❤️

hello po. Gusto ko sana magtanong kung naexperience nyo na to. meron po akong pamangkin babae 4 years old tapos umuwi po yung mama at papa nya galing laguna kase po manganganak na po yung mama nya ngayong august. bago po umuwi mama at papa nya nagsasabi po sya na ayaw nya po katabi sa pagtulog ako lang daw po gusto nya katabi pagtulog nya hanggang nga po ngayon ayaw po nya tumabi pagtulog. tumabi man po sya ay kasama ako. nakikipaglaro naman po sya kina mama nya tuwing umaga sila lagi kalaro nya pero pag gabi na gusto nya ako lagi katabi. Dati namn mo nu g last na umuwi sila nung april nakkaatabi pa nya sa pagtulog ang mama at papa nya. BAkit po kaya ganun ? Dahil po ba sa magiging ate na sya or nahihiya sya sa mama at papa nya? Thank you po sa sagot ☺️😊

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

Normal reaction lang po, kung sino kasi madalas nakakasama ng mga bata doon nila gusto sumama palagi at doon sila at ease. :) Ikaw ang hinahanap hanap ngayon ng bata dahil attached na sya sayo.

Super Mum

Hi sis. Nasanay na kasi si baby na ikaw ang kasama nyang mtulog kaya comfortable sya sayo. Pag lagi na nyang kasama ang parents nya sasama na din po yan sa kanila 😊

nagseselos cguro sya😊😅 hehe intindihin u nlang bata pa kc at tsaka nkasanayan k na rin cguro nya.bka naisip nya n ndi na sya masyafong na fucos😊..

baka cautious ang bebe kase buntis nga ang mama nya then nasanay na sya sayo. or baka selos na rin kase may bagong baby hehe

Turuan mo rin sya na di laging ikaw ang katabi or kasama. Ikaw rin mahihirapan in the near future.

VIP Member

baka ikaw po lageng kasama kaya mas comfortable po sya sayo :)

VIP Member

baka naninibago siya