Public hospital

Sino po dto nakaranas ng manganak sa public hospital? Ang pangit lang kasi ng naranasan ko di naman ako maingay mag labor pero sinisigawan ako ng mga doctor nun kasi nga di ako marunong umiri (first baby ko) naalala kopa ako lang magisa sa room kasi 9cm na tuloy tuloy na yung sakit pero mataas padin tiyan ko. iyak na ko ng iyak kasi yung kinabit din nilang swero sakin is hindi nakaayos at dugo na ng dugo nagkalat na sa tiles ng room. Di nila ako pinapansin tinatawana pako ng mga nurse. Pinahiya rn ako ng doctor nun kasi nga bakit daw sinugod ako sa hospital e di pa naman daw ako noon naglalabor sabi ko doc na ie napo ako 4cm napo tsaka may lumalabas ng dugo sakin. Excited daw ako! Sinisermunan nya ko kaharap mga nurses. Gustong gusto kona umiyak nun, gusto ata nila kapag lalabas na talaga yung baby dun kana nila aasikasuhin. tumagal din kami ng 1week sa ward kahit wala kaming prob ni baby. Dko alam bakit pinatagal nila kami ng ganun. Kaya pinangako ko sa sarili ko hinding hindi nako babalik sa hospital na yun manganak man ako ulit siguro sa lying in nalang since may philhealth naman ako at afford naman?

38 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same experience mommy sa first born ko. Ganon ata talaga sila sa public, walang malasakit. Habang umiire ako pinapagalitan pa ako. Sabi sakin, ano masarap ba gumawa ng bata? Aanak anak ka tapos aaray aray ka jan. 23 na ako that time at may stable job ako pero ku g itrato nila ako parang nabuntisan lang ako. Kung hindi lang ako namimilipit nun sa sakit, tinadjakan ko talaga sila. Tapos yung tumahi pa sakin, sabi pa, ano, uulit ka pa? tapos dinidiin nya talaga karayom as in napapaaray talaga ako kasi sensitive private parts natin diba. Kaya nagpromise din ako di na ako manganganak sa public. Ngayon sa second ko, private na. Ang laki ng pagkakaiba sa pagaalaga. Kaya di ako nagsisisi kahit nakagastos kami.

Magbasa pa
6y ago

Grabe naman yun! Nakakagigil yung ugali. Sobrang unprofessional. 😀