Public hospital
Sino po dto nakaranas ng manganak sa public hospital? Ang pangit lang kasi ng naranasan ko di naman ako maingay mag labor pero sinisigawan ako ng mga doctor nun kasi nga di ako marunong umiri (first baby ko) naalala kopa ako lang magisa sa room kasi 9cm na tuloy tuloy na yung sakit pero mataas padin tiyan ko. iyak na ko ng iyak kasi yung kinabit din nilang swero sakin is hindi nakaayos at dugo na ng dugo nagkalat na sa tiles ng room. Di nila ako pinapansin tinatawana pako ng mga nurse. Pinahiya rn ako ng doctor nun kasi nga bakit daw sinugod ako sa hospital e di pa naman daw ako noon naglalabor sabi ko doc na ie napo ako 4cm napo tsaka may lumalabas ng dugo sakin. Excited daw ako! Sinisermunan nya ko kaharap mga nurses. Gustong gusto kona umiyak nun, gusto ata nila kapag lalabas na talaga yung baby dun kana nila aasikasuhin. tumagal din kami ng 1week sa ward kahit wala kaming prob ni baby. Dko alam bakit pinatagal nila kami ng ganun. Kaya pinangako ko sa sarili ko hinding hindi nako babalik sa hospital na yun manganak man ako ulit siguro sa lying in nalang since may philhealth naman ako at afford naman?
same experience mamsh, kahit sa pag IE di cla maingat, masakit mag IE s public hospital, may kasabayan din aq sa DR n nagka miscarriage tapos pinapamukha pa dun sa pasyente na e2 kasalanan mu kaya nalaglag baby mu. crowning na rin ung baby ko, pero pinapaupo pa ako, tapos nung pinahiga na ako ung mga nag aassist pinipilit na kilitiin ung baby para dae mgcontract na, eh nangyari humihinto ung baby sa loob tapos pag tinitigilan nila saka naghihilab tyan ko, palabas na ung ulo pero iniwan nila aq kasi nainis saakin bakit dw di nghi2lab kapag kinikiliti nila, taz nung nklabas na ung baby ko tinawag ung asawa ko para ibigay na sa nurse ung damit, tagalog ung asawa ko d o nka2intindi ng salita nmin kasi habang ngbu2ntis aq nun d q nmn xa ksama, 2 days ago b4 lng kmi ngksama kya d nya kbisado salita nmin., pinaulit ng asawa ko qng anu ang instruction, cnvhan p xang bobo kasi di raw nka2intindi ng bicol., kya ngaung 2nd baby namin sa private na aq, d bale mgbyad ng mdyo mhal bsta mganda ang treatment sa pasyente ung mayroong paggalang. btw ung ospital na un, meron clang private din na tnatawag pero dpt mgpa2reserve ka ng room, kapag my reservation ka dun saka ka lang ga2langin ng nurse at doctor, pero qng sa ordinary lang like sa ward bastos ang mga ugali
Magbasa paSame experience mommy sa first born ko. Ganon ata talaga sila sa public, walang malasakit. Habang umiire ako pinapagalitan pa ako. Sabi sakin, ano masarap ba gumawa ng bata? Aanak anak ka tapos aaray aray ka jan. 23 na ako that time at may stable job ako pero ku g itrato nila ako parang nabuntisan lang ako. Kung hindi lang ako namimilipit nun sa sakit, tinadjakan ko talaga sila. Tapos yung tumahi pa sakin, sabi pa, ano, uulit ka pa? tapos dinidiin nya talaga karayom as in napapaaray talaga ako kasi sensitive private parts natin diba. Kaya nagpromise din ako di na ako manganganak sa public. Ngayon sa second ko, private na. Ang laki ng pagkakaiba sa pagaalaga. Kaya di ako nagsisisi kahit nakagastos kami.
Magbasa paGrabe naman yun! Nakakagigil yung ugali. Sobrang unprofessional. 😤
Mas okay po sa lying in mamsh dun ko din balak manganak since pwedeng yung OB ko yung maghandle sakin from her private clinic. Yung 1 member ng fam ko dun din nanganak asikaso tlga and hindi crowded sya lang nanganak that time so kaming mga kamag anak andun din sa room tga support🤣 Midwife nag paanak sknya, wla kaming binayaran kundi 1,300 sa private room for 3 days. Since ftm sya, di pa marunong kung totoo or hindi yun contractions, pero hinayaan syang mag stay dun di katulad sa hosp na papalayasin ka at hindi papakainin. Sya pinayagan kumain khit konti para may lakas.
