Hinanakit???

Hi po mga mommies. Gusto ko lang po sanang ilabas yung hinanakit ko sa asawa ko, mababaw lang naman po ito pero naiinis po kasi ako. Magpa5 months na po itong tiyan ko. Simula po kasi nung nagdeclare ng community quarantine dito sa amin(Ilocos Norte) siyempre kailangan na naming magtipid sa pagkain lalo na pag meryenda, pero napapansin ko po, itong asawa ko mas panay pa ang kain kesa sa akin.. Naiintindihan ko naman po na siya ang kumakayod at sa kanya nanggaling yung pera na pinambibili pero sana naman po maisip niya ang kalagayan namin ngayon. Nakakainis na nakakaiyak po??? Pasensya na po pero masama lang talaga loob ko. Salamat po sa makakapansin.

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hayys. Medyo powerless tayo preggies ngayon ah. Ako din d ako makalabas so ung husband ko naggrocery. Sabi ko sa list ko 7k budget lang. Paguwi nya naka 11k daw sya dahil wala choice. Wala nako nagawa, ok nalang tutal marami naman. Kaso ngayon kung anu ano na agad sinasabi nya gusto nya daw iluto. Kaya sinabihan ko sya na baka 2 weeks lang tumagal yang binili mo ha. D porque marami sige sige dahil my balitang maeextend pa ang lockdown ng mas matagal. Nakakastress. Sana matapos na ang pandemic nato.

Magbasa pa