Battered. please help. sorry po medyo mahaba.

Share ko lang po ang sitwasyon ko ngayon. Bakit po ganon. Bakit mahal ko parin po asawa ko kahit sinasaktan nya ko physically and emotionally. Ilang beses na po nya ginagawa sakin halos mapatay nya ako minsan sa sakal. Laking broken family po kasi ako. Babaero papa ko at dahil dun hindi naging maganda ang epekto nun samin magkakapatid. Lumaki kaming may galit both sides kina mama at papa. Nafefeel ko yung pain nila kahit iniisnob ko sila paminsan at sinusuway at ayaw kong mangyari yun sakin. Ayaw kong magiging ganon din ang anak ko pag laki nya na makikita nya kaming hiwalay na. Yan din ang isa sa mga rason bakit ayokong maghiwalay kami kasi alam na alam ko ang magiging epekto sa bata. .. Nahuli ko na din syang may mga kafling. Pero ang worst scene na nahuli ko is nung isang gabing di sya umuwi dahil umuwi pinsan nya galing davao. Pinapayagan ko syang mag enjoy minsan since stressful din yung work nya at may tinawala pa po ako nun. Pero nagtaka talaga ako na 6am na di parin umuuwi, pumunta ako sa bahay ng pinsan nya at nahuli kong may nakayakap na babae sa kanya at may bahid din ng lipstick ang lips nya. Nakaunbutton na ang shorts pero di nakahubad. Pareho silang di nakahubad. Nagwala ako doon halos nahirap mga pinsan nyang pigilan ako dahil disedido ako that time na patayin ang babaeng yon at yung asawa ko sa sobrang sakit ang galit. Lahat ng nakikita ko tinatapon ko at kumuha ng gunting para isaksak sana. Unang umuwi yung asawa ko dahil na din siguro sa kaba nya ininjan nya kami doon. Pagkatapos kong matadyakan yung babae, iyak pa sya ng iyak at nagsorry dahil first time palang daw sila nagkakilala etc. Umuwi na ako ang dun ko binuhos lahat ng galit. Wala daw nangyari talaga sa kanila. Di ako naniniwala hanggang ngayon na wala. ? and after 3 days di naman sya umuwi. Yun pala nagsabay na naman sila sa resort with brkada nila at yung babae. Kasi uuwi na daw sila ng siargao. Pota bat kelangan makisawsaw ng asawa ko sa padespidida nyo kung wala talagng issue sa inyo?! Kinabukasan na umuwi asawa ko. Nag away na naman kami. Pero nakauwi na yung babae sa siargao. At wala na silang communication ngayon. Kada po pinapagalitan ko po sya dahil sa mga kagagohan nya , sinasaktan nya ako??? kahit simpleng bagay lang yung inaawayan nakakatanggap ako ng isang malaking sapak ??? di ko na po alam ang gagawin.

16 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Kubg mahal mo yung anak mo you will get out of that relationship! Minsan mas mabuti pa na maging single parent lung ang isang magulang ay ganyan. I am not promoting a broken family, pero isipin mo, anong mararamdaman mo kung isang araw anak mo naman ang sinasaktan? Makakaya mo ba? Hindi ka ba maguiguilty?

Magbasa pa

I Pakita mo sa anak mo momsh ung halga mo na dapat mkuha rin ng anak mo balang araw.. Kpag nkikita ng anak mo na sinasaktan ka ng asawa mo at ok lng un sau tatatak un sa isip nila na Ay ok lng pla kht saktan bsta mgkasama.. Which is wrong.. Know ur worth pra pgdating ng araw d Gayahin ng anak. Mo..

VIP Member

Toxic na yung relationship niyo, ayaw mong maging broken family kayo pero for sure kung mag iistay ka maaapektuhan din naman ang mga anak niyo. Better move out in that kind of situation. Save yourself momsh, kailangan mong maging strong for your kids.

Mas mahirap po para sa anak nyo kung ganyan yung situation nyo momsh. Nakakaya mong pagtiisan na ganyan kayo ng asawa mo, mas kakayanin mong mabuhay ng wala sya. Anak mo isipin mo yung kalalakihan nyang environment wag yung relasyon nyo ng asawa mo.

Sis magpunta ka na sa pulis. Pumunta ka na sa women's desk jusko kesa ikamatay mo pa yan.

VIP Member

Kung binubugbug kana, magreport kana. Hindi na tama yang ginagawa ng asawa mo. Minsan ko ng denimanda ng exbf ko dahil sa pananakit niya sakin physically 10years ago. Asawa, bf, live-in partner, stranger guy, friend walang karapatang manakit ng babae physically. Tandaan mo yan!! Get out of that situation baka mamaya mandilim yung asawa mo.

Magbasa pa