Hinanakit???

Hi po mga mommies. Gusto ko lang po sanang ilabas yung hinanakit ko sa asawa ko, mababaw lang naman po ito pero naiinis po kasi ako. Magpa5 months na po itong tiyan ko. Simula po kasi nung nagdeclare ng community quarantine dito sa amin(Ilocos Norte) siyempre kailangan na naming magtipid sa pagkain lalo na pag meryenda, pero napapansin ko po, itong asawa ko mas panay pa ang kain kesa sa akin.. Naiintindihan ko naman po na siya ang kumakayod at sa kanya nanggaling yung pera na pinambibili pero sana naman po maisip niya ang kalagayan namin ngayon. Nakakainis na nakakaiyak po??? Pasensya na po pero masama lang talaga loob ko. Salamat po sa makakapansin.

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Baka nasa stress eating sya mumsh.. Ako din, share ko lang, pinabili ko din sya ng food pangstocks namin dahil din sa lockdown. Binibigyan ko sya lagi pasobrA kSi nga bka may hindi pa ko nalista, pagdating nya haus.. Sabi nya matutuwa daw ako sa mga binili nya, surprise daw. Pagpakita sakin, isang guyabano na worth 89php raw. Nagulat ako kasi hindi naman kmi bumibili ng ganun kamahal na fruit pra sa isang piraso lang tho healthy nMN tlga yun, hindi tlGa ko natuwa mumsh, pero hndi ako nagreact.. Yung tayo panay tipid ba tas sila wala lang? πŸ˜” once lang naman ngyari to, nanghinayang ako sa pera kasi nga hindi nman kmi usually bumibili ng ganon, tas sa panahon pa na wala akong sahod, mapapahays ka na lang talaga...

Magbasa pa
5y ago

Hahaha! πŸ˜‚ Nway sana hindi plakain asawa nitong nagpost para hindi na sya malungkot.. 😊