Battered. please help. sorry po medyo mahaba.

Share ko lang po ang sitwasyon ko ngayon. Bakit po ganon. Bakit mahal ko parin po asawa ko kahit sinasaktan nya ko physically and emotionally. Ilang beses na po nya ginagawa sakin halos mapatay nya ako minsan sa sakal. Laking broken family po kasi ako. Babaero papa ko at dahil dun hindi naging maganda ang epekto nun samin magkakapatid. Lumaki kaming may galit both sides kina mama at papa. Nafefeel ko yung pain nila kahit iniisnob ko sila paminsan at sinusuway at ayaw kong mangyari yun sakin. Ayaw kong magiging ganon din ang anak ko pag laki nya na makikita nya kaming hiwalay na. Yan din ang isa sa mga rason bakit ayokong maghiwalay kami kasi alam na alam ko ang magiging epekto sa bata. .. Nahuli ko na din syang may mga kafling. Pero ang worst scene na nahuli ko is nung isang gabing di sya umuwi dahil umuwi pinsan nya galing davao. Pinapayagan ko syang mag enjoy minsan since stressful din yung work nya at may tinawala pa po ako nun. Pero nagtaka talaga ako na 6am na di parin umuuwi, pumunta ako sa bahay ng pinsan nya at nahuli kong may nakayakap na babae sa kanya at may bahid din ng lipstick ang lips nya. Nakaunbutton na ang shorts pero di nakahubad. Pareho silang di nakahubad. Nagwala ako doon halos nahirap mga pinsan nyang pigilan ako dahil disedido ako that time na patayin ang babaeng yon at yung asawa ko sa sobrang sakit ang galit. Lahat ng nakikita ko tinatapon ko at kumuha ng gunting para isaksak sana. Unang umuwi yung asawa ko dahil na din siguro sa kaba nya ininjan nya kami doon. Pagkatapos kong matadyakan yung babae, iyak pa sya ng iyak at nagsorry dahil first time palang daw sila nagkakilala etc. Umuwi na ako ang dun ko binuhos lahat ng galit. Wala daw nangyari talaga sa kanila. Di ako naniniwala hanggang ngayon na wala. ? and after 3 days di naman sya umuwi. Yun pala nagsabay na naman sila sa resort with brkada nila at yung babae. Kasi uuwi na daw sila ng siargao. Pota bat kelangan makisawsaw ng asawa ko sa padespidida nyo kung wala talagng issue sa inyo?! Kinabukasan na umuwi asawa ko. Nag away na naman kami. Pero nakauwi na yung babae sa siargao. At wala na silang communication ngayon. Kada po pinapagalitan ko po sya dahil sa mga kagagohan nya , sinasaktan nya ako??? kahit simpleng bagay lang yung inaawayan nakakatanggap ako ng isang malaking sapak ??? di ko na po alam ang gagawin.

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Maigi po bago ang lahat kausapin nyo po ang mga anak nyo sa sitwasyon nyo ngayon para maintindihan nila kung ano man po ang magiging desisyon nyo sa buhay nyo bilang pamilya. Nanggaling man po kayo sa broken family, mas maigi na po na maging broken family kesa magstay sa isang relasyon na walang pagmamahal galing sa tatay ng mga bata. May kakaibang trauma rin po na maidudulot ang paulit ulit na pananakit ng papa nila sa mama nila habang lumalaki sila. Di po ba mas maigi na lumaki sila kasama ang mama nila na may dignidad at pagmamahal sa sarili at lakas ng loob na magtaguyod ng pamilya nya? Tayo po ang superhero ng mga anak natin, tinitingila nila tayo bilang ehemplo kung pano sila pag laki nila. Hindi na po magbabago ang asawa nyo sa pananakit at aantayin nyo nalang ba na may mas malala pa na mangyari sa inyo? Nasimulan na po kayong pagbuhatan ng kamay at uulit ulitin nalang po nya yan hanggang sa layasan nya kayo at makahanap na ng bago nyang pagbbuhatan ng kamay. Maniwala po kayo sa akin maam. Manindigan po kayo para sa mga anak nyo dahil hindi po pagmamahal ang nakikita nila kundi karahasan mula sa taong dapat eh nagpprotekta sa inyo. Have some self love and self worth and everything will fall into place. A complete family is nothing if there is no mutual love and respect. God bless maam and sana po you make the right decision.

Magbasa pa

Momsh, laking broken family din ako. Lagi kong nakikita kung paano manakit yung tatay ko sa nanay ko. Kaya sabi ko sa sarili ko, hinding hindi ako papayag na magiging battered wife ako. Ekis na agad sakin si hubby kapag pinagbuhatan niya ko ng kamay. Momsh, kahit gaano pa natin kaayaw na magaya satin ang mga anak natin na lumaki sa broken fam, kung dun din ang tungo ng pamilya niyo better to choose that path. Better na maging single mom kaysa lumaki yung anak mo na nakikitang sinasaktan ka ng tatay niya, physically, emotionally, and mentally. Traumatizing yan sa anak mo. Gusto mo rin bang maranasan ng anak mo yung sama ng loob na nadanas mo nung bata ka pa? Kahit gaano mo pa kamahal yung tao kailangan mo ilet go para sa kapayapaan ng sarili at ng anak mo. Malay mo rin sa pag-alis niyo matauhan asawa mo. Bottom line, dalawa lang pagpipilian mo eh. Buong pamilya pero walang peace of mind o broken fam na panatag ang kalooban mo? It's your choice pa rin. Whatever you will choose, I hope you will be happy.

