ANAK SA UNANG KINAKASAMA
Sino po dito yung partner nila may anak sa una? Kamusta po ugali nila? Every Sunday kasi off ng asawa ko. Yes, asawa po kasi kasal kami. May anak po sya sa una nyang nakalive in at 7 years old na. Every Saturday night is sinusundo na ng asawa ko yung bata at ibabalik ng Sunday ng gabi sa nanay. Nagstart po last year yung ganitong set up. Yung bata po is medyo may attitude. May anak na din po kami ng asawa ko. 2 years old. Same silang girl. Every time na nandito yung bata, lagi nyang nasasaktan anak ko. May mga times na umiiyak anak ko dahil nakikita ko na lang na tinutulak sya, pinapalo o kaya inaagawan ng toys ng bata. Sinasabihan din na ugly yung anak ko. Noong una nakakapagpasensya pa ko. Kinakausap ko yung bata na wag gawin yun sa kapatid nya kasi bad yun. Ang ending mag iiyak yung bata at sasabihan akong evil witch. Kaya kami ng asawa ko ang nagkaka away lagi dahil akala nya pinapatulan ko yung bata. Last week napuno na ako. Tinulak na naman nya anak ko, nauntog sa may pader tapos tawa sya ng tawa habang iyak ng iyak yung anak ko. Akala nya hindi ko nakita, kaya napalo ko talaga sya. Ang hirap mga momsh
Actually, mommy sa mata ng bata na yon ikaw and yung baby sister niya ang kontrbaida sa life niya (kasi di buo family niya) idagdag mo pa syempre di maiiwasan na masulsulan ng nanay niya or ng tita or lola (let's assume lang na ganon) di ba so di mo masisisi yung bata if ganon yung mindset niya sa'yo BUT pwede mo naman baligtarin yung mindset na yon. Itry mo lang na magpakananay din dun sa bata yung tipong try mo lang pantayin yung attention mo sakanila. Kasi pinasok mo yan knowing na may anak siya sa una di ba so it's your responsibility na mahalin and tanggapin yung bata may attitude man or wala. Regarding sa pangbubully niya sa baby sister niya, try mo to use positive reinforcement (suhol to the max) like teach her how to be a responsible sister for example pwede mong gamitin reverse pyschology like sabihin mo sa 2 yr old baby mo "dapat like ka ni ate mo mabait, respo sible etc" anyway you get the drift. Kaya mo yan, habaan mo pa pasensya mo. Pinasok mo yan e so you better man up and own the stage mama. Talk to your hubby din about it esp sa pagdidisiplina sa bata. Goodluck!
Magbasa paPara sakin siguro dapat mamagitan yung asawa mo.. Regardless kung sino yung anak na sa una o legal pa.. Pareho nyang anak yun.. Dapat sya ang kumausap sa bata.. Kahit ikaw sis yung nakakita.. Wag na wag mong pagsasabihan yung bata.. Kasi sa mata nya at ng pamilya nung bata ikaw masama.. Syempre dapat hindi one sided yung asawa mo.. Kailangan din nyang pakinggan at timbangin yung nangyare.. Kung duda pa din sya.. Palagyan nya ng cctv yung bahay nyo.. Kahit sa part lang na madalas maglalaro yung mga bata.. Para lang may ebidesya ka.. May anak din ang asawa ko sa una.. Although hindi ko sya madalas nakakasama.. Pero hindi natin pwdeng ikaila na iba ang pagpapalaki sa bata.. Pero syempre tayo yung matanda.. Dapat tyo umindindi at tumama sa mga gawi nila db.. Kahit hindi tayo yung magulang nila.. Pero dapat in a way na hindi nila bibigyan ng kulay at dapat protected pa din tyo.. Daming means ng recording like fone or cctv.. Make use of it.. Godbless
Magbasa paNaexperience ko din po yan s dti kong partner.. ang pinagkaiba lang.. wla kming anak.. grabe din po ang kulit nung bata.. may time pang sinabihan akong baket bahay ng papa ko to ah.. and hindi ko din po ksundo yung nanay ng bata.. ang ginawa ko lang po is pinapakita ko at pinaparamdam ko skanya n mhal ko sya khit hindi ko sya anak.. never ko po syang npalo.. pero mdalas ko syang pgalitan pag sobra sobra na ang kulit nya.. tpos pag umuuwi si papa nya si papa nya ang nagdidisiplina s anak nya.. once a week lang din smin yung bata or twice a week po.. pero hbang tumatagal po.. ngiging close n kmi nung bata.. at sumusunod na sya skin khit wla si papa nya.. pasensya lang po mamsh.. bantayan mo nlang po maigi si baby mo kpag andyan sya.. bka ksi nasusulsulan yang bata na awayin yung kpatid nya or selos po ksi may kpatid n sya at hindi sa mama nya gling.. magiging okay din po kyo.. ksi 1year mhigit din po bgo kmi nging okay nung bata.. 😊
Magbasa paWag mo nalang sila iwan dalawa. Wag mo sila pag laruin magkasama if pwede. Kasi ma-aadapt yun ng baby mo. Kahit pa minsan lang sila mag kasama, naalala parin nila yun lalo na early years ng bata ang foundation nila sa buhay. If di nakikinig asawa mo sayo pag sinasabi mo ung ginagawa ng panganay nya sa anak niyo dapat di sumama loob nya if ilalayo mo nalang anak mo sa ate nya. He should know na hindi sya dapat bias pag dating sa ganyan dahil tinotolerate nya lang din ung panganay nya kung ganun. Mother din ako, at pag may sinasaktan anak ko binibigyan ko talaga sya ng time out pag hindi sya nag so-sorry. Lagi mo nalang din isipin mommy na anak mo lang talaga ang makikinig sayo lalo na kung ganyan ugali ng ate nya. Anak mo nalang pag sabihan mo din na wag gumaya, or wag gawin un kasi “it’s not nice.”
