Breastfeeding tips
Hello po heeelp. I'm a single first time mom, 5 days old pa lang po si baby and pure breastfeeding pero parang gusto ko na sukuan π« grabe malapit na maubos pasensya ko huhu every 1hr or 2hrs naghahanap ng dede so ang ending literal na hindi ako nakakatulog. Makatulog man, mahaba na yung 2 oras putol-putol pa. sobrang sakit na rin ng balikat at braso ko. Any tips po on breastfeeding please... ππ»ππ»ππ» And also pwede ba ko mag lagay ng salonpas sa katawan? Sana may sumagot. Tia!!! Edit: Thank you sa mga advises, much appreciated! π Pero yung sa ibang comments na hindi yata na-gets yung point ng post ko, malamang yung breastfeeding gusto kong sukuan hindi yung anak ko. Kaya nga ko nanghihingi ng "TIPS", dahil gusto ko rin naman talaga ituloy kaso parang unang bibigay yung katawan ko at ayoko dumating sa point na yun.
wag kang mag give up sa pag brebreastfeed mi. kailangan ng baby naten yun at mas healthy po yun less gastos pa. kailangan lang naten mag tiyaga mi. ganyan na ganyan din ako at lalo ngayon, mag 2months na si baby. mas mahirap pag nakakakita na sila kasi dun ka mas lalong mapupuyat. tulog ko nga nung mag 1month sya mga ilang oras lang, matagal na yung 2hours kaso putol putol pa. nasa stage kapa kasi ng postpartum mi lalo't 5days palang. naiintindihan ko nararamdaman mo kasi gantmyan din ako. na halos umiiyak ako ng diko alam. nag aadjust kapa kasi emotionally, physically at mentally kaya ganyan. kaya mo yan mi, need tayo ng mga baby naten hehe pray lang
Magbasa paIsa sa mga nakatulong sakin is parehas kaming nakahiga habang breastfeeding. So gising ako habang pinapadede sha tapos pag tulog na sha, nap ako sa tabi ng bebe ko. Every 2 hours din feeding nya. Experience ko din that works is pag nanlalagkit anak ko, I give her a shower para presko tapos ac na di mashadong malamig (kasi madali pa siyang lamigin since maliit pa sha). Tuloy tuloy tulog nya after π For now, since sobrang pagod ka, baka hinging ka ng tulong from a relative for a week para hindi ka na gagawa ng extra things like washing dishes or laundry, house cleaning, etc. Salonpas, not advisable. baka malagyan balat ni baby e sensitive balat nila.
Magbasa paMAMSH! Legit ang pagsuko factor talaga...FTM din...sakit at puyat talaga minsan stress pa sa environment worst stress pati sa partner...Valid yan...Pero wag kang sumuko mamsh! dadating din at magiging maayos tulog ni baby...Routine mamsh, buo ka ng routine nyo daily...esp. sa pagtulog nya...ako effective dim light, ayun, 3 months na sya sarap na ng tulog namin ni hubby tuwing gabi, nagbabago lang sleep routine nya kapag growth spurt pero once nakatulog na sya sa gabi, hanggang umaga ganun, saka dede lang gising...minsan dalawang beses madalas isa...kasi grabe dede ni baby ko bago sya matulog...Wag mo lang kalimutan magpadighay...LABAN!!! π₯°π₯°π₯°
Magbasa patsaka pala ang best position para di ka na tumayo yung sinasabi rin ng iba na Side lying basta si baby nakaside lying rin ha .. kasi di pwedeng nakalapat ang likod hbang nadede baka mapunta sa baga nya ang gatas βΊοΈ yan ang bilin ng pedia pag ganyan ang ginawa mong posisyon eh makatulog ka man oks lang ang babae once naging nanay mararamdaman na pag tapos na si baby dumede.. pag natapos sya dumede check mo agad ang suot nya damit kung basa ng pawis o gatas mo - palitan mo agad diaper pag may pupu palitan mo agad lalo kung girl ang baby mo after nyan .. hihimbing na tulog nyan itabi mo lang sayo para amoy na amoy ka nya βΊοΈ
