anak sa unang asawa

Sana may makarelate sa situation ko. May anak kasi ang partner ko sa una nyang asawa. Sa grand parents lumaki ang bata, 4 years old sya ng kinuha ng partner ko ang bata sa nanay ng partner ko, ang nagyare masyado na spoiled ang bata, nahihirapan ang partner q at lalo na ako, may moment pa na gusto mo na lang makipag hiwalay sa partner ko kaso may anak narin kami na mag 1 month old pa. At lagi na rin kami nag aaway kasi di ko na naalagaan ang anak nya kasi mas naka focus na ako sa anak namin. Sinabihan ko na sya na ibalik na lang sa lola nya tutal dun naman lumaki ang bata at sinusunod din nila lahat ng gusto ng bata, kaso ang partner walang balak na ibalik. Ano kaya pwede kong gawin?

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kung mahal mo asawa mo kaya mo mahalin Yung anak nya na parang iyo mahirap sobra pero ung sayo bata pa Yan matuturuan mo payan mapasunod sayo ako nga at the age of 22 instant mami ng isang 10 yrs old na bata na sobra ang pagka maldita pero now halos ayaw na umalis sa tabi ko ayaw na sumama sa nanay kasi ma's naramdaman nya pagmamahal sakin ikaw bilang nanay haha yaan mo ba na ung anak mo nasa magulang mo lng isipin mo din feelings ng anak ng asawa mo pag nagkaroon na ng isip... Yun lng natutunan ko hindi man natin sila kadugo e wala e nag mahal tayo ng may extra kaya panindigan ntin Yan sis

Magbasa pa

Sya kamo magalaga. Ang hirap alagaan ng bata na matigas ang ulo at spoiled. Ayaw nya ibalik sya magalaga ng maranasan nya gano kahirap alagaan ganang klase ng bata. 😅 Yun lang kung ayaw pa den at no choice ka kundi alagaan, kelangan mo disiplinahin. Gang paglake sakit nyo sa ulo yan pag d naitama agad.

Magbasa pa

Maging fair ka sa anak ng partner mo. At di namn kaylangan na porket may anak kayo ay dimo din bibigyan pansin ang di mo namn anak . inasawa mo mama ng bata kaya dapat intindihin at malaking pasensya ang dapat gawin para mapalapit ang loob ng bata sainyong dalawa

check mo yung post ko mamsh! pareho tayo ng situation!