Magbasa paCommonwealth Birthing Center 🙂 Bago pa yung facilities. Basta may philhealth pag sa ward at midwife libre lang
Naranasan ko sa public sobrang panget ng service nila.. dalang dala din ako. Hindi ako manganganak nun naconfine ako kasi matagal akong dinudugo.. alam mu yung masama pakiramdam mo pero pag baba sa kama lilipat sa wheelchair Hindi ka aalalayan.. tapos pagagalitan ka ng nurse sabi nya sken bkit ba ngaun ka lng nagpa check up kung kelan masamang masama na pakiramdam mo.. SINAGOT KO NGA!! ABAH TINITIIS KOE PO EH HANGGANG KAYA KO AT WALA NMAN PO KME PANGPA HOSPITAL!!!
Magbasa paGrabe nman 😭 4 months preggy ako now.. buti my cp akong dala nung time na yun kaya tinatawagan ko dadeh ko at sinasabi na walang nag aasikaso sken.. tapos sinabihan ako ng isang nurse na bawal mag cp.. hindi ko pinakinggan tawag pa din ako ng tawag kaya ang tatay ko reklamo ng reklamo ang ending inilipat na lng ako ng hospital.. sa tanda ko nag post pa ko sa FB na Huwag ng magpupunta sa Hospital na yun dahil nga sa mga naranasan ko..
ayan din kinakatakot ko sa hospital kung pano kayo tratuhin ng mga nurse at doctor bago ako manganak madami na akong naririnig na mga ganyan specially sa mga public hospital kaya buti nlng sa lying in talaga ako nanganak kahit gusto ng mga kamag anak ko sa hospital ako kase first baby daw pero pinush ko talaga sa lying in doc. pa nga sana maghahawak sken pero nung manganganak na ako midwife andun kaya ayun maaasikaso talaga sa lying in at komportable pa.
Magbasa paMas ok pa ata talaga sa lying in kaysa hospital . Mas maasikaso Yung mga NASA lying in kaysa sa hospital . Base on my experience Lang . First baby ko sa hospital . Naglelabor na ako nun at malapit na lumabas baby ko pero nagawa pa nila kumaen . Kaya sumigaw ako na lalabas na. Tsaka sila nag asikaso . Pinagalitan pa ako bakit ako sumisigaw. Kaya mas ok pa talaga lying in . Second baby ko lying in . At napaka asikaso.
Magbasa paTwice na ako nanganak 1st public 2nd private. Pero sa hospital na pinanganakan ko na public ok nman service nila since marami kami kakilala na nagwork sa loob ng hospital tita ng husband ko headnurse, tapos may 2 nurses siya pinsan isa sa midwife tita ng husband ko tapos yong doctor nagpa anak sakin classmate dati ng father in law ko. Pero marami ako narinig na pangit na feedback pag manganak sa ibang public hospital.
Magbasa paBase sa experience ko public hospital Fabelia okay naman mga nurse at doctor dun.. inasikaso nila agad ako pagdating ko since tinanggihan ako ni taguig pateros hospital dahil sa case ko na 0%balance nalang yung amnioutic fluid ko... Hindi rin naman ako nahirapan mag labor dahil 1st baby ko hindi ko alam na labor na pala yun akala ko normal parin hahaha..i think depende parin yan sa hospital☺️
Magbasa paHindi ko lang sure
Ganyan naman talaga sa ospital eh, lalo na publi, pababayaan ka talaga nila, kaya ako natatakot ako sa ospital, mas ok sa lying in aasikasuhin ka nila, pag wala ka pa 10cm sa ospital di ka nila aasikasuhin, magagalit sayo at paglalakarin ka pa sa loob ng ospital, di ko din alam bat ganyan sila, sa private di naman.. Mababait doktor, dapat professional din kahit nasa public ka.. Haist..
Magbasa paAy grabe mn na hospital yan! Ako public hospital dn nanganak pero kumuha ako ng private doctor. Yung mha kasabayan ko pinapagalitan lng pag mga matitigas ang ulo like wag ei push pag mataas Pa ang baby or wag tumayo kung nag leak na ang waterbag... Ganyan lng mostly ang reason bakit sila pinapagalitan at never silang pinagtawanan.. ***Based in my experience only..
Magbasa pa