Argene Paula Salado profile icon
PlatinumPlatinum

Argene Paula Salado, Philippines

VIP Member

About Argene Paula Salado

Mother of one

My Orders
Posts(37)
Replies(61)
Articles(0)

My Baby Girl

DUEDATE via UTZ :May 17 DUEDATE via LMP: May 12 Date of Birth : May 8 2020 3.0 kLs 18 hours labor . ? Nung umaga okay pa tinatawanan ko pa nga yung kasama ko maglabor na buntis din kasi ang ingay ingay nya . Nung pumatak ng 9pm-12am naisip ko ganito pala yung pakiramdam ng ate kanina muntik na ako magpalipat kasi sobrang sakit na. Hinang hina na ako. Yung tipong iba na din yung klase ng pakikipag usap ko sa nurse sa sobrang sura dahil iniintay pang makita ulo ni baby bago pa ako dalhin sa delivery room . Pota . Yung tipong nasasabihan ko ang mama ko " Mama bilisan mo haplusin mo, ayusin mo buhay mo . ? Yung nasabihan ko yung clinic na tang inang lying in to kaya nga dito aanak para may katulong umanak aba gusto pa ata e iintayin nalang ang baby lumabas ? Yung tipong 12am na inabala ko pa OB ko na Maam magpapalipat nalang ako kanina pa nahilab tyan ko wala man lang ginagawa E ?? Kaso hindi na pwede ilipat kasi 9cm na . At eto na nga. Nakulitan na si midwife kasi lagi ko sinasabe maam ano baaaa . Wala paba . Ipush na natin to diko na kaya . Hanggang sa ito na dinala na ako ng delivery room . ? Before 2am . Baby Out . ❣️ Suliiiiiiit ! Sulit ang pagod at hirap ng ipatong na ang munting anghel sa dibdib ko . Yung tipong nasasabi kong Anak ko ba to ? Akin na ba to . Grabe diko alam ire.reaction ko kung iiyak ba ako o ano . Pero mas pinili kung pigilan ang iyak at tuwa ko kasi lalo lang ako manghihina pag umiyak pa ako . ? Akala ko tlaga katapusan ko na . Hahaha. Ikaw ba naman umanak ng walang turok ng painless man lang o ano . Haysss . Sa mga mag aanak dyan jusko ngayon ko po napatunayan masarap gumawa pero pag aanak na sobranggggg hiraaap . Parang nakikipag patintero ka kay sanpedro ?? Welcome to the outside world baby girl . Wala pa akong maisip na pangalan ? Kaya baby girl muna ❣️? Surprise gender reveal si baby e . ?❣️

Read more
 profile icon
Write a reply