How to convince?

Yung partner ko nasa Isabela. Nandun sya kasi yung tito nya may kakilala sa army at gusto syang ipasok dun. Yung mama nya ayaw sya pauwiin kahit na ngayon e kabuwanan ko na next month kesyo opportunity daw yun blah blah. Oo tama naman na opportunity talaga yun para sa family namin. However, yung bf ko is color blind which is isa sa major disqualification sa pagpasok sa army at aware si bf dun. Sinabi nya yung condition nya sa backer nya at ang sabi ng backer nya sanayin daw nya yung mata nya e hello color blind nga po. Napakamot na lang daw sya sa di makati nung sinabi sa kanya yon. I tried to convince him since last year na umuwi na. Marami naman available na work dito samin at pwede syang bumalik sa work nya before kasi yung kita nya sa isang araw don, sobra sobra pa. Ngayon gusto na nyang umuwi pero naiisip nya rin yung sasabihin ng mga kasama nya sa Isabela ngayon at tsaka ng family nya. Sinabi nya rin sakin kung tama pa ba na may ibang dedecide para sa kanya lalo ngayon na may sarili na syang pamilya. Pag-iisipan nya pa rin daw. Mga mamsh, how to convince my partner na umuwi na lang? Lalo na ngayon na kabuwanan ko na next month at much needed ko ang help nya? And considering his medical condition din Di kasi kami good terms ng mama nya dahil nga pinapauwi ko yung anak nya. Masyado daw akong nag-iinarte. 🥹 #FTM

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

🙄pauwiin mo mas kailangan mo siya. di pag iinarte tawag don. sabihin mo lahat tska bakit siya makikinig sa nanay niya eh may pamilya na nga siya. parang ewan naman yang byenan mong hilaw 🙄akala mo di nanganak. pauwiin mo mi. Iintindihin nya pa ba yung sasabhin ng iba eh mas importante kayo ng magiging anak nya. Sorna may pag gigil kase ako sa byenan mo bruha eh ✌️

Magbasa pa
2y ago

oo mi, pinipilit ko pa rin talaga pauwiin. sabi ko nga kung magdadalawang isip pa rin sya, balik na lang sya sa tiyan ng nanay nya.