Unforgettable Experience

EDD: July 7, 2020 DOB: July 11, 2020 via NSD July 7 super worried na ako kasi edd ko na pero no signs of labor parin. Kung anu ano ng naiisip ko nun na masama. Naiiyak na din ako at panay pakiusap ko na kay lumabas na siya. Pa check up ako nun sa Lying in sabi 1cm pa lang daw ako. July 10, umaga pa lang may iba na akong nararamdaman. Para akong may dysmenorrhea. 1pm pumunta ako sa cr para mag poop kaso pag tingin ko sa underwear ko may blood discharge. Naisip ko na baka sign of labor na yun. Pina halfday ko na lang nun si hubby kasi baka lumala na yung labor ko. 5pm pumunta kame sa Lying in 1-2cm palang ako pero manipis na daw cervix ko baka daw early morning manganak na ako. Pinaready na sain yung mga gamit balik daw kame pag sobrang sakit na talaga. Hindi na ako nakatulog nun kasi pag pipikit ako sumasakit yung puson ko. July 11, palala na ng palala yung pain nararamdaman ko. Punta ulit kame sa Lying pero sabi 2cm palang daw ako at makapal pa daw cervix ko. Tumaas din yung blood pressure ko. Balik ulit kame sa bahay. 9am sobrang sakit na talaga 4-5 mins yung interval. 1pm hindi ko na talaga kaya yung sakit. Iyak na rin ako ng Iyak kasi namimilipit na talaga ako sa sakit. Pinipilit na ako nun ni hubby na pumunta na sa Lying in pero ayaw ko kasi baka pauwiin nanaman kame. 3pm Di ko na talaga kaya. Punta na kame sa Lying in sabi saken 3-4cm pa lang daw ako. Baka daw mababa yung pain tolerance ko kaya sobrang sakit yung nararamdaman ko. At baka daw may UTI pa ako kasi last urinalysis ko nung June 8 15-20hmp yung Pus Cells ko. Kaya pa urinalysis daw ulit ako baka kinabukasan pa daw ako manganak. Naiinis na nun si hubby kasi sobrang sakit na daw ng nararamdaman ko pero di pa daw ako inaadmit kaya nag decide kame nun na sa hospital na lang. Pag dating namin dun akala ko Di kame tatanggapin kasi wala akong record dun kahit isa. Pinapunta na kame sa emergency room then pag IE saken 5-6cm na daw. Active labor na daw ako. Baka 7pm manganak na daw ako. Wala kameng dalang gamit nun kahit isa kaya pinabalik ko muna nun si hubby sa bahay. 5pm Dinala na ako sa labor room. Mag isa lang ako dun. Hindi man lang ako naka inom ng tubig kahit kunti. Last kong inom then kain 11am pa. Wala akong maramdamang gutom pero sobrang uhaw ako. Pero bawal na daw ako uminom ng tubig. Hindi ko alam kung anong oras na. Basta ang Alam ko sobrang tagal ko na sa labor room pero di parin ako nanganganak. Sobrang sakit na ng nararamdaman ko. Last kong kita sa hubby ko 5pm pa. Sobrang hirap, sobrang sakit nung labor ko. Sabi nung nurse 9:30pm pa daw ako manganganak. Napapaire na ako nun sa labor room kasi Di ko mapigilan. Kada hilab Napapaire na ako kahit na alam kong bawal pa. 9pm pumasok yung dalawang mag papa anak saken. Ayaw pa sana akong e IE nun kasi 9:30 pa daw. Pero ina IE ako nung isa 10cm na daw ako. Punta na kame agad sa delivery room. Pag higa ko wala na akong lakas umire. Hinang hina na ako. Sobrang uhaw na uhaw na ako. Yung dalawang mag papa anak saken pinapanuod lang ako. Hindi man lang ako tinutulungan. Ang hina ko daw umire. Pinanghihinaan na ako nun ng loob kasi 11pm na pero di parin lumalabas si baby. Hanggang sa may pumalit na dun sa dalawang mag papa anak saken. Medyo masungit yung pumalit na nurse. Naiinis na saken kasi ang sobra 3hrs na daw ako pero di ko parin nalalabas si baby. Humihina na daw yung heart beat ni baby. Natakot na ako nun ng sobra. 11:40 pumasok bigla yung doctor na lalaki. Umakyat na nun yung nurse sa upuan at diniinan yung tiyan ko. Tas pumwesto yung doctor sa may paanan ko. Isang push lang tinudo ko na binuhos ko na lahat ng lakas ko. 11:50 sa wakas lumabas na din yung baby Ko. Sobrang thankful ako dun sa nurse at doctor na pumalit kasi tinulungan talaga nila ako. Sobrang worth it yung hirap at sakit na pinagdaanan ko nung marinig ko na yung Iyak ng baby Ko. Parang sa isang iglap nakalimutan ko lahat yung pinagdaanan ko. You're worth the pain baby. I love you so much.

Unforgettable Experience
30 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same case tayo mami, July 11 din ang baby ko 12:43am hehe nauna ka lang ng onti. 🤗 same din ng story pero yung akin naman sa lying in, pinainom ako ng tubig ng doctor then after ko uminom ng tubig, isang iri lang ng malakas at walang palya sumabay na sa agos ung baby ko. Anyway congrats sayo mami. :) keepsafe kayo ni baby.

Magbasa pa
Post reply image

Congrats momsh! ❤️ Ask ko lang, momsh, saan ka nung pumutok na panubigan mo? Ako kasi edd ko sa August 3 na. Then nung July 28 nagstart na sumakit puson ko until now. Ngayon brown discharge na ko. Di pa ko makapunta ng ospital kasi kelangan ko pa antayin pumutok panubigan ko bago ko magpa admit.

4y ago

Pumutok yung panubigan ko nung umiire na ako. Sa ibang hospital pinapaputok na nila yun. Saken inantay talaga nila kaya super tagal ko malabas si baby

Congrats mommy.😍😘 Godbless to those who help you. Gagawa talaga ng way si lord ❤️

Congrats 😍 Napakagandang baby 😘 Stay safe and healthy, Godbless 😇

same situation tayo mamsh nung nanganganay ako. congrats sayu

Congrats momsh, grabe ang experience mo sa pglabor.

Congrats mamsh at nakaraos ka narin! 😀

Congratulations po mommy!❤️

VIP Member

Congratulations po💖💖💖

ang puti ni bb.congrats