Public hospital

Sino po dto nakaranas ng manganak sa public hospital? Ang pangit lang kasi ng naranasan ko di naman ako maingay mag labor pero sinisigawan ako ng mga doctor nun kasi nga di ako marunong umiri (first baby ko) naalala kopa ako lang magisa sa room kasi 9cm na tuloy tuloy na yung sakit pero mataas padin tiyan ko. iyak na ko ng iyak kasi yung kinabit din nilang swero sakin is hindi nakaayos at dugo na ng dugo nagkalat na sa tiles ng room. Di nila ako pinapansin tinatawana pako ng mga nurse. Pinahiya rn ako ng doctor nun kasi nga bakit daw sinugod ako sa hospital e di pa naman daw ako noon naglalabor sabi ko doc na ie napo ako 4cm napo tsaka may lumalabas ng dugo sakin. Excited daw ako! Sinisermunan nya ko kaharap mga nurses. Gustong gusto kona umiyak nun, gusto ata nila kapag lalabas na talaga yung baby dun kana nila aasikasuhin. tumagal din kami ng 1week sa ward kahit wala kaming prob ni baby. Dko alam bakit pinatagal nila kami ng ganun. Kaya pinangako ko sa sarili ko hinding hindi nako babalik sa hospital na yun manganak man ako ulit siguro sa lying in nalang since may philhealth naman ako at afford naman?

38 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Mas ok pa ata talaga sa lying in kaysa hospital . Mas maasikaso Yung mga NASA lying in kaysa sa hospital . Base on my experience Lang . First baby ko sa hospital . Naglelabor na ako nun at malapit na lumabas baby ko pero nagawa pa nila kumaen . Kaya sumigaw ako na lalabas na. Tsaka sila nag asikaso . Pinagalitan pa ako bakit ako sumisigaw. Kaya mas ok pa talaga lying in . Second baby ko lying in . At napaka asikaso.

Magbasa pa