Public hospital

Sino po dto nakaranas ng manganak sa public hospital? Ang pangit lang kasi ng naranasan ko di naman ako maingay mag labor pero sinisigawan ako ng mga doctor nun kasi nga di ako marunong umiri (first baby ko) naalala kopa ako lang magisa sa room kasi 9cm na tuloy tuloy na yung sakit pero mataas padin tiyan ko. iyak na ko ng iyak kasi yung kinabit din nilang swero sakin is hindi nakaayos at dugo na ng dugo nagkalat na sa tiles ng room. Di nila ako pinapansin tinatawana pako ng mga nurse. Pinahiya rn ako ng doctor nun kasi nga bakit daw sinugod ako sa hospital e di pa naman daw ako noon naglalabor sabi ko doc na ie napo ako 4cm napo tsaka may lumalabas ng dugo sakin. Excited daw ako! Sinisermunan nya ko kaharap mga nurses. Gustong gusto kona umiyak nun, gusto ata nila kapag lalabas na talaga yung baby dun kana nila aasikasuhin. tumagal din kami ng 1week sa ward kahit wala kaming prob ni baby. Dko alam bakit pinatagal nila kami ng ganun. Kaya pinangako ko sa sarili ko hinding hindi nako babalik sa hospital na yun manganak man ako ulit siguro sa lying in nalang since may philhealth naman ako at afford naman?

38 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Naranasan ko sa public sobrang panget ng service nila.. dalang dala din ako. Hindi ako manganganak nun naconfine ako kasi matagal akong dinudugo.. alam mu yung masama pakiramdam mo pero pag baba sa kama lilipat sa wheelchair Hindi ka aalalayan.. tapos pagagalitan ka ng nurse sabi nya sken bkit ba ngaun ka lng nagpa check up kung kelan masamang masama na pakiramdam mo.. SINAGOT KO NGA!! ABAH TINITIIS KOE PO EH HANGGANG KAYA KO AT WALA NMAN PO KME PANGPA HOSPITAL!!!

Magbasa pa
6y ago

Grabe nman 😭 4 months preggy ako now.. buti my cp akong dala nung time na yun kaya tinatawagan ko dadeh ko at sinasabi na walang nag aasikaso sken.. tapos sinabihan ako ng isang nurse na bawal mag cp.. hindi ko pinakinggan tawag pa din ako ng tawag kaya ang tatay ko reklamo ng reklamo ang ending inilipat na lng ako ng hospital.. sa tanda ko nag post pa ko sa FB na Huwag ng magpupunta sa Hospital na yun dahil nga sa mga naranasan ko..