pag first tri din kc.... napilahan q na supermarket, cebuana, sss tsaka nung election... lagi q dala transv q non haha pero hnd naman ako hinahanapan... iba lang tlga tingen sa tyan qng flat haha

Sa Akin Nun Sa MRT, 6weeks Plng Tyan Ko Nun Pkita Ko Lng Copy Ng Ultrasound Ko Taz Valid ID Okey Na..,Ung Sa Mga Govt. Nmn Inform Mo Lng Sila Na Buntis Ka Tlga.,Ako Lagi Ko Dala Copy Ng Ultrasound Ko Incase Ayaw Nila Maniwala...๐Ÿ˜Š

May baby bump man o wala pwede na sa priority lane. Pag hinanapan ng proof, ipakita ang ultrasound. Ako di ako nagdadala ng ultrasound, wala pa naman naninita. Pag sinita ko pakita ko sa cp ko ung med cert ko na threatened abortion.

Ako pag kaya ko naman hindi na ko nagpapriority lane unless, sobrang haba ng pila or may nararamdaman ako. Nung maliit pa tyan ko hindi ako makapila nahihiya ako, pero ngayon super prominent na ng bump ko kaya go lang. Hehe

5y ago

same tayo mamsh. hanggat kaya ko pa tumayo matagal dipa ako nagpa priority. ngaun ngaun nlang nung medyo malakihan na tyan. hehe

Ako hindi sis hindi pa pumipila tinatanong na nila kung buntis ako, sabi ko bakit hindi ba halata... Hehe ang taba ko na kasi talaga kahit buntis na ko nun... Kaya napapagkamalang nagbibiro lang na buntis...