Magbasa pa

Ate iwan mo na yan. Ikaw isipin mo deserve mo ba ng ganyang trato? Isipin mo kung nagagawa niya yan sayo malamang magagawa niya din yan sa anak niyo. Marami ng broken family, okay lang yun as long as payapa ka at masaya ka in the long run. Kasi ako kumpletong pamilya kami ng mama ko, pero di sila magkasundo ng tatay ko madalas away, iniisip ko nga noon mas okay na yung naghiwalay nalang sila kesa ganito kami. Ang bigat bigat. Yung anak mo, lalaki yan ng maayos kung sa bawat paglaki niya ipapaintindi mo sakanya ang bawat sitwasyon kung bakit ganon ang kinahinatnan. Mag isip kana ate hindi deserve ng anak mo ang ganyang klaseng "ama". God bless you! Kakayanin mo yan!

Magbasa pa

Ang toxic po ng relationship niyo ng asawa mo and hindi siya healthy for your kids. Having a whole family doesn't mean na nagstay lang sa isang bahay yung nanay and tatay. Sa mga nakikita ng mga anak mo na gingawa sa'yo ng tatay niya I think mas natrautrauma pa sila and may harbor lots of hate and resentment sa inyong dalawa. If nasasaktan ka ng asawa mo i don't think exemption ang mga anak mo. If I were you papalayasin ko na yang lalaki na yan and I will file ng VAWC and child support nalang. Love yourself, mommy.

Magbasa pa
VIP Member

Mommy, sorry to hear about your situation. I know this may be hard to hear pero hindi rin healthy para sa anak mo na nakikita niyang sinasaktan ka ng tatay niya. Paglaki niya baka magkaroon din siya ng problema sa mga magiging relasyon niya. Hindi naman end of the world kapag naghiwalay. Impt lang ipaaalam sa bata na hindi niya kasalanan at mahal niyo siya. Also, nakakagalit man yung babae, mas magalit ka sa asawa mo kasi siya yung karelasyon mo, siya yung nagcommit na ikaw lang ang mamahalin niya at wala ng iba.

Magbasa pa

I know iniisip mo lang anak mo , na ayaw mo silng lumki having a broken family but thers hope n makakakilala ka ng ibang partner in life na rerespetuhin ko, mamahalin ka at ang anak mo , na ttratuhin kayong pamilya niya. Dont loose hope. Get out of that relationship for the sake of your children and yourself. Mahirap , masakit pero thats the reality. Sa pinapakita ng partner mo ngaun, mukang wala nmn talagang love in actions. Youll meet someday someone who will love you even more.

Magbasa pa

Hi, I grew up na yung nanay at tatay ko laging nagaaway na halos magpatayan na. Nakikita ko lahat ng yon at 5 years old pa lang ako nun at tandang tanda ko yon. Oo, mahirap sa bata na magkaroon ng broken family kasi nakakainggit sa ibang bata pero pag umedad na maiintidihan din nila yon. Mas mahirap kung mapatay ka sa bugbog ng asawa mo kasi mas mahirap lumaki na wala ang isa sa magulang. Okay lang na maghiwalay kayo, mahalaga nakikita pa din kayo ng bata.

Magbasa pa

better to leave him momsh. pinanganak tayo na dpat alagaan at mahalin, ndi yung sinasaktan lang. ako, mas peaceful ang mind ko nung dko pnagsiksikan sarili ko sa gago kong ex na nakabuntis sakin .. ni wala xa support at all, moral/financial.. now na alam ko na ugali nia na sa libog lang xa magaling, ndi na ako nghabol. i prefer na magng single mom at wlang ama ang baby ko kung ganong klaseng HAYOP lang naman ang mkksama ko.

Magbasa pa

Hindi ako laking broken family pero laki ako sa magulang na lagi nlang nagaaway.. At cinusugurado ko sayo na may malaking epekto dn sa anak mo yang ganyan. Palagay ko nga mas ayos pa ang kinahinatnan ng buhay mo kesa aming magkakapatid. Wala sa broken family yan. Nasa sa anak mo yan kung pano nya ihandle ang sarili nya.

Magbasa pa

ipa dswd mo! pwede k mgpaka martir pro wag mo hnhyaan na saktan k pisikal anong trauma ang gusto mo mrnsan ng ank mo kng hhyaan mo n snsktan k nya nsa proper communction s ank mo yn pra d sya lumaking ngrrbelde, kesa ngttiis k s gago mong asawa hwlayan mo bago ka nia mpatay, mas traumatize un s anak mo pg ngyri

Magbasa pa