ANAK SA UNANG KINAKASAMA

Sino po dito yung partner nila may anak sa una? Kamusta po ugali nila? Every Sunday kasi off ng asawa ko. Yes, asawa po kasi kasal kami. May anak po sya sa una nyang nakalive in at 7 years old na. Every Saturday night is sinusundo na ng asawa ko yung bata at ibabalik ng Sunday ng gabi sa nanay. Nagstart po last year yung ganitong set up. Yung bata po is medyo may attitude. May anak na din po kami ng asawa ko. 2 years old. Same silang girl. Every time na nandito yung bata, lagi nyang nasasaktan anak ko. May mga times na umiiyak anak ko dahil nakikita ko na lang na tinutulak sya, pinapalo o kaya inaagawan ng toys ng bata. Sinasabihan din na ugly yung anak ko. Noong una nakakapagpasensya pa ko. Kinakausap ko yung bata na wag gawin yun sa kapatid nya kasi bad yun. Ang ending mag iiyak yung bata at sasabihan akong evil witch. Kaya kami ng asawa ko ang nagkaka away lagi dahil akala nya pinapatulan ko yung bata. Last week napuno na ako. Tinulak na naman nya anak ko, nauntog sa may pader tapos tawa sya ng tawa habang iyak ng iyak yung anak ko. Akala nya hindi ko nakita, kaya napalo ko talaga sya. Ang hirap mga momsh

39 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kausapin mong maigi asawa mo tungkol dyan, mahirap kase yang ganyan at wag na wag mong papaluin anak ni hubby mo sa una dahil ikaw talaga ang lalabas na masama. Tinuturuan siguro yan ng nanay kaya nagkaganyan yung bata kase base sa experience ko, may mga kapatid din ako sa ibat ibang nanay at ibat ibang tatay bale ako yung pinakapanganay sa lahat pero nong time na kelangan ng mga kapatid ko sa side ni mama ng sustento, tulong at masasandalan di ako nagdalawang isip na tumayong nanay, tatay, ate at bestfriend sa kanila lalong lalo na financially.

Magbasa pa