Breastfeeding tips
Hello po heeelp. I'm a single first time mom, 5 days old pa lang po si baby and pure breastfeeding pero parang gusto ko na sukuan ๐ซ grabe malapit na maubos pasensya ko huhu every 1hr or 2hrs naghahanap ng dede so ang ending literal na hindi ako nakakatulog. Makatulog man, mahaba na yung 2 oras putol-putol pa. sobrang sakit na rin ng balikat at braso ko. Any tips po on breastfeeding please... ๐๐ป๐๐ป๐๐ป And also pwede ba ko mag lagay ng salonpas sa katawan? Sana may sumagot. Tia!!! Edit: Thank you sa mga advises, much appreciated! ๐ Pero yung sa ibang comments na hindi yata na-gets yung point ng post ko, malamang yung breastfeeding gusto kong sukuan hindi yung anak ko. Kaya nga ko nanghihingi ng "TIPS", dahil gusto ko rin naman talaga ituloy kaso parang unang bibigay yung katawan ko at ayoko dumating sa point na yun.
Hello Mommy๐ค. WAG KANG SUSUKO SA BREASTFEEDING JOURNEY MO. Ganyan talaga mi yung alaka natin naka hinga na tayo kasi nakaanak na tayo pero hindi pa pala.. Nagsisimula palang ๐ Dinanas ko rin yan.. ftm din ako at ako lang mag isa sa bahay, cs mom. inverted nipple yung right ko and left lang talaga yung dinedede ni baby to the point na sugat na sugat na yung left nipple ko tapos yung right naman pump lang palagi. One time pinilit ko ipadede yung right as in grabe humahagulhol talaga ako habang nagpapadede sa sobrang sakit.. namimilipit yung paa ko sa pagtitiis sabayan pa ng puyat at pagod tapos kirot ng tahi parang mabibitawan muna si baby.. Dumating pa sa point na naigahan ako kasi walang pahinga at tulog. Walang masama humingi tulong Mi kung may kasama ka naman sa bahay napakahalaga ng tulog Mi. Nakakaubos talaga minsan ng pasensya mi lalo na kung ikaw lang mag isa nakakaloka talaga yung pipikit palang mata mo tapos si baby iiyak or dede.. Kapag tulog si baby mo sabayan mo Mi ganyan din ako swerte na yung 2hrs na tulog tapos syempre palagi mo pang buhat si baby kasi nag aadjust pa sya pero promise Mi kapag 2m na si baby magbabago na routine ng tulog nyan. Try mo side lying Mi pero make sure na naka angat ang ulo ni baby. Sa salonpas naman naglalagay ako pero maliit lang tsaka pinalilipas ko muna ng konte yung amoy para hndi malanghap ni baby. Wag mo susukan ang pagpapadede mo Mi worth it lahat ng pagtitiis mo and bonding nyo yan ni baby. Napaka sustansya ng gatas natin tsaka tipid pa. Keep hydrated Mi before, during and after bf. More patience mi. ๐ค *going 4months bf mom sabay na kami natutulog ni baby gigising nalang kapag dede sya.
Magbasa paGanito din ako. Till now. 4 weeks pa lang baby ko.,Nakakasuko talaga mag BREASTfeed. Nung 1st 3 weeks ko, sukong suko ako kasi masakit pa katawan ko sa panganganak (NSD) tapos buhat ke baby. Sakit sa likod at braso. Masakit utong ko kasi bago palang mag padede. Shallow latch pa baby ko kasi my ties sya sa upper lips. Sugat malala talaga nipples ko. Mas iniyakan ko mag pa dede at puyat kesa sa labor at panganganak. Wala pa yan mie. Ung growth spurt mag ready ka. Yan ung parang ayaw na nila bumitaw sa nipples mo. Every hour na dede? Minsan every 30 mins gusto nyan mag dede lalo sa madaling araw. Pero tiis lang. Minsan gusto ko na mag formula. Pero naiisip ko na sayang ung nutrition na makukuha nya sakin. Saka iwas sakit nga daw pag BF. Yun talaga habol ko. (Saka tamad ako mag hugas ng bote at mag timpla ng milk ๐คฃ๐คฃ). Kaya natin ti momsh!! Nasa umpisa palang tayo. Hingi ka tulong sa family mo. Sa umaga paalaga mo saglit sa mama mo or kapatid mo para makatulog ka. Makikita mo masaya ka na sa 2-3 hrs na sleep. โบ๏ธโบ๏ธโบ๏ธ laban lang mamsh!!
