Hinanakit???

Hi po mga mommies. Gusto ko lang po sanang ilabas yung hinanakit ko sa asawa ko, mababaw lang naman po ito pero naiinis po kasi ako. Magpa5 months na po itong tiyan ko. Simula po kasi nung nagdeclare ng community quarantine dito sa amin(Ilocos Norte) siyempre kailangan na naming magtipid sa pagkain lalo na pag meryenda, pero napapansin ko po, itong asawa ko mas panay pa ang kain kesa sa akin.. Naiintindihan ko naman po na siya ang kumakayod at sa kanya nanggaling yung pera na pinambibili pero sana naman po maisip niya ang kalagayan namin ngayon. Nakakainis na nakakaiyak po??? Pasensya na po pero masama lang talaga loob ko. Salamat po sa makakapansin.

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ayyy nakuuu. Same din tayo. Dalawa lang kami sa bahay ah, pero last day na nag grocery sya naka 11k sya. Puro pagkain lang yun, walang sabon dun. Nahihilig asawa ko sa chips, at coke. minsan bababa pa ng 7-11 para bumili ng coke kapag naubusan sya ng stock. Hinahayaan ko nalang sya, hindi rin naman sya nakikinig. Isa pa sya ang nagwowork sa amin. Para na syang si Winnie the pooh. Ayun nasagad nya credit card nya nung nag grocery sya. 7k lang dala nyang cash para sa budget sa grocery. Napa credit card sya ng de oras. Tapos wala na pala dog food aso namin di sya maka order online kasi walang COD. Wala kasi sa grocery nung brand nung kinakain ng aso nmin. Wala kaming atm, naka passbook lahat ng account namin. Hinahayaan ko sya kesa mag away kami, 10 weeks pregnant ako pero mukha pang buntis asawa ko.

Magbasa pa