ANAK SA UNANG KINAKASAMA

Sino po dito yung partner nila may anak sa una? Kamusta po ugali nila? Every Sunday kasi off ng asawa ko. Yes, asawa po kasi kasal kami. May anak po sya sa una nyang nakalive in at 7 years old na. Every Saturday night is sinusundo na ng asawa ko yung bata at ibabalik ng Sunday ng gabi sa nanay. Nagstart po last year yung ganitong set up. Yung bata po is medyo may attitude. May anak na din po kami ng asawa ko. 2 years old. Same silang girl. Every time na nandito yung bata, lagi nyang nasasaktan anak ko. May mga times na umiiyak anak ko dahil nakikita ko na lang na tinutulak sya, pinapalo o kaya inaagawan ng toys ng bata. Sinasabihan din na ugly yung anak ko. Noong una nakakapagpasensya pa ko. Kinakausap ko yung bata na wag gawin yun sa kapatid nya kasi bad yun. Ang ending mag iiyak yung bata at sasabihan akong evil witch. Kaya kami ng asawa ko ang nagkaka away lagi dahil akala nya pinapatulan ko yung bata. Last week napuno na ako. Tinulak na naman nya anak ko, nauntog sa may pader tapos tawa sya ng tawa habang iyak ng iyak yung anak ko. Akala nya hindi ko nakita, kaya napalo ko talaga sya. Ang hirap mga momsh

39 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Naexperience ko din po yan s dti kong partner.. ang pinagkaiba lang.. wla kming anak.. grabe din po ang kulit nung bata.. may time pang sinabihan akong baket bahay ng papa ko to ah.. and hindi ko din po ksundo yung nanay ng bata.. ang ginawa ko lang po is pinapakita ko at pinaparamdam ko skanya n mhal ko sya khit hindi ko sya anak.. never ko po syang npalo.. pero mdalas ko syang pgalitan pag sobra sobra na ang kulit nya.. tpos pag umuuwi si papa nya si papa nya ang nagdidisiplina s anak nya.. once a week lang din smin yung bata or twice a week po.. pero hbang tumatagal po.. ngiging close n kmi nung bata.. at sumusunod na sya skin khit wla si papa nya.. pasensya lang po mamsh.. bantayan mo nlang po maigi si baby mo kpag andyan sya.. bka ksi nasusulsulan yang bata na awayin yung kpatid nya or selos po ksi may kpatid n sya at hindi sa mama nya gling.. magiging okay din po kyo.. ksi 1year mhigit din po bgo kmi nging okay nung bata.. 😊

Magbasa pa