Church Wedding or Civil?

Update: Salamat po sa mga nagReply. Napagaan ang luob ko. Tho nalungkot ako, dahil napagsabihan ako ng ina ko na dadalhin nya sa hukay nya ang tampo nya sakin dahil sa hindi mabigyan ang hiling nya na magpakasal ako s church. Di ko na muna kinibo pra makapagisip isip din sya. Hi, Please enlighten me and help me. Long post. Please read :( I am already married thru Civil/Mayor's office. Nag decision kami nun dahil 2wks buntis na ako nun at nid nmin ng mga benefits from being married as working individuals dahil hirap p kami non sa maliit lng ang sahud, etc. Before that... My side of the family was far, and we are never close. Lumaki ako from age 14 onwards mag isa, sa apartment, independent. Ung guardian ko non ay kung sino man ung magiging land lord/lady.. Kung anu anu nangyare sakin. My family and I just communicate thru fone. Or kapag may 10days vacation ako pauwe ng probinsha every 2yrs or once a year. So, I graduated from college, got a work, then maliit na ipon, 2019 I was married, biglaan kasi hindi nakapaglaan ng protection😉 Anyway, since anjan na ang baby, we decided to get married agad agad para both kami maayus ang mga documents/benefits. Thru Civil Wedding lang kasi simple ang ang gunastus lng namin ay 3k :) super tipid at maayus naman kasi kung sino lng ang barkada, sya lang pinakain namin. Walang bonggang handa, at walang bonggang visitors. Sa family side nya walang pakialam sa decision namin, dahil both kami naging independent sa buhay namin noon. Sa family side nya, mabait at maganda pakikisama sa amin vice versa. Tama na sa amin na maayus pag sasama namin as couple. Nagsarili agad kami at hindi dumepende sa ibang tao or sa family about support. (Kung may support man, financially ay utang, then bayad agad namin un once may hawak na kaming pera. As of now, lahat ng utang namin, bayad na lahat lahat, dahil ayaw namin may utang.) After yrs, 2022, my mother said, "Hiling" nya na makasal kami s church. Kasi matagal n daw nila ng kuya ko na plano na ipakasal kami s church. Nagulat ako kasi, after so many yrs, mangingialam sila sa ganung bagay, e sa mga nangyare nga s buhay ko noon ay wala silang pakialam. Nong nanganak ako, nong nagkasakit ako, nong mga panahon na nakaranas ako ng panganib. Wala sila. Ngaun galit na galit c Madear kasi gusto daw nya may basbas sa altar. May eldest brother was also Civil wed, pero hindi nya pinilit na magpaWed sila s church. At ako pinipilit nya na ganun? Ayokong makasal sa church. Kasi 1st, pareho kami ibang paniniwala tho we respect each others belief. 2nd, mas may pinag iipunan kami kesa sa kasal. For us married couple, ang kasal na hiling ng madear ko ay gastus lang yan. Stress sa pag asikaso,at kayabangan lng ng lahi namin sa family side namin. Pero in reality. My own madear ay baon na baon sa utang. I dont want to be like her. Lahat ng pinaghirapan nya na pera napunta sa kamag anak namin, mga kapatid nya, na matagal na namin napag awayan noon na sana hayaan nya ung mga yun. Baon sa utang dahil sa kayabangan na magpabongga ng handa kada december, magpabongga ng handa kada reunion nila na sya lang naman gumagastus. (I remember a day, "nak, baka pwede umutang ka kay 'ano' kasi ggmitin ko sa reunion, ako ang humaharap sa mga inuutangan nya, dahil ayaw nya magpakita, Hundreds thousands ang nagagastus pra lang sa mga handa handa na wala naman nagcocontribute) I already told my family na ayukong makasal uli. Lalo na s church. Masaya na kami sa civil wedding namin at sa pamumuhay namin. May sariling sikap at di unaasa sa iba. Wala sla pakialam sakin noon, at wag nila pakialaman ang buhay ko ngaun. Ngaun pa ba? At para san. What to do po?

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nabasa ko at tama naman decision niyo.. No need naman ng kasal sa church kung pilitan lang naman mangyayari at suggestion lang ng family mo. Dapat sainyo manggagaling ng husband mo kung decided kayo both mag church wedding.. Tulad ng sabi mo independent kayo mag asawa na tama lang naman.. Hayaan mo si mudra mo na ang tingin mo nga e nagyayabang lang hays.. Anyway kami ni husband ko sa Church kami kinasal 2014 intimate wedding lang since pareho kami introvert.. Na tingin ko e tama lang din kasi aanhin namin madami visitors kung makikikain lang naman at wala naman ambag sa buhay namin / di namin kilala na gastos lang naman.

Magbasa pa

Follow your heart po. As in matagal nyo naman na sinunod ang puso ninyo, matagal na panahon na kayo may sariling desisyon at may sariling mga paa. Naging masaya kayo sa simple lang kaya ok na yun. Tulad nga po ng sabi nyo ayaw nyo maging katulad ni mama nyo po. So stayfoot lang po kayo sa desisyon ninyo. And to add yung desisyon ng husband ninyo. Yun ang sundin. Tutal kasal naman na po kayo ng civil☺️ fan nyo po ako dahil sa pagiging independent ninyo sa murang edad 👍😊🏅🏆🎖️🎉

Magbasa pa
VIP Member

Hello. Nasabi niyo na po na ayaw niyo. Stand your ground and deadma. Kapag inopen ulit ang topic sabihin mo ulit ayaw mo then deadma na sa mag susunod nasasabihin. Kahit magalit ang mother mo kung ayaw mo talaga wala na siyang magagawa. Way niya lang ang magalit para mapressure ka sa gusto niya. Wag mo hayaang pumasok ang stress sa utak mo. Once mangyari yun, matutuliro ka at baka mapressure at bumigay ka sa gusto nila. Makalimutan mo sarili mong principles sa buhay.

Magbasa pa
3y ago

Welcome po

tama lng yan sis, wag nlng kesa nmn mag ka vaon baon lng sa utang,. wag n mag pa bibo kung di kaya saka if ever gusto nyo din mag church mas okey na bukal sa loob nyo at me save kayo. ung di nyo iintindihin ung bukas na me babayadan kayo, lalo nat may anak n kayo, mas unahin ang needs kesa sa wants 😁 ung mga nanay kasi minsan pa bibo eh tas tago sa anak haaay

Magbasa pa

gawin niyo po gusto niyo..wag na magpakasal sa simbahan. una, legal naman ang civil wedding ninyo, kaya, pangalawa, kung mag church wedding kayo, dagdag na gastos lang para sa inyo na hindi naman kailangan. pangatlo, kayo na rin nagsabi na magkaiba kayo ng pananampalataya ng partner niyo. wag niyo na intindihin o alamin pa kung ano ang motibo ng nanay ninyo.

Magbasa pa
VIP Member

Maganda po yan na una pa lang alam niyo ng partner mo ang priorities niyo. Tama ka naman po. For me, okay na makasal sa church, pero dapat sarili niyong desisyon ng partner mo yun. As long as okay ang pagsasama niyo at wala kayong tinatapakang tao, then your union is already blessed. No need for church wedding kung hindi pa yun ang priority niyo sa ngayon.

Magbasa pa

Nevermind sis. Your life,,your drive not your mum. At the end of the day, you will be the one who will take responsibility of everything. Dont be shaken. You are at the right age and doing what is right and what you can. Apply the POWER OF IGNORE.