Breastfeeding tips

Hello po heeelp. I'm a single first time mom, 5 days old pa lang po si baby and pure breastfeeding pero parang gusto ko na sukuan 😫 grabe malapit na maubos pasensya ko huhu every 1hr or 2hrs naghahanap ng dede so ang ending literal na hindi ako nakakatulog. Makatulog man, mahaba na yung 2 oras putol-putol pa. sobrang sakit na rin ng balikat at braso ko. Any tips po on breastfeeding please... πŸ™πŸ»πŸ™πŸ»πŸ™πŸ» And also pwede ba ko mag lagay ng salonpas sa katawan? Sana may sumagot. Tia!!! Edit: Thank you sa mga advises, much appreciated! πŸ’š Pero yung sa ibang comments na hindi yata na-gets yung point ng post ko, malamang yung breastfeeding gusto kong sukuan hindi yung anak ko. Kaya nga ko nanghihingi ng "TIPS", dahil gusto ko rin naman talaga ituloy kaso parang unang bibigay yung katawan ko at ayoko dumating sa point na yun.

99 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganito din ako. Till now. 4 weeks pa lang baby ko.,Nakakasuko talaga mag BREASTfeed. Nung 1st 3 weeks ko, sukong suko ako kasi masakit pa katawan ko sa panganganak (NSD) tapos buhat ke baby. Sakit sa likod at braso. Masakit utong ko kasi bago palang mag padede. Shallow latch pa baby ko kasi my ties sya sa upper lips. Sugat malala talaga nipples ko. Mas iniyakan ko mag pa dede at puyat kesa sa labor at panganganak. Wala pa yan mie. Ung growth spurt mag ready ka. Yan ung parang ayaw na nila bumitaw sa nipples mo. Every hour na dede? Minsan every 30 mins gusto nyan mag dede lalo sa madaling araw. Pero tiis lang. Minsan gusto ko na mag formula. Pero naiisip ko na sayang ung nutrition na makukuha nya sakin. Saka iwas sakit nga daw pag BF. Yun talaga habol ko. (Saka tamad ako mag hugas ng bote at mag timpla ng milk 🀣🀣). Kaya natin ti momsh!! Nasa umpisa palang tayo. Hingi ka tulong sa family mo. Sa umaga paalaga mo saglit sa mama mo or kapatid mo para makatulog ka. Makikita mo masaya ka na sa 2-3 hrs na sleep. ☺️☺️☺️ laban lang mamsh!!

Magbasa pa