ANAK SA UNANG KINAKASAMA

Sino po dito yung partner nila may anak sa una? Kamusta po ugali nila? Every Sunday kasi off ng asawa ko. Yes, asawa po kasi kasal kami. May anak po sya sa una nyang nakalive in at 7 years old na. Every Saturday night is sinusundo na ng asawa ko yung bata at ibabalik ng Sunday ng gabi sa nanay. Nagstart po last year yung ganitong set up. Yung bata po is medyo may attitude. May anak na din po kami ng asawa ko. 2 years old. Same silang girl. Every time na nandito yung bata, lagi nyang nasasaktan anak ko. May mga times na umiiyak anak ko dahil nakikita ko na lang na tinutulak sya, pinapalo o kaya inaagawan ng toys ng bata. Sinasabihan din na ugly yung anak ko. Noong una nakakapagpasensya pa ko. Kinakausap ko yung bata na wag gawin yun sa kapatid nya kasi bad yun. Ang ending mag iiyak yung bata at sasabihan akong evil witch. Kaya kami ng asawa ko ang nagkaka away lagi dahil akala nya pinapatulan ko yung bata. Last week napuno na ako. Tinulak na naman nya anak ko, nauntog sa may pader tapos tawa sya ng tawa habang iyak ng iyak yung anak ko. Akala nya hindi ko nakita, kaya napalo ko talaga sya. Ang hirap mga momsh

39 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Wag mo nalang sila iwan dalawa. Wag mo sila pag laruin magkasama if pwede. Kasi ma-aadapt yun ng baby mo. Kahit pa minsan lang sila mag kasama, naalala parin nila yun lalo na early years ng bata ang foundation nila sa buhay. If di nakikinig asawa mo sayo pag sinasabi mo ung ginagawa ng panganay nya sa anak niyo dapat di sumama loob nya if ilalayo mo nalang anak mo sa ate nya. He should know na hindi sya dapat bias pag dating sa ganyan dahil tinotolerate nya lang din ung panganay nya kung ganun. Mother din ako, at pag may sinasaktan anak ko binibigyan ko talaga sya ng time out pag hindi sya nag so-sorry. Lagi mo nalang din isipin mommy na anak mo lang talaga ang makikinig sayo lalo na kung ganyan ugali ng ate nya. Anak mo nalang pag sabihan mo din na wag gumaya, or wag gawin un kasi “it’s not nice.”

Magbasa pa