Magbasa panormal sa sanggol ang mayat maya dumede kaya nga db sinasabi nila na sabayan mo ng tulog ang baby. lalo sa mga unang buwan, halos wla k talagang itutulog jan. ung asawa ko nasa ibang bansa so feeling solo parent ako. maniwala ka sakin, ipagpasalamat mong breastfeeding ka rin. ako bf din at di ko talaga sinukuan. may dadating ding oanahon na grabe ang hapdi ng nipples ko kakadede nya pero tiniis ko hanggang sa kusa nlang namanhid at di na sumakit ulit. isipin mo to, laking advantage ang breastfeeding kasi gitnang madaling araw kada magigising si baby ay hindi na natin kinakailangan pag bumangon at kumilos para magtimpla ng gatas. poposisyon nlang tayo sabay abot n ng dibdib. dahil puyat at pagod pagod din, laking ginhawa na hndi na natin need pang maghugas ng mga bote ng gatas. at higit sa lahat, katagalan, laki din ng natipid ko dahil hndi ko na kailangan pang bumili ng gatas nya. saka hindi sya naging sakitin at nakapalambing sakin ng anak ko kasi sanggol plang sya ay sanay na syang ako ang palagi nyang naaamoy at nayayakap.
Magbasa paJusmiyo, 5 days pa lang Suko na??๐ Nako Momsh, Wala pa sa Kalahati dadanasin mong Hirap dyan. Yes, maghahanap talaga sila ng Dodo lagi kasi magpapa laki & mapapa Lakas na sila. About sa Tulog, once na maging Mommy ka na, di ka na talaga makaka Tulog ng Maayos, Masarap, derederetso. Try nyo mag Side Lying pag nag papa Dodo. Basta, Tama Position nyo & again, Di ka pa din makakatulog ng Maayos kasi nga may Baby ka ng Need Bantayan. Tiisin mo. Tiis lang ng Tiis. Mag Dasal ka. Pag nakikita mo Baby mo na Healthy, na ngumingiti, tumatawa, wala kang pagsisisihan sa mga ginagawa mong Sacrifice para sakanya๐
Magbasa paMi ako nga dinanas ko ang duguan ang nipples. Ako din gusto ko nadin sukuan sana noon yung pagpapadede sa baby ko. Kaso sabi ng friend ko na mommy of 2, Wag daw. Tyagain ko lang daw. Baka din konti nakukuha sayo mi check mo din baby ko kase ganon e kay maya't maya siya nadede kase kulang yung gatas ko sa kanya. Alam ko sabi sa ospital every 2 hours talaga pinapadede pag new born. Sa tulog naman, HAHAHAHAHA. Di ko nadin alam gaano kasarap ang 8 hours na tulog. Gawin mo kung kaya naman pag tulog si baby, sleep ka din sabayan mo lang. Sa salon pas di ako sure kung pwede. Kaya mo yan! ๐ Yung baby ko pure breastfeeding since lumabas siya sa mundong ibabaw. Super happy ako na di ko sinukuan ang breastfeeding. Going 5 months na ang baby ko this coming november 15, Ang timbang? HAHAHAHA. 9kilos lang naman. โบ๏ธ
Magbasa pa5 days palang yan suko kna ? laban lang ako na umabot sa punta hinampas ko na dalawang dede ko kase na unti ng gatas na lumalabas kawawa ung anak ko .panay iyak pero never ako sumuko ..hanggang sa unti unting lumakas gatas ko ang saya ko na hahahaโบ๏ธkahit paman iniyakan ko to dahil sa sobrang sakit sugat yung tipong nadede ne bby yung dugo sa nipple ko kase sobrang sugat tlga . iniiyk ko nalng kase dalawa lang n choices eh . bibili ng gatas oh padedein .syempre bukod sa mahal ang gatas breastfeeding is the best .liquid gold ikanga ๐ซฐ๐ซฐ๐ซฐ laban lang mii ako natiis ko 8 months old na c baby lalaban ako hanggang sa huling patak ng gatas ko ngayon nako sisiw nlang pagpadede kahit anong posisyon at kahit saan pa maabutan basta gutom ang anak โฅ๏ธ๐คญ๐๐ซฐ๐ซฐ๐ซฐ