Magbasa pagnyn din ako ng una prng auko n mgpbreastfeed gusto ko nlng iformula kaso ayw ni partner kya tiyaga lng mi pra ky bby nmn lht ng sakripisyo mo . sbi ko 3months lng nmn kc bblik nko sa work pero 3months n sya ngaun decide nlng mgresign aq kc la mgbbnty kya continue ko lng pgppbreastfeed dun ung ang skit n ng likod ko halos mauubos n lakas ng ktwan ko pgppdede iniisip ko nlng mkkbuti sa bby ko at tipid nrin lalo wala nko work. tyga lng mami kung gusto mo tlga pure breastmilk c bby pero kung indi nmn pconsult k s pedia kung nu best ky bby di k ngiisa mi lht ng mami tinitiis lht ora sa bby nila kya pray lng din mllgpsan ntin lht
Magbasa paHi mii. Try mo po mag pa-side lying para nakahiga ka rin while breastfeeding at makatulog ka po kahit papano. Sa ganyang age po kasi talaga, maliit lang po yung tummy ni baby, so mas mabilis po nauubos or naabsorb ng katawan nila yung gatas kaya mas mabilis po sila magutom. Every 2 to 3 hrs po talaga yan sila. Tyagaan mo lang mii, di naman sila forever na ganyan. Problem ko din talaga puyat sa unang weeks and umiiyak pa ako nun kasi di pa ako fully recovered physically tapos puyat na puyat. Check mo tong photo mii to know pano yung tamang position ng side lying. Pag ganyan kami, nakakatulog ako habang nagpapadede hehe.
Magbasa paMommy kung susukuan mo si baby sa breastfeeding pano na lang po ang baby mo? Ikaw lang po ang source of nutrition ng baby mo lalo na newborn pa lang po siya at breastmilk mo lang po yung best na pwede mo ipainom sa kanya. Normal po yang pinagdadaanan mo. Lague mo lang po isipin na higit sa lahat ikaw po ang pinaka kailangan ni baby. Magdasal ka lang po kakayanin mo yan. Gawin mong motivation ang pagmamahal mo sa baby mo para makayanan mo yung hirap as first time mom. Ma swerte ka din po kasi meron ka breastmilk yung iba nga po nanghihingi pa at bumibili para lang meron mapa dede sa baby nila.
Magbasa paFor tips, kung may mag aalaga po kay baby sa umaga try nyo pong mag pump para hindi kana po gigisingin pag dede si baby at makapagpahinga ka kahit sa umaga lang, at sa gabi naman po try nyo side lying kayong parehas ni baby mag kaharapan kayo para kahit makatulog ka habang nag papa dede hindi ka na mag woworry kasi kusang natanggal ang utong sa bibig nila once na tulog na sila, ako kasi first time din at pag nagpapadede ako at kada dede baby ko naupo ako kaya mahirap talaga, at sa umaga nag pupump ako at mother ko nag aalaga, nung 3 months na sya nag sisidelying na ako
Magbasa pahello. tiis tiis lang po. magiging worth it din lahat. and also try to practice yung side lying para if manghingi man ng dodo, itataas mo na lang nun damit mo. been there. ganyan ginagawa ko. mas mahihirapan ka if magfoformula ka naman. bukod sa mahal ang gatas. dun mo mas kailangan tumayo para magtimpla tapos kailangan babantayan mo talaga sya habang dumododo kasi baka biglang makatulog na si baby tapos yung milk naman nun continues pa din sa pagpatak. baka malunod. tas yung pwesto pa kailangan nun medyo nakaangat ng konti. tiis tiis lang po. kaya mo yan. fighting!
Magbasa pakaya mo yan πͺ wag mu sukuan si baby wawa nmn pag nangalay n sa kabila yng kabila nmn. masasnay ka din. o kaya gamitan mo ng bottle pag gabi i pump mo tas lagay mo sa feeding boottle pag maskit yung braso mo para mka pag pahinga nang konti... kaso mas hustle yun.. kase ttayo kpa compared sa issalpak mo nlng yung dede mo kay baby.. tska mas healthy ang baby pag breast feed. tska sobra mahal n ng bilihin ngaun lalo n gatas at diaper kaya kung ako sau wag mo sukuan kaya mo yanπ masasanay ka din pakattag ka para sa inyo ni baby.
Magbasa pa