Breastfeeding tips

Hello po heeelp. I'm a single first time mom, 5 days old pa lang po si baby and pure breastfeeding pero parang gusto ko na sukuan 😫 grabe malapit na maubos pasensya ko huhu every 1hr or 2hrs naghahanap ng dede so ang ending literal na hindi ako nakakatulog. Makatulog man, mahaba na yung 2 oras putol-putol pa. sobrang sakit na rin ng balikat at braso ko. Any tips po on breastfeeding please... 🙏🏻🙏🏻🙏🏻 And also pwede ba ko mag lagay ng salonpas sa katawan? Sana may sumagot. Tia!!! Edit: Thank you sa mga advises, much appreciated! 💚 Pero yung sa ibang comments na hindi yata na-gets yung point ng post ko, malamang yung breastfeeding gusto kong sukuan hindi yung anak ko. Kaya nga ko nanghihingi ng "TIPS", dahil gusto ko rin naman talaga ituloy kaso parang unang bibigay yung katawan ko at ayoko dumating sa point na yun.

99 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

wag ka mawalan Ng pasensya dahil anak mo yan mi kahit Anong Gawin mo GANYAN talaga Ang nanay walang pahinga mas Lalo na ngayon na single mom ka kailangan mo lakasan loob mo di porket di mahaba tulog mo kailangan mo na mawalan Ng pasensya. Ang kailangan mo ngayon is mahabang pasensya Wala ka man tulog na sapat atleast walang sakit Ang anak kasi kapag nag kasakit baby mo mas Lalo ka mag papanik Sabi nga nila kapg Nanay kana daw lahat Ng hirap dadanasin mo maibigay mo lang sa anak mo ung sapat na pangangailangan nito. kaya mo be thankful and pasalamat kana din Kay God na okay ung baby mo healthy at malakas dumede 🥰🥰🥰🥰

Magbasa pa