Momsh, laking broken family din ako. Lagi kong nakikita kung paano manakit yung tatay ko sa nanay ko. Kaya sabi ko sa sarili ko, hinding hindi ako papayag na magiging battered wife ako. Ekis na agad sakin si hubby kapag pinagbuhatan niya ko ng kamay.
Momsh, kahit gaano pa natin kaayaw na magaya satin ang mga anak natin na lumaki sa broken fam, kung dun din ang tungo ng pamilya niyo better to choose that path. Better na maging single mom kaysa lumaki yung anak mo na nakikitang sinasaktan ka ng tatay niya, physically, emotionally, and mentally. Traumatizing yan sa anak mo. Gusto mo rin bang maranasan ng anak mo yung sama ng loob na nadanas mo nung bata ka pa? Kahit gaano mo pa kamahal yung tao kailangan mo ilet go para sa kapayapaan ng sarili at ng anak mo. Malay mo rin sa pag-alis niyo matauhan asawa mo.
Bottom line, dalawa lang pagpipilian mo eh. Buong pamilya pero walang peace of mind o broken fam na panatag ang kalooban mo? It's your choice pa rin. Whatever you will choose, I hope you will be happy.