Arianne Merilles Esteban profile icon
PlatinumPlatinum

Arianne Merilles Esteban, Philippines

Contributor

About Arianne Merilles Esteban

Firefighter Mom

My Orders
Posts(22)
Replies(844)
Articles(0)

Meet my unico hijo

12 May 2020 3.19 kls Reasons for CS ↪️ lagpas sa due date ↪️ low amniotic fluid ↪️ hindi nagpoprogress ang labor ↪️ nuchal cord coil May 10 humilab ang tyan ko with interval of every 5 mins, nagpunta kami ng ospital 2cm na nung pag IE, nagdecide kaming umuwi at balik nalang daw kami nang madaling araw. Di kami nakabalik kasi di nagprogress ang labor. May 11, Nagpunta ako sa clinic ng OB ko, in-IE nya na naman ako, xempre nag expect na baka 4cm or so na ang dilation ng cervix ko, pagka IE sakin close cervix na naman daw ako. Nag request ang OB ko na magpa BPS ako. Kinahapunan, nagpunta ako ng ospital for BPS buti inaccomodate ako nila sabi ko kasi overdue na ako kaya napagbigyan nila akong same day makapagpa UTZ-BPS. Ang resulta 6/8 may part na wala ng amniotic fluid, pagkatapos ko makuha ang resulta sinend ko agad sa msgr ng OB q para makita nya. Suggestion nya for CS na ako. Dapat 7pm for CS n aq kaso talagang nagugutom ako ?di pala pwde ung ganun, dapat 6 hrs nakakalipas ang last meal. Nagdecide ako tomorrow na lang. May 12, 2020 @ 9am sked for CS. 9:31am Baby out. Sabi ng OB ko talagang di makababa ang baby kasi very tight na daw ang cord coil sa leeg nya at mga 5 kutsarita na lang daw ang panubigan ko, kya pagkahiwa saakin ulo daw agad ni baby ang nakapa. Hirap pala ng CS, yung tipong 1st day mo palang dapat makatagilid kana. Ung feeling ang tagal ng recovery mo. Pasalamat na lang on the third day nakakaupo na ako at na try ko na din maglakad, un nga lang kala mo galing sa stroke. Salamat sa mga mamshies na nagsigshare ng experiences nila dito sa app kahit di aq ftm at least may mga ideas na nakukuha ako dito.

Read more
Meet my unico hijo
VIP Member
undefined profile icon
Write a reply