Hinanakit???
Hi po mga mommies. Gusto ko lang po sanang ilabas yung hinanakit ko sa asawa ko, mababaw lang naman po ito pero naiinis po kasi ako. Magpa5 months na po itong tiyan ko. Simula po kasi nung nagdeclare ng community quarantine dito sa amin(Ilocos Norte) siyempre kailangan na naming magtipid sa pagkain lalo na pag meryenda, pero napapansin ko po, itong asawa ko mas panay pa ang kain kesa sa akin.. Naiintindihan ko naman po na siya ang kumakayod at sa kanya nanggaling yung pera na pinambibili pero sana naman po maisip niya ang kalagayan namin ngayon. Nakakainis na nakakaiyak po??? Pasensya na po pero masama lang talaga loob ko. Salamat po sa makakapansin.
Try to control him momsh..lip ko malakas dn kumaen yon, kung ano2 kinakaen, chichirya, yosi, sa yosi mas malakas e ang mahal ng yosi.. ako nlang nag cocontrol tlga, gumagawa ako ng paraan/batas dito s bahay hahaha Oo kelangan magtipid sa panahon ngayon, pero kase andon dn ung papasok s isip nila na nag ttrabaho sila e. Kaya ako, ang ginagawa ko, ako nlang gumagawa budget plan namin then siya ang mamimili, kung ano lang ung nsa list un lang bibilin nia. Binigyan ko dn sia sarili nia pera (although pera nia dn ung hawak ko) pra kung bibili sia ng gusto nia my pambili sia at di na sia hihingi p skin.. Sa ngayon, ako wala na pera pero sia meron pa, kaya siya gumagastos smin ngayon. My naitatabi naman, so far buti hindi pa namin ngagalaw ung savings namin. Nakokontrol ko na sia ngayon sa pera simula nung siya nlang nag wowork pra saming dalawa, 6months preggy ako and wala pa naman kame baby. Pero thankful ako kase ngayon marunong na sia magpahalaga sa pera di gaya date na waldas kung waldas. Try mo din, baka mag work senyo. Hindi naman sa under sia, pero kontrolin mo lang dn sia s hawak niyang pera.
Magbasa paAyyy nakuuu. Same din tayo. Dalawa lang kami sa bahay ah, pero last day na nag grocery sya naka 11k sya. Puro pagkain lang yun, walang sabon dun. Nahihilig asawa ko sa chips, at coke. minsan bababa pa ng 7-11 para bumili ng coke kapag naubusan sya ng stock. Hinahayaan ko nalang sya, hindi rin naman sya nakikinig. Isa pa sya ang nagwowork sa amin. Para na syang si Winnie the pooh. Ayun nasagad nya credit card nya nung nag grocery sya. 7k lang dala nyang cash para sa budget sa grocery. Napa credit card sya ng de oras. Tapos wala na pala dog food aso namin di sya maka order online kasi walang COD. Wala kasi sa grocery nung brand nung kinakain ng aso nmin. Wala kaming atm, naka passbook lahat ng account namin. Hinahayaan ko sya kesa mag away kami, 10 weeks pregnant ako pero mukha pang buntis asawa ko.
Magbasa paBaka nasa stress eating sya mumsh.. Ako din, share ko lang, pinabili ko din sya ng food pangstocks namin dahil din sa lockdown. Binibigyan ko sya lagi pasobrA kSi nga bka may hindi pa ko nalista, pagdating nya haus.. Sabi nya matutuwa daw ako sa mga binili nya, surprise daw. Pagpakita sakin, isang guyabano na worth 89php raw. Nagulat ako kasi hindi naman kmi bumibili ng ganun kamahal na fruit pra sa isang piraso lang tho healthy nMN tlga yun, hindi tlGa ko natuwa mumsh, pero hndi ako nagreact.. Yung tayo panay tipid ba tas sila wala lang? π once lang naman ngyari to, nanghinayang ako sa pera kasi nga hindi nman kmi usually bumibili ng ganon, tas sa panahon pa na wala akong sahod, mapapahays ka na lang talaga...
Magbasa paSabihin mo mamsh ako ganyan ginagawa ko kasi etong mag aama ko mayat maya din ng kain pero kada hingi nila sabi ko hindi tayo nagpi picnic at tinatakot ko na baka hanggang dalawang buwan pa quarantine oh di ano kakainin kako tama na kako malamnan lang ang tyan di naman habang buhay ganito. Sa kabubunganga ko mamsh naiwas iwas na mana tsaka tinatago ko talaga ibang pagkain katulad ng isang timba ng biscuit nalabas lang ako tag dadalawang piraso snack. Hindi naman sa pangangait yun sakin lanv tipidin kasi di natin alam kung hanggang kelan maigi na may stock
Magbasa paHayys. Medyo powerless tayo preggies ngayon ah. Ako din d ako makalabas so ung husband ko naggrocery. Sabi ko sa list ko 7k budget lang. Paguwi nya naka 11k daw sya dahil wala choice. Wala nako nagawa, ok nalang tutal marami naman. Kaso ngayon kung anu ano na agad sinasabi nya gusto nya daw iluto. Kaya sinabihan ko sya na baka 2 weeks lang tumagal yang binili mo ha. D porque marami sige sige dahil my balitang maeextend pa ang lockdown ng mas matagal. Nakakastress. Sana matapos na ang pandemic nato.
Magbasa paYung asawa ko naman hilig magchips at snacks pero ok lang, sumusweldo pa rin naman siya kahit nakaquarantine kasi tuloy work niya dito sa bahay. Sinasabihan ko minsan kasi pag nauubos niya chips niya, gusto niya lumabas para bumili.. omg π± sabi ko nalang hinay hinay kasi dito samen pag wala passes huhulihin ng baranggay at may multa, eh wala kami passes dito.. very limited lang binigay sa condo para gamitin ng lahat. Ayoko naman hiramin baka dun pa kami mahawa.
Magbasa paMainam kausapin mo sya sis paunawa mo sknya gusto mo iparating.. kelangan tlg magtipid para may kainin sa susunod wag po kamo ubos ubos biyaya
Baka po nalipat po sakanya ang paglilihi mo kaya po kain sya ng kain
Salamat po sa mga kwento at advice po ninyoπβ€
Talk to him. Tell him what's in your mind
working mom of 2 fun loving son