Delivery/labor

Hello po. Normal lang po ba na 10 cm nako and open cervix pero di pa din ako dinala sa delivery room. Gusto nila sa labor room palang e nakalabas na ulo? Yung time na kase nun alam kong kaya ko na ilabas si baby pero magisa lang ako sa labor room at nasa labas mga doctor and nurse binabalikan lang ako ever 45-1hr tapos sasabihin na iire ko lang daw ng iire. Naramdaman ko na ulo niya pero dahil nga walang nurse and doctor napipigilan ko nung pinuntahan naman nila ako sabi ko dalhin nako sa delivery room ilalabas ko na ayaw parin nila. Hanggang sa ibang nurse and doctor na yung naka shift dinala ako agad sa delivery room after 4 mins lang baby's out na. Gusto ko lang po malaman kung normal ba yun kase grabe po pinahirapan ako ng night shift di nila ko dinala agad sa del. Room.

3 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

para sakin di normal yun, grabe naman yung mga yun ginawa sayo . ako nga papunta palang sa lying in iniire ko na kasi alam kong lalabàs na talaga yung baby . ramdam naman kasi natin kung papalabas na talaga . pinigil pigilan ko pa yun kaso di ko na talaga kaya at nàsa bukana na ulo haha paglabas tuloy ng baby ko andami pasa sa mukha dahil sa kakapigil ko

Magbasa pa
12mo ago

Yup malamang inantay day shift iwas tabaho at paperwork dahil parating na day shift.

reklamo mo yan mommy, negligence nila yan incase magkaprob. si baby (wag naman sana)

grabe naman yan. public hosp. po kayo?

1y ago

yes po