Magbasa paHi sis, ako po, naunang anak ng tatay ko tapos nakisama ako sa stepmom. Yes po, ako ang nalisama at nag adjust kasi ung stepmom ko ang turing sa akin anak lang ng tatay ko sa nauna. Siguro ang advise ko na lang ituring mo yung anak ng asawa mo sa iba na parang iyo. Yung hindi siya kinaiinisan or what. Yung hindi siya outsider kasi sa edad niya na 7yrs old, super confused yan. Sana mas bigyan natin ng aruga yung mga batang ganyan para maiwasan natin na lumaki silang masama ang ugali. So ang advise ko kung nanay at anak ang turingan niyo siguro po mas ookay ang sitwasyon niyo sa bahay. I know meron siyang nanay pero mas okay po kung mabibigyan niyo din siya ng love para hindi po siya magrerebelde at hindi sasama ang loob. Tayo ang nakakatanda dapat tayo ang nalakaintindi.
Magbasa paget a cctv so you'll have proof.. i don't agree though with you punishing the child, have the dad do that.. protect your kid by getting the cctv and making sure you don't leave them alone.. kinausap mo na, sinabihan mo na and napalo mo na, i think that's more than enough at this point.. tell your husband to talk to the mom to discipline the kid if he cannot do it himself.. i get a feeling nakuha ng bata yan from others, ang kids di nila alam ginagawa nila, that kid needs to know what's right and wrong.. show the kid more love if you can, maybe that kid needs it kung ganyan attitude, pakita mo what's nice and what's right.. good luck and i will pray for you..
Magbasa paMay dalawa dng anak kinakasama ko (LIP) . Nasa kanya dalawa nyang anak . Nagsasama dn kami , good naman ung ugali ng mga bata minsan ako nag aalaga , madalas yung Lola nila. Tanggap nila ako tanggap kodin sila ,kasi may anak dn ako. Ngayon preggy na ako sa papa nila , gstong gsto nila na magkakapatd na ult sila. Napapagalitan kodn sila at napapalo. Pero Sabi ng LIP ko , pangdisiplina lalo pag may ginagawa silang hnd maganda o nagaaway silang magkapatid. Ganun dn sa Lola nila pero dko naman dinadalasan mamalo. Mahal na mahal dn nila ako . Sana intndhn mo nalang momsh. At pagsabhan kasi baka masaktan dn si mr.mo. baka un pa magng way ng away nyo.
Magbasa paMomsh, matanong kita.. gusto mo din ba ang ganyang set up talaga? Or napipilitan ka lang? Like mo ba yung bata? Or naiinis ka sa bata? Kasi ako, si husband meron din siyang anak sa pagkabinata. 7yrs old na din at babae din. Gusto ni hubby kunin yung bata, ako ang may ayaw. Sabi ko, okay na suportahan na lang financially. Wag na kunin. Hehe. Na meet ko na once yung bata, medyo attitude din. Kaya di ko gusto. Hehehe! Ngayon na stop ang sustento ni hubby kasi yung mama ng bata, binlock kami sa FB, ewan anong dahilan. Nag e-emote gusto siguro magpapansin ulit kay hubby. 😅✌🏼😆
Magbasa paKausapin mong maigi asawa mo tungkol dyan, mahirap kase yang ganyan at wag na wag mong papaluin anak ni hubby mo sa una dahil ikaw talaga ang lalabas na masama. Tinuturuan siguro yan ng nanay kaya nagkaganyan yung bata kase base sa experience ko, may mga kapatid din ako sa ibat ibang nanay at ibat ibang tatay bale ako yung pinakapanganay sa lahat pero nong time na kelangan ng mga kapatid ko sa side ni mama ng sustento, tulong at masasandalan di ako nagdalawang isip na tumayong nanay, tatay, ate at bestfriend sa kanila lalong lalo na financially.
Magbasa paMarahil nasulsulan na ung bata sa side ng Mom niya.. Kaya habaan mo nalang ung pasensiya mo pagpakamother ka nalang din sa kanya turuan mo para maging mabuti siya. ang pagpalo sa kanya ay mas lalo niyang isipen na masama ka kaya instead pakitaan mo siya ng mabuti hanggang sa lumapit ang loob niya sayo sa inyo ng Anak mo.. Kausapin mo siya in a calm voice lang pag may ginawa siyang mali at may masabi siyang salita sa anak mo at sayo kc kapag taasan mo ng boses at oagalitan siya hinde effective un sa kanya mas lalong sasama ang loob niya sayo.
Magbasa pa