Public hospital

Sino po dto nakaranas ng manganak sa public hospital? Ang pangit lang kasi ng naranasan ko di naman ako maingay mag labor pero sinisigawan ako ng mga doctor nun kasi nga di ako marunong umiri (first baby ko) naalala kopa ako lang magisa sa room kasi 9cm na tuloy tuloy na yung sakit pero mataas padin tiyan ko. iyak na ko ng iyak kasi yung kinabit din nilang swero sakin is hindi nakaayos at dugo na ng dugo nagkalat na sa tiles ng room. Di nila ako pinapansin tinatawana pako ng mga nurse. Pinahiya rn ako ng doctor nun kasi nga bakit daw sinugod ako sa hospital e di pa naman daw ako noon naglalabor sabi ko doc na ie napo ako 4cm napo tsaka may lumalabas ng dugo sakin. Excited daw ako! Sinisermunan nya ko kaharap mga nurses. Gustong gusto kona umiyak nun, gusto ata nila kapag lalabas na talaga yung baby dun kana nila aasikasuhin. tumagal din kami ng 1week sa ward kahit wala kaming prob ni baby. Dko alam bakit pinatagal nila kami ng ganun. Kaya pinangako ko sa sarili ko hinding hindi nako babalik sa hospital na yun manganak man ako ulit siguro sa lying in nalang since may philhealth naman ako at afford naman?

38 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Mommy umiyak ka lang? Pasyente ka at ikaw top priority nila lalo na manganganak ka kaya di ka dapat sermunan at sigawan, sa ugali ko di sakin pwede yung ganyang doktor. Baka isaksak ko sa dila nya ang dextrose iba pa naman ugali ko pag may masakit na nararamdaman 🤦🏼‍♀️ Kahit public hospital sila di dapat ganon ang trato sa pasyente.

Magbasa pa

Same experience sis. Grabe silang magalit at magpahiya. Akala nila sila lang professional kung makasigaw sila. Ang hirap lang kasing makipagtalo sa kanila. Ang sarap sabihin sa pagmumukha nila na, “Hoy! Engineer ako wag mo ako sigawan.” Pero di ko ginawa kasi stress na ako, gusto ko na manganak. Pero after my delivery, bumait na sila sa akin.

Magbasa pa
5y ago

Sis ganyan talaga dw pg public hospital sa karami2 nilang pasyente. Mas maganda private manganak nlng basta my nilalaan ka lng pera doon kna nlng sa private moms.

Midwifery student po ako at na orient kami ng instructors namin na dapat e comfort yung patient namin .. hayaan sila kun saan sila comfortable kasi stress na sila masyado sa labor pain.. bawal na bawal po pagalitan yung patient sabi samin pwedi daw kayu mag reklamo lalo na pag below the belt mga sinasabi..

Magbasa pa

Wag na wag magpapaanak lalo na sa Fabella hospital. Hindi maasikaso dun. Mostly sa mga nagpapaanak dun may cases of miscarriage na dahil lang sa kapabayaan at kapangitan ng ugali nila. Mga nurses dun di inaalala mga pasyente mema trabaho at mema gawa lang.

Grabe naman. Saang hospital to. Sa hospital kasi na pinanganakan ko eh naka public din ako. First baby ko din. Hindi naman ganyan ang mga doctor ang nurses doon. So long na sumusunod ka at hindi mo sila tatarayan.

Sa public hospital po aqo nanganak pero private po ang OB q so ang nangyari ay special ang treatment sa akin compared s ibang nanganganak. If mnganganak ka po ulit, it's okay sa public basta may private ob ka po.

Public hospi dn ak sa 1st baby ko. At di ka talga nla papansinin kaht may tubg o dugo na lumalabas sau. Wala clang pakialam. Tapos papalakarin kapa nla papntang delivery room kaht halos dika na maka lakad. 😒

Naku kea cnbhab ako ng kapatid ko se naexperience nya magpublic kea nga sabi nya wag ako magpublic.. grabe kase dami sabi at masasakit na salita cnsbi marahil sa pagod dn ng mga nurse at doctor kea ganun

Sa public hospital din ako nanganak sis, sa Mandaluyong City Medical Center. Pero hindi naman ganyan naranasan ko. Sobrang maasikaso at mababait mga nurse. Saang hospital yan sis? Grabe yang mga yan ah.

Ganyan na expirience nung kapatid ko sa public hospital ng malolos .. hnd sya inaasikaso hanggang sa lumabas nlng yung bata ska sya pinuntahan ng doctor