Hinanakit???

Hi po mga mommies. Gusto ko lang po sanang ilabas yung hinanakit ko sa asawa ko, mababaw lang naman po ito pero naiinis po kasi ako. Magpa5 months na po itong tiyan ko. Simula po kasi nung nagdeclare ng community quarantine dito sa amin(Ilocos Norte) siyempre kailangan na naming magtipid sa pagkain lalo na pag meryenda, pero napapansin ko po, itong asawa ko mas panay pa ang kain kesa sa akin.. Naiintindihan ko naman po na siya ang kumakayod at sa kanya nanggaling yung pera na pinambibili pero sana naman po maisip niya ang kalagayan namin ngayon. Nakakainis na nakakaiyak po??? Pasensya na po pero masama lang talaga loob ko. Salamat po sa makakapansin.

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Yung asawa ko naman hilig magchips at snacks pero ok lang, sumusweldo pa rin naman siya kahit nakaquarantine kasi tuloy work niya dito sa bahay. Sinasabihan ko minsan kasi pag nauubos niya chips niya, gusto niya lumabas para bumili.. omg 😱 sabi ko nalang hinay hinay kasi dito samen pag wala passes huhulihin ng baranggay at may multa, eh wala kami passes dito.. very limited lang binigay sa condo para gamitin ng lahat. Ayoko naman hiramin baka dun pa kami mahawa.

Magbasa pa