UNDECIDED If I'm goint to CONTINUE MY PREGNANCY
Hi nga Sis, I need advice, sobra nakong nahihirapan and minsan gusto konang magpakamatay. I am 3months pregnant now undecided padin ako kung itutuloy koba ito o ipapalaglag ko. Wag nyo muna ako husgahan please, ito po ang sitwasyon ko, 1yr and 3months narin kami magka live in ng bf ko ng malaman kong buntis ako, 27y.o nako, may trabaho naman kaming maayos and I think nasa tamang edad nako para magkaron ng baby. Pero here comes the problem, nalaman kong may babae pala ang bf ko, at 2months ahead syang pregnant sakin, at ang masakit, itinago ng bf ko at ng pamilya nya na buntis yung babae nya, inamin lang nung babae sakin na buntis sya kung kelan 1month pregnant narin ako. Sobrang sakit mga Sis, dinudurog yung puso ko na diko matanggap na yung lalaking araw araw kong kasama sa bahay eh nagagawang sumiping sa iba, at hindi ko rin matanggap na sabay pa kami ngayong buntis sa anak nya. At ang pinaka masakit pa eh yung support ng buong pamilya nya ay nandun sa babae at wala sa baby ko. Anong sakit sa pakiramdam yung niloko kana nga ng bf mo, hndi kna nga tanggap ng pamilya nya pati ba naman baby mo ayaw nila at mas gsto nila yung baby ng kabit ng bf mo. Yung bf ko todo sorry sakin at bumabawi naman, magkasama parin kami sa bahay at tinatanong ko sa knya kung payag ba sya na ipalaglag ko yung baby namin. Sabi nya sakin kawawa naman yung baby namin nadadamay sa kasalanan nya, nagsorry sya sakin dahil nasaktan nya ko ng sobra. Kaso mga sis, hindi sapat sakin yung sorry, dhil dina nya mababalik ang tiwala kong sinira nya, at hndi naman mababago ng sorry nya yung sitwasyon na kinalalagyan namin. Gusto kong i abort yung bata para lumaya ako sa kanya dahil minsan kona syang pinatawad sa pambabae nya at diko akalain na uulitin nya with the same girl, sobrang tanga kolang para maniwala sa knya na magbabago sya, kaya ngayon na nagsosory sya at nagsasabing magbabago nasya at dina sya uulit, sobrang kasinungalingan lang yun para sakin. Isa pa, mainitin ang ulo nya, lagi akong minumura at pinapamukha sakin lahat ng bagay na ginagawa nya, nagsisira ng gamit, at sa tuwing nagagalit nag aalsabalutan. Dapat nuon kopa naisip humiwalay sa knya pero diko nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa knya, Ngayon kung kelan ako buntis syaka nabuo sa isip ko ang iwanan sya, pero paano naman ang baby ko, ayoko nmng lumaki sya na walang ama, kaya kabit ganun ang ugali nya nagtitiis ako. Gsto ko gawin ang tama dahil kasalanan Kay Lord ang pag patay ng sanggol na ito kaya nagtitiis ako sa piling nya. Pero nahihirapan nako mga sis makisama, sumusuko nako. Ayoko naman dalhin ito ng mag isa dahil sobra akong takot sa sasabihin sakin ng pamilya ko. Ngayon panga lang na nahahalata na nilang buntis ako kung ano anong masasakit na salita na ang naririnig ko. Ayokong mag dala ng kahihiyan sa pamilya ko. At gsto ko narin lumaya mula sa lalaking mapang abuso. Kaya naiisip ko tuloy ipalaglag ang baby ko Isa pa,ako ang bread winner ng pamilya ko. Kaya sa tingin ko hndi ko kakayanin ang magsustento sa responsibilidad ko sa pamilya ko at sa magiging anak ko. At diko rin kaya mag alaga lalo nat wala akong pamilyang aasahan na magiging katuwang lalo na kung magwowwork ako. Sobrang gulo ng isip ko. Please,help me naman to enlighten yung pag iisip ko. Sobrang nasa darkess period of my life ako ngayon. Please help
