ANAK SA UNANG KINAKASAMA

Sino po dito yung partner nila may anak sa una? Kamusta po ugali nila? Every Sunday kasi off ng asawa ko. Yes, asawa po kasi kasal kami. May anak po sya sa una nyang nakalive in at 7 years old na. Every Saturday night is sinusundo na ng asawa ko yung bata at ibabalik ng Sunday ng gabi sa nanay. Nagstart po last year yung ganitong set up. Yung bata po is medyo may attitude. May anak na din po kami ng asawa ko. 2 years old. Same silang girl. Every time na nandito yung bata, lagi nyang nasasaktan anak ko. May mga times na umiiyak anak ko dahil nakikita ko na lang na tinutulak sya, pinapalo o kaya inaagawan ng toys ng bata. Sinasabihan din na ugly yung anak ko. Noong una nakakapagpasensya pa ko. Kinakausap ko yung bata na wag gawin yun sa kapatid nya kasi bad yun. Ang ending mag iiyak yung bata at sasabihan akong evil witch. Kaya kami ng asawa ko ang nagkaka away lagi dahil akala nya pinapatulan ko yung bata. Last week napuno na ako. Tinulak na naman nya anak ko, nauntog sa may pader tapos tawa sya ng tawa habang iyak ng iyak yung anak ko. Akala nya hindi ko nakita, kaya napalo ko talaga sya. Ang hirap mga momsh

39 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Actually, mommy sa mata ng bata na yon ikaw and yung baby sister niya ang kontrbaida sa life niya (kasi di buo family niya) idagdag mo pa syempre di maiiwasan na masulsulan ng nanay niya or ng tita or lola (let's assume lang na ganon) di ba so di mo masisisi yung bata if ganon yung mindset niya sa'yo BUT pwede mo naman baligtarin yung mindset na yon. Itry mo lang na magpakananay din dun sa bata yung tipong try mo lang pantayin yung attention mo sakanila. Kasi pinasok mo yan knowing na may anak siya sa una di ba so it's your responsibility na mahalin and tanggapin yung bata may attitude man or wala. Regarding sa pangbubully niya sa baby sister niya, try mo to use positive reinforcement (suhol to the max) like teach her how to be a responsible sister for example pwede mong gamitin reverse pyschology like sabihin mo sa 2 yr old baby mo "dapat like ka ni ate mo mabait, respo sible etc" anyway you get the drift. Kaya mo yan, habaan mo pa pasensya mo. Pinasok mo yan e so you better man up and own the stage mama. Talk to your hubby din about it esp sa pagdidisiplina sa bata. Goodluck!

Magbasa pa