ANAK SA UNANG KINAKASAMA

Sino po dito yung partner nila may anak sa una? Kamusta po ugali nila? Every Sunday kasi off ng asawa ko. Yes, asawa po kasi kasal kami. May anak po sya sa una nyang nakalive in at 7 years old na. Every Saturday night is sinusundo na ng asawa ko yung bata at ibabalik ng Sunday ng gabi sa nanay. Nagstart po last year yung ganitong set up. Yung bata po is medyo may attitude. May anak na din po kami ng asawa ko. 2 years old. Same silang girl. Every time na nandito yung bata, lagi nyang nasasaktan anak ko. May mga times na umiiyak anak ko dahil nakikita ko na lang na tinutulak sya, pinapalo o kaya inaagawan ng toys ng bata. Sinasabihan din na ugly yung anak ko. Noong una nakakapagpasensya pa ko. Kinakausap ko yung bata na wag gawin yun sa kapatid nya kasi bad yun. Ang ending mag iiyak yung bata at sasabihan akong evil witch. Kaya kami ng asawa ko ang nagkaka away lagi dahil akala nya pinapatulan ko yung bata. Last week napuno na ako. Tinulak na naman nya anak ko, nauntog sa may pader tapos tawa sya ng tawa habang iyak ng iyak yung anak ko. Akala nya hindi ko nakita, kaya napalo ko talaga sya. Ang hirap mga momsh

39 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi sis, ako po, naunang anak ng tatay ko tapos nakisama ako sa stepmom. Yes po, ako ang nalisama at nag adjust kasi ung stepmom ko ang turing sa akin anak lang ng tatay ko sa nauna. Siguro ang advise ko na lang ituring mo yung anak ng asawa mo sa iba na parang iyo. Yung hindi siya kinaiinisan or what. Yung hindi siya outsider kasi sa edad niya na 7yrs old, super confused yan. Sana mas bigyan natin ng aruga yung mga batang ganyan para maiwasan natin na lumaki silang masama ang ugali. So ang advise ko kung nanay at anak ang turingan niyo siguro po mas ookay ang sitwasyon niyo sa bahay. I know meron siyang nanay pero mas okay po kung mabibigyan niyo din siya ng love para hindi po siya magrerebelde at hindi sasama ang loob. Tayo ang nakakatanda dapat tayo ang nalakaintindi.

Magbasa pa