Hi! sis , nararamdaman ko yung situation mo super hirap pero tandaan mo na hindi lang ikaw ang nakakaramdam ng ganyang situation mo , Ang tanong ko sayo kaya mo bang mawala ang baby mo ? dahil lang sa nasasaktan ka , Kaya mo bang nahihirapan ang anghel na pinagkaloob sayo imaginin mo na ang isang batang walang kamuwang muwang ay madadamay , kung ako yong nasa posisyon mo hindi ko gagawin ang ipalaglag ang bata dahil wala naman siyang kasalanan alam mo ba sis 7 months akong buntis at bata pa ako oo naisip ko din ipalaglag ang baby ko , dahil palagi kaming nag aaway ng lip ko , halos araw-araw stressed na nga ako sa kanya gusto ko ng sumuko pero alam mo kung san ako humugot ng lakas sa baby ko at nananalangin ako kay lord na sabi ko pagsubok lang ang lahat ng ito at alam ko na hindi ibibigay ito sakin kung hindi ko kaya ... 2 months ako nun nung nalaman namin ng lip ko na buntis ako actually hindi ako natuwa sa sinabi niya na , ayaw nya muna magkababy dahil hindi pa kami ready ... Nag aaway kami palagi gusto ko na ngang humiwalay sa kanya dahil mainitin ang ulo nag wawala gusto ko ng sumuko pero paano? wala na akong mahingan ng tulong dahil sumuway ako sa pamilya ko kung ano ano naiisip ko that time super sakit alam mo sis naiiyak ako habang tinatype ko to dahil naaalala ko ung nangyari sakin nun na gusto ko na rin magpakamatay pero hndi un sapat na dahil para isipin mo na gusto mo ng makawala sa mundo at sumuko ka , alam mo ba sis na muntik na akong mapatay ng lip ko dahil palagi ko sya sinasagot sinasakal nya ako ang sinasabi ko sa kanya sige patayin mo kami ng anak mo ? sinasabi nya na malas dAw kami araw araw ansakit ng katawan ko dahil nasasaktan nya ako , iyak ako ng iyak gusto ko ng makawala ansabi ko nalang lord tulungan mo ako ... maya maya nagsosorry at nilalambing ako ng lip ko pero ganun pa rin kinabukasan pag may kunti lang akong kamalian palagi umaabot sa punto na nagtatamaan na kami ng gamit , nagwawala sya parang sinasapian ng demonyo at mainit ang ulo pag walang pera ... Lahat ng sama ng loob ko sinulat ko sa notebook kada mag aaway kami at one time naiwan ko notebook ko ng pakalat kalat nabasa nya na hndi nya sinasabi sakin pero sa dulo naikwento ko na diary ko nga pala to nung nagbubuntis ako sabi nya oo nabasa ko nga eh sabay hinalikan nya ako at niyakap ng mahigpit dahil sa notebook na yun ang kinakausap ko ay ang anak ko sinasabi ko baby pasensya kana kung nasasaktan ka dahil palagi kami nag aaway ng daddy mo kasalanan din kc ni mommy eh! sa tuwing kasing iiyak ka nararamdaman din kc ng baby mo un kaya kapag umiiyak ka nasasaktan ang baby mo ... Alam mo ba sis ? pag mag aaway kami lalabas ako ng bahay sa balcony namin tapos aalis sya syempre susundan ko nasa 3 to 4 months ako nun hndi ko na inisip kung ano mangyari samin ni baby sobrang sakit na kc at dahil mahal ko sya . sya nakamotor nag aaway kami sige umalis ka sabi ko sabi nya oo aalis talaga ako tas sinasabi nya na maghanap na daw akong iba e potang ena buntis na nga ako at palagi akong nasa loob ng bahay ni hindi nga ako naglalabas eh! sasabihan ako na may lalaki daw ako galit na galit ako , ung araw na un lumabas talaga ako dko alam kung san ako pupunta sinundan nya ako nung malapit na sa may nag iinom na lalaki hinawakan akong mahigpit ano? gusto mo lumandi dun hayop e puro mga super matatanda na un , e nakadress ako na pantulog pinahuhubad sakin ung short at tinutulak ako sa mga lalaki iyak ako ng iyak wala ako magawa tumatakbo ako sa kabilang daan para tumakas na nakapanty na lang ako nun pero mahaba ang dress ko awang awa ako sa sarili ko dahil alas 12 na ng gabi nag aaway kami gusto ko ng tumalon sa tulay gusto ko na magpakamatay ayoko na pagod na ako lord un ang tanging sambit ko at sa tuwing hinahawakan ko ang tyan ko kinakausap ko ang anak ko ... Mahal na mahal na mahal kita anak pasensya kana kung pati ikaw nadadamay ... Naisip ko rin na uminom na mga pampalaglag kaso inisip ko ng mabuti baka mamaya e di tumilab at ako lang din mahihirapan pag lumaki sya na di maayos kaya tinuloy ko nalang ang pagbubuntis ko no choice na , dahil gusto kong magtrabaho at magpakalayo layo sa demonyo kong asawa ... pero at the End naging maayos na kami na namumuhay at di na ako sinasaktan pinagsasabihan na nya lang ako sa pagkakamali ko nagsasakripisyo na sya magtrabaho at ito masaya na kami habang nagbubuntis ako sabi ko sau sis hndi lang ikaw ang may pinagdaraanan sakin as in wala na akong pamilya dahil nagmatigas ako at piniling sumama sa kanya , May mga babae din sya na nilalandi siguro narealize din nya lahat ng nagawa nya ... kaya nagbago sya wag mo lang kalilimutan ung mga hinahanap hanap nila kaya naghahanap ng iba un lang sis napahaba ... Ingatan mo si baby dahil yan ang tanging yaman mo saka mo marerealize sa dulo na kung kelan napalaglag mo na sa sasabihin mo sa sarili mo na sana pala hndi nakita pinalaglag anak ko ... dahil nakikita mo ung mga nanay na iba na kaya naman nilang mabuhay kahit walang asawa ... mag iisang oras na ako nagtatype dto tapusin ko na ito ...
Magbasa paKapag hindi ka sinustentuhan pwedeng makulong yang hayop na yan MGA KASAGUTAN SA TANONG TUNGKOL SA HINDI PAGBIBIGAY NG SUPORTA NG AMA SA KANYANG ANAK!!! "IYONG AMA NA PABAYA SA ANAK! DAHIL MAY IBA NA ITONG KINAKASAMA" - Humanda na kayo! UNDER REPUBLIC ACT NO. 9262 ⚖ (Anti-Violence Against Women and their Children Act) Dapat ay alamin ninyo kung nasaan naroon ang tatay ng inyong anak, maaring sa bahay nito o kung saan ito nagtatrabaho para mapadalhan ng mga "demand letters". Kung nasa ibang bansa o sa lugar na hindi nyo alam ipadala ito sa kanyang tatay o nanay o sa huling alam mo na address kung saan siya nakatira. Maari rin itong ipadala sa email niya o sa mga messenger ng social media upang maging ebidensya na pinadalhan mo ito ng demand letter. Kung walang ipinadalang demand letters o ebidensya ng demand letter sa pagsuporta, hindi matatanggap na kaso ito ng R.A. 9262. Dapat ay mga menor edad ang iyong mga anak o may edad na 18 pababa at kung ito ay nag aaral pa kahit lagpas na sa 18 kailangan pa rin niya itong suportahan hanggang matapos sa pag aaral. Hindi na kailangan ipa-barangay ang tatay dahil ito ay isang kriminal na kaso na may parusa na mahigit 1 taon na pagkakulong kaya hindi nito requirement ang pagdaan sa Katarungang Pambarangay. Maaring magtungo sa tanggapan ng Police Station at hanapin ang Women's Desk o VAWC Officer at sabihin nyo na magpa-file kayo ng economic abuse ng RA9262 para gumawa sila ng blotter at ng inyong Sinumpaang Salaysay. Gagabayan na po nila kayo hanggang sa ito ay makumpleto at maisampa sa Prosecutor's Office kung saan kayo manunumpa. Un Hintayin ang subpoena at sasagutin nito ang reklamo mo at duon din ay ipapaliwanag ni prosekutor ang bigat ng kasong isinampa mo kung hindi ito mag susustento sa kanyang anak. Ang RA 9262 ay may kulong na 6 - 12 taon kapag napatunayan napatunayan na intensyonal na walang sustentong ibinibigay ang ama sa kanyang anak. Hindi ito gaanong magastos na proseso dahil hindi mo na kailangan ang abogado dahil si fiscal o prosekutor ang tatayong abogado mo ngunit kung gusto mo, pwede ka kumuha ng private prosecutor na isang private lawyer. Ang RA9262 ay walang filing fee sa court, wala kang babayaran para mag file ng kaso. Karamihan naman po sa kasong RA9262 ay ayaw makulong kaya ang gagawin ay tutuparin na lamang magsusustento at ito ay dapat na