Breastfeeding tips

Hello po heeelp. I'm a single first time mom, 5 days old pa lang po si baby and pure breastfeeding pero parang gusto ko na sukuan ๐Ÿ˜ซ grabe malapit na maubos pasensya ko huhu every 1hr or 2hrs naghahanap ng dede so ang ending literal na hindi ako nakakatulog. Makatulog man, mahaba na yung 2 oras putol-putol pa. sobrang sakit na rin ng balikat at braso ko. Any tips po on breastfeeding please... ๐Ÿ™๐Ÿป๐Ÿ™๐Ÿป๐Ÿ™๐Ÿป And also pwede ba ko mag lagay ng salonpas sa katawan? Sana may sumagot. Tia!!! Edit: Thank you sa mga advises, much appreciated! ๐Ÿ’š Pero yung sa ibang comments na hindi yata na-gets yung point ng post ko, malamang yung breastfeeding gusto kong sukuan hindi yung anak ko. Kaya nga ko nanghihingi ng "TIPS", dahil gusto ko rin naman talaga ituloy kaso parang unang bibigay yung katawan ko at ayoko dumating sa point na yun.

99 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi Miii! Sa totoo lang po hindi naman talaga madali ang breastfeeding, lagi kang magugutom, minsan habang dumedede si baby sayo gutom na agad. Share ko lang po Mii, breastfeeding din ako sa baby ko since birth nia. Naranasan ko din po yan. Pag newborn talaga every 2hrs dedede sila. Talagang hindi po tayo makakatulog ng maayos, idlip lang ang magagawa natin. 1yr and 5m na po ang baby ko ngayon sa akin pa rin siya dumedede. Choice ko din po ito, gusto ko sa akin lang siya dumede hanggat gusto nia. Hindi lang po ikaw Mii ang nakakaranas ng ganyan. Para naman po kay baby yan, kung may gatas ka naman po go mo lang mas magiging healthy pa si baby. Unti unti mag iiba din yung oras ng pagdede nia, unti unti makakabawi ka din ng tulog. Ang una mong isipin yung baby mo๐Ÿ˜Š

Magbasa pa