Hinanakit???

Hi po mga mommies. Gusto ko lang po sanang ilabas yung hinanakit ko sa asawa ko, mababaw lang naman po ito pero naiinis po kasi ako. Magpa5 months na po itong tiyan ko. Simula po kasi nung nagdeclare ng community quarantine dito sa amin(Ilocos Norte) siyempre kailangan na naming magtipid sa pagkain lalo na pag meryenda, pero napapansin ko po, itong asawa ko mas panay pa ang kain kesa sa akin.. Naiintindihan ko naman po na siya ang kumakayod at sa kanya nanggaling yung pera na pinambibili pero sana naman po maisip niya ang kalagayan namin ngayon. Nakakainis na nakakaiyak po??? Pasensya na po pero masama lang talaga loob ko. Salamat po sa makakapansin.

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Sabihin mo mamsh ako ganyan ginagawa ko kasi etong mag aama ko mayat maya din ng kain pero kada hingi nila sabi ko hindi tayo nagpi picnic at tinatakot ko na baka hanggang dalawang buwan pa quarantine oh di ano kakainin kako tama na kako malamnan lang ang tyan di naman habang buhay ganito. Sa kabubunganga ko mamsh naiwas iwas na mana tsaka tinatago ko talaga ibang pagkain katulad ng isang timba ng biscuit nalabas lang ako tag dadalawang piraso snack. Hindi naman sa pangangait yun sakin lanv tipidin kasi di natin alam kung hanggang kelan maigi na may stock

Magbasa pa