may kasulatan Anumang kasulatan sa future support ay void under Article 2035 ng New Civil Code, kaya ang amount na pagkakasunduan ay hindi fix kundi depende sa needs ng bata at capacity ng tatay na pwedeng itaas o ibaba base sa pagtaas ng needs ng bata at capacity ng tatay. Ang ilalagay lamang dito ay ang estimated amount. Common Questions: 1. Pano pag lumaban sa korte? Madali lang yon kung wala syang proof na nag susustento sya REGULARLY tapos na agad ang kaso. However, dahil proof beyond reasonable doubt ang requirement sa criminal case, kailangan mo patunayan pa rin sa korte na: 1) may paternity relation ang tatay sa bata; 2) may capacity to support ang tatay; 3) may demand na ginawa para sa suporta; at 4) hindi nagsuporta ang tatay kahit may demand to support. 2. Paano kung hindi inaako ng tatay ang anak o hindi nakapirma sa birth certificate o hindi naka-apelyido sa tatay ang anak? Pwede pa rin as long as may evidence ka na siya ang tatay ng anak mo katulad ng 1) DNA test, admission ng tatay sa mga dokumento, 2) sa mga email, chat at social media, testimoniya ng witnesses na hayagan at patuloy na tinuturing ng tatay ang bata bilang anak at iba pang paraan na nasa Rules of Court para patunayan ang paternity. 3. Paano kung may pamilya na sya? Kasal o hindi kasal kayo, may pamilya na o walang pamilya ang tatay, regardless sa status ng anak nyo legitimate or illegitimate, hindi nagbabago ang obligasyon ng suporta ng magulang. Your child has the right for support karapatan ng mga anak nyo yon. Mabigat ang batas ng RA9262, madaling proseso, wag nyong hayaan na maging irresponsable ang tatay ng mga anak nyo. 4. Paano kung nagbigay ng kundisyon ang tatay bago magsuporta sa anak? Ang pagbibigay ng kundisyon ng tatay para lang sa pagsuporta ay malinaw na krimen ng economic abuse dahil ang obligation to support ng magulang sa anak ay absolute at hindi conditional. 5. Magkano ba dapat ang tamang suporta ng tatay para sa anak? Walang fix na amount o porsiyento ang suporta dahil ito ay depende sa kakayahan o capacity ng magulang (hindi lamang ng tatay kundi ng nanay dahil ang suporta sa anak ay mutually shared ng magulang) at needs o pangangailangan ng bata. I-compute mo ang estimated na suporta per month ng bata ng ganito: 1) I-compute mo ang basic necessities o yong pangangailangan ng bata sa isang buwan tulad ng food, medicine, education at shelter etc.; 2) I-divide mo sa two ang total monthly expenses ng bata; at 3) Ang kalahati ay obligasyon Republic Act 9262: Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004. #ItoangbatasRPC #leadereyes97
Magbasa paI've been there sis. Alam na alam ko yung nararamdaman mo kase I've been there at hanggang ngayong 1 y.o na baby ko dala dala ko yung burden ko sa tatay nya. My advise, Panindigan mo. Wag na wag mong gagawin yung bagay na sobrang pagsisisihan mo. (pag-abort) Kaya mo yan mag isa. Ako, kinaya ko. 22 y.o palang ako nun. Nag aaral. Masyadong nainlove hanggang sa nakabuo. Nung nagsama kami dun ko lang nafound out na babaero pala talaga sya. Fuckboy ika nga kase mahilig mang kama. So iniwan ko sya. Nagtrabaho ko. Dinala ko to mag isa. College undergrad ako pero no choice ako kundi magkasambahay. Ang importante saken non may matuluyan kami ng baby ko at makakain ako ng maayos para maging healthy saya sa loob ng sinapupunan ko. Tinaboy ako ng pamilya ko kase nga naman ginulo ko buhay ko tas walang tatay anak ko. Pero dahil love ko nga yung lalakeng yun at ayokong lumaking walang tatay anak ko kagaya ko, nagkabalikan kami a month bago ako manganak. Pero wala syang pagbabago babaero pa din nanganak na ko may nagchachat pa saken kesyo nabuntis nya daw ganon pero napatunayan kong di kanya kaya tinanggap ko pa rin sya. Pero dumating na ko sa limit ko. Narealize ko na sobrang tarantado na nitong lalakeng to wala kong mapapala dito guguluhin lang nito buhay ng anak ko. Nag decide akong makipag hiwalay sakanya. 