ANAK SA UNANG KINAKASAMA

Sino po dito yung partner nila may anak sa una? Kamusta po ugali nila? Every Sunday kasi off ng asawa ko. Yes, asawa po kasi kasal kami. May anak po sya sa una nyang nakalive in at 7 years old na. Every Saturday night is sinusundo na ng asawa ko yung bata at ibabalik ng Sunday ng gabi sa nanay. Nagstart po last year yung ganitong set up. Yung bata po is medyo may attitude. May anak na din po kami ng asawa ko. 2 years old. Same silang girl. Every time na nandito yung bata, lagi nyang nasasaktan anak ko. May mga times na umiiyak anak ko dahil nakikita ko na lang na tinutulak sya, pinapalo o kaya inaagawan ng toys ng bata. Sinasabihan din na ugly yung anak ko. Noong una nakakapagpasensya pa ko. Kinakausap ko yung bata na wag gawin yun sa kapatid nya kasi bad yun. Ang ending mag iiyak yung bata at sasabihan akong evil witch. Kaya kami ng asawa ko ang nagkaka away lagi dahil akala nya pinapatulan ko yung bata. Last week napuno na ako. Tinulak na naman nya anak ko, nauntog sa may pader tapos tawa sya ng tawa habang iyak ng iyak yung anak ko. Akala nya hindi ko nakita, kaya napalo ko talaga sya. Ang hirap mga momsh

39 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Para sakin siguro dapat mamagitan yung asawa mo.. Regardless kung sino yung anak na sa una o legal pa.. Pareho nyang anak yun.. Dapat sya ang kumausap sa bata.. Kahit ikaw sis yung nakakita.. Wag na wag mong pagsasabihan yung bata.. Kasi sa mata nya at ng pamilya nung bata ikaw masama.. Syempre dapat hindi one sided yung asawa mo.. Kailangan din nyang pakinggan at timbangin yung nangyare.. Kung duda pa din sya.. Palagyan nya ng cctv yung bahay nyo.. Kahit sa part lang na madalas maglalaro yung mga bata.. Para lang may ebidesya ka.. May anak din ang asawa ko sa una.. Although hindi ko sya madalas nakakasama.. Pero hindi natin pwdeng ikaila na iba ang pagpapalaki sa bata.. Pero syempre tayo yung matanda.. Dapat tyo umindindi at tumama sa mga gawi nila db.. Kahit hindi tayo yung magulang nila.. Pero dapat in a way na hindi nila bibigyan ng kulay at dapat protected pa din tyo.. Daming means ng recording like fone or cctv.. Make use of it.. Godbless

Magbasa pa