Breastfeeding tips

Hello po heeelp. I'm a single first time mom, 5 days old pa lang po si baby and pure breastfeeding pero parang gusto ko na sukuan 😫 grabe malapit na maubos pasensya ko huhu every 1hr or 2hrs naghahanap ng dede so ang ending literal na hindi ako nakakatulog. Makatulog man, mahaba na yung 2 oras putol-putol pa. sobrang sakit na rin ng balikat at braso ko. Any tips po on breastfeeding please... 🙏🏻🙏🏻🙏🏻 And also pwede ba ko mag lagay ng salonpas sa katawan? Sana may sumagot. Tia!!! Edit: Thank you sa mga advises, much appreciated! 💚 Pero yung sa ibang comments na hindi yata na-gets yung point ng post ko, malamang yung breastfeeding gusto kong sukuan hindi yung anak ko. Kaya nga ko nanghihingi ng "TIPS", dahil gusto ko rin naman talaga ituloy kaso parang unang bibigay yung katawan ko at ayoko dumating sa point na yun.

99 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello Mommy🤗. WAG KANG SUSUKO SA BREASTFEEDING JOURNEY MO. Ganyan talaga mi yung alaka natin naka hinga na tayo kasi nakaanak na tayo pero hindi pa pala.. Nagsisimula palang 😅 Dinanas ko rin yan.. ftm din ako at ako lang mag isa sa bahay, cs mom. inverted nipple yung right ko and left lang talaga yung dinedede ni baby to the point na sugat na sugat na yung left nipple ko tapos yung right naman pump lang palagi. One time pinilit ko ipadede yung right as in grabe humahagulhol talaga ako habang nagpapadede sa sobrang sakit.. namimilipit yung paa ko sa pagtitiis sabayan pa ng puyat at pagod tapos kirot ng tahi parang mabibitawan muna si baby.. Dumating pa sa point na naigahan ako kasi walang pahinga at tulog. Walang masama humingi tulong Mi kung may kasama ka naman sa bahay napakahalaga ng tulog Mi. Nakakaubos talaga minsan ng pasensya mi lalo na kung ikaw lang mag isa nakakaloka talaga yung pipikit palang mata mo tapos si baby iiyak or dede.. Kapag tulog si baby mo sabayan mo Mi ganyan din ako swerte na yung 2hrs na tulog tapos syempre palagi mo pang buhat si baby kasi nag aadjust pa sya pero promise Mi kapag 2m na si baby magbabago na routine ng tulog nyan. Try mo side lying Mi pero make sure na naka angat ang ulo ni baby. Sa salonpas naman naglalagay ako pero maliit lang tsaka pinalilipas ko muna ng konte yung amoy para hndi malanghap ni baby. Wag mo susukan ang pagpapadede mo Mi worth it lahat ng pagtitiis mo and bonding nyo yan ni baby. Napaka sustansya ng gatas natin tsaka tipid pa. Keep hydrated Mi before, during and after bf. More patience mi. 🤗 *going 4months bf mom sabay na kami natutulog ni baby gigising nalang kapag dede sya.

Magbasa pa