Magbasa paHi Miii! Sa totoo lang po hindi naman talaga madali ang breastfeeding, lagi kang magugutom, minsan habang dumedede si baby sayo gutom na agad. Share ko lang po Mii, breastfeeding din ako sa baby ko since birth nia. Naranasan ko din po yan. Pag newborn talaga every 2hrs dedede sila. Talagang hindi po tayo makakatulog ng maayos, idlip lang ang magagawa natin. 1yr and 5m na po ang baby ko ngayon sa akin pa rin siya dumedede. Choice ko din po ito, gusto ko sa akin lang siya dumede hanggat gusto nia. Hindi lang po ikaw Mii ang nakakaranas ng ganyan. Para naman po kay baby yan, kung may gatas ka naman po go mo lang mas magiging healthy pa si baby. Unti unti mag iiba din yung oras ng pagdede nia, unti unti makakabawi ka din ng tulog. Ang una mong isipin yung baby mo๐
Magbasa paifeelyou mi. nung una oo hirap talaga ako mag adjust dahil yung tulog ko is nasa mga 2hours lang minsan minutes nga lang paputol putol. nakakapagod sa totoo lang dahil hindi na normal ang tulog naten. nasa stage pa tayo ng postpartum. yung feeling na parang gusto mo sumuko pero sa tuwing nakikita ko baby ko nawawala lahat ng pagod ko. everyday na feeling ko susuko na ko tinititigan ko lang baby ko at ngayon mag 2months na po sya. kailangan po tayo ng mga baby naten โค๏ธ wag naten sila sukuan mi dahil worth it po yan sa huli. tiyaga tiyaga lang po kasi ganon talaga. hindi ganon kadali magpalaki ng baby. malaking adjustment gagawin mo sa sarili mo mi. kaya tiis lang at pray ๐ makakaya naten to
Magbasa pawag ka mawalan Ng pasensya dahil anak mo yan mi kahit Anong Gawin mo GANYAN talaga Ang nanay walang pahinga mas Lalo na ngayon na single mom ka kailangan mo lakasan loob mo di porket di mahaba tulog mo kailangan mo na mawalan Ng pasensya. Ang kailangan mo ngayon is mahabang pasensya Wala ka man tulog na sapat atleast walang sakit Ang anak kasi kapag nag kasakit baby mo mas Lalo ka mag papanik Sabi nga nila kapg Nanay kana daw lahat Ng hirap dadanasin mo maibigay mo lang sa anak mo ung sapat na pangangailangan nito. kaya mo be thankful and pasalamat kana din Kay God na okay ung baby mo healthy at malakas dumede ๐ฅฐ๐ฅฐ๐ฅฐ๐ฅฐ
Magbasa pai can relate to you mommy. exclusive breastfeeding peru masakit talaga sa likod ang side lying inisip ko nga minsan mali ata position ko. ginagawa ko pump ako sa umaga sa gabi lang ako direct latch kasi di ko kaya whole day mag direct latch di ko kaya ang sakit. kahit direct latch di parin ako makatulog ng maayos kasi gusto niya lagi naka latch di ako comfortable. sa umaga halos every hr or 2hrs ako mag pupump jusko para nakong baka joke. . 1 month na ako exclusive BM 1 month narin ako halos di natutulog . hindi ka nag iisa mommy. Also minsan para ma bawasan sakit ng likod ko. Nanghihingi ako ng 10 mins back massage!!! sa asawa ko. Promise malaking tulog
Magbasa pa
Momsy of 1 playful boy