5months old si baby nun. Nagtrabaho ulit ako. Kahit anong trabahong marangal pinasok ko basta maisama ko sya. Makakain kami mabuhay. Kahit mahirap mag isa tapos gastos ko lahat kinaya ko para maayos buhay ng anak ko. Gusto ko milk ko lang kakainin nya para maging healthy sya. Lahat pinag aralan ko at kinaya ko para sa anak ko. Iniisip ko walang kinalaman yung anak ko sa lahat ng katarantaduhan ng tatay nya. Kaya imbis na lumaki syang may galit sa papa nya mas mabuti pang hiwalay nalang kami atleast di nya na makikita kung pano ko nahihirapan pakisamahan tatay nya sa araw araw na dumaan. Alam mo yung mga nang dodown sayo? Hands down sayo yab pag nakaya mo yang lahat. Ang daming nang down saken nung panahon na yun pero mas madaming natuwa saken nung nakita nila kung gano katatag loob kong kinaya lahat na walang tulong na kahit sinong akala mong makakatulong. Ano pang nakakatuwa don? napalaki ko baby kong malusog at happy baby. Hindi ko pinakita sakanya yung mga moment na nagbebreak down ako. Para sakanya lahat ng to. Kaya kayanin mo lahat yan ate. Mas matanda ka sakin kaya sana mas maging malakas at matatag loob mo. Ibang klaseng happiness pag nakita mo na si baby mo. At I know magiging sobrang proud sya sayo paglaki nya. Hayaan mo na tatay nyan. Kasama yun sa bilang ng mga patapong lalaki sa mundo. 😊 I-enjoy mo yung pagbubuntis mo.. Alam ko nakakastress yung sitwasyon mo pero pilitin mong i-enjoy para sa baby mo. Kinaya ko kaya alam kong kaya mo din. Mabait si Lord di nya ko pinabayaan kaya wag na wag mong kakalimutang humingi ng tulong sakanya. :) God bless you and your baby! Sana namotivate kita. 😊😊
Magbasa paHello po mommy gusto q lng ishare ung past q para lumakas ang loob mu... May kaleave in din po aq last 2009..and nbuntis po.. Aq nung tym po n un d q alm n my nbuntis dn xa... And same month dn po ng baby q... Ung girl po mas gusto ng family nila kesa sakin..... Dumating po ung tym n gsto q mag paabort wala aq nkuhang sopporta s pamilya q...and yung tym n un d n din umuuwi skin ung bf q.. Kundi s girl n nbuntis nya.. Gsto q n dn po mg pakamaty...uminom n dn po aq ng mga antibiotics nung tym n un... Umuuwi skin ung bf q lasing aalis kinabukasan mag aanty ulit aq ng ilng weeks bago bumlik... Pero ng decide po aq n ituloy ung pag bubuntis q... Hanggang s mlaman q n my luekemia aswa q.. Inilihim ng pamilya nya skin... Un po ung masakit n ginwa nila skin lgi dn aq inaawy nung girl cnasav nia skin mkapal daw ung mkha q n d q p iwan ung bf q.. Dumating dn ung tym n cnasavhn aq nung ate nia n mkha daw aq pera...d daw nila aq gusto... D p daw b sapat skin n my nbuntis n ung bf q..gsto q p dn mkisama.... Wala po aq mgawa nun kundi umiyak cnarili q ung problema q... Hanggang s nangank aq 1week plng po aq nangank isinama po aq nung bf q s bahay nila...ang sav nia mhal nia daw po aq at kaya nyang patunayn un... D daw po nia mhal ung babae pamilya nia lng ung my gsto don s girl... Sumama po aq gsto q n mg karoon ng completong pamilya ank q... Pag dating q po s bahay nila ok nmn ung pakikitungo nila skin pag anjn bf q... Pag wala po ung bf q... Anjn po ung mg ccbak aq ng khoy... Mg huhugas ng mga pinggan n gling s canteen nila...mg lilinis ng bahay... Kapag dumating po cla mkalat ung bhay at my mga ligpitin ng paparinig po cla n d daw cla tumatanggap ng pkainin at patabain lng... Walang kwenta..un ung cnasav nila...umabot po ng 3month ung baby q nmaty po ung bf q s luekemia... Un po ung tym n asa hospital po ung bf q...2month n xa don d nla cnav sakin... Kse kaya daw lumala skit nia dhil skin..d daw nkinig s knila aq lng daw pinapakinggan nung bf q...d kmi pinapapunta s hospital hanggang s mamaty at iburol xa never kmi nkapunta nlamn q lng n patay n xa menessage aq ng brother nia.. Ung babae n nbuntis nia xa ung andon... Hanggang ngaun po 6 years old n ank q never cla nkapag bigay ng sopporta... Kaya sau momshie alm q n msakit ung pinag daraanan mu.. Mhirap ung sitwasyon...ituloy mu ung pinagbubuntis mu... Darating ung tym n ung baby mu ung mgbibigay ng lakas ng loob sau... Kung panu xa nkikipaglabn s cnapupunan mu... Ganun dn po ung gawin mu.. Sav po s bible d ka daw bibigyan ng pag subok ni god n hindi mu kaya ...kaya sau nya npili n ibigay ung pagsubok n yn alm nia n matatag ka... Kaya mu lagpasan lhat yn... At gsto ni god patunayn sau n khit iwan k ng mga taong mhal mu...ikaw d k nya iiwan... My maganda pong plano c god para sau... Kaya ibinigay nia sau ung baby n yn.. Malalamn mu po ung plano nia kapag lumabas n yn pkatatag k po... Fight lng s buhay😊😊😊
Magbasa paUre so brave mommy...nkakaproud ka..😊
Sobrang nakakalungkot lang talaga kapag nakakaencounter ako ng tao na ginagawang option ang abortion. 😔 Hi ate! I just want to say na continue your pregnancy. JUST CONTINUE ate, PLEASE, because there are no valid reasons not to, buhay po ang pinaguusapan dito. Wag po nating idamay ang bata na nasa sinapupunan palang. Wala itong kasalanan. Ngayon ka lang mahihirapan, tiisin mo na ate hanggang 9 months. Kasi once na nakita mo na ang little one mo baka mapasabi ka na sobrang worth it kasi you chose your baby to be alive sa kabila nang naranasan mong sakit at hirap. Hindi mo ba naiimagine ang sarili mo na karga karga ang cute na sanggol--lalo pa at dugo at laman mo ito? Masarap sa pakiramdam promise. Sobrang sarap. I know mahirap magpalaki ng anak pero kasi kasama na naman sa buhay natin ang hirap e kasi kung wala naman nito wala namang sarap. Same as kung walang lungkot wala ring saya. That's how our life works. Tiisan lang po talaga ate, kasi ang magiging reward mo nalang sa lahat ng hirap mo na iyan ay ang makitang masaya at nasa maayos na kalagayan ang magiging anak mo. At isa pa, hindi mo ba nilolook forward kung anong pakiramdam na mayakap ka ng anak mo? Hays. Masarap sa feeling ate ang maging isang ina at wag mong alisin sa sarili mo ang privileged na maranasan mo ito. Isipin mo nalang kung anong mararamdaman ng anak mo kung magdesisyon kang ipalaglag siya? Sobrang nakakalungkot, ate. Sabi mo rin na wala ka ng pamilya? Ayan, yang baby mo, consider him/her as your family already. Pray ka lang ate, at humingi ka nang gabay sa Panginoon para mapag-isipan mo ng mas mabuti ang mga hakbang na gagawin mo. Para naman sa ka-live-in partner mo, sorry to say, pero he's not worth it. Toxic siya ate as well as his family. Halatang mas pabor yung pamilya ng lalaki dun sa other girl kasi talagang nilihim pa sayo. Tsk. Hiwalayan mo nalang yan and focus your attention to your child. Gumawa nalang kayo ng kasulatan na susustentuhan ng ka-live-in partner mo ang anak niyo para naman hindi ka masyadong mahirapan sa finances niyong mag-ina. I know this is easier said than done pero lakasan lang ng loob ang kailangan dito and also, the decision is still yours pa rin naman kung gusto mo pa rin siyang pakisamahan pero kung ako sayo ate wag na at sa anak mo nalang talaga ikaw magfocus. Pero yung desisyon mo na magpalaglag it's a NO-NO talaga ate, wala sayo ang desisyon para tanggalan ng buhay ang isang nilalang. Hays. Sana kahit papaano ate nakatulong ito. Kapit ka lang kay Lord, pray without seizing kasi it always works and look at the brighter side of your life para hindi ka ma-stress kasi kawawa si baby. And don't ever think of killing yourself because you have a good reason to go on and move forward--YOUR BABY. Praying for you! Ingat ate and may God bless you and your pregnancy. Kaya mo yan ate. Girl power. 💪😊
Magbasa paAng mabuntis ako sa una kong baby naisip ko din yan.. Sa totoo lang sobrang decided na talaga ako that time lalo naghiwalay kame ng bf ko.. Tpos nahihiya ako sa family ko and ako lang inaasahan nila na makakatuwang sa buhay pag ka graduate ko.. Nag aaral pa kase ako nung time na yun college... Naghahanap na ko nun ng clinic kung san pwede kong ipagawa yung gusto ko nagtatanong tanong na din ako sa mga tao.ayoko kase uminom lang basta ng mga kung anu anu kase may kakilala ako na ganun ginawa but still hndi naabort yung baby tapos nung lumabas abnormal. Mas kalbaryo pa ang sinapit nya dhil habang buhay kaylangan nya alagaan yung anak nya.. . As time pass by.. Mejo nahirapan ako makakita kung saan ko pwede ipagawa ang abortion dahil kaylangan ko din isikreto sa lahat ang sitwasyon ko.. Umabot sa 4 mos. Yung tyan ko tpos may time na umupo ako sa isang tabi mejo na frustrate na kase ako nahahalata na sya tpos hndi ko pa sya matanggal.. Tpos biglang parang may kumislot sa tyan ko.. Natigilan ako tpos pinakiramdaman ko ulit.. Maya maya umulit nnman.. Hinawakan ko tyan ko then naulit nnman.. Naiyak na lang ako bigla kase parang naramdaman ko na yun yung way ng anak ko para magmaka awa saken na wag ko syang patayin.. Na buhayin ko sya... Na iwan man ako ng lahat ng tao pati ng mismong pamilya ko kameng dalawa hndi maghihiwalay.... And THANK GOD... Na hndi ko ginawa yun.. Now 10 yrs. Old na sya. Napakagandang bata.. Sobrang saya ko sa araw araw na kasama ko sya... Totoo mahirap sa una lalo nung inamin ko na sa family ko at nakita ko na naging isa akong napakalaking disappoinment sa kanila.. Tpos yung mga tingin sayo ng mga tao habang lumalaki na tyan mo at alam nila na wala kang asawa.. But who cares??? Hndi naman yung mga tao na yun ang rason kung bakit ako masayang masaya ngayon and even sila pag nakikita nila ako na bibilib sila kase nataguyod ko ang anak ko khit mag isa.. Even my family mahal na mahal na nila ang anak ko.. And na prove ko din sa knila na hindi rason ang pagiging dalagang ina para hndi ka na makatulong.. Sa totoo lang mas na appreciate ko pa nga parents ko alam ko na kase ang feeling na maging ina.. Kaya ikaw wag na wag mong isipin na magiging isang pabigat ang baby mo sayo o magiging hadlang sya sa mga pangarap mo o magiging isang malaking kahihiyan ka sa pamilya mo at sa ibang tao... Dahil maniwala ka yang baby na yan ang magbibigay sayo ng kakaibang lakas para makayanan lahat ng darating na pagsubok sayo... Sya din ang magiging rason mo bkit patuloy kang magpapatuloy sa buhay kahit na ilang beses ka mag fail.. Siguro kaya binigay sya ni GOD sayo dahil alam nyang kaylangan mo si baby mo... Maniwala ka.. Mas magiging maayos ang buhay mo pag binuhay mo sya.. God bless you...
Magbasa paNakakaiyak naman tong story mo. Im happy for you po ♥️
Sis sobrang sakit ng nararamdaman mo kasi naiisip ko palang sakin nangyari yan parang d ko rin kakayanin what more na ikaw andyan na mismo sa sitwasyon na yan. Pero sis nagpakatanga ka sa bf mo pero sana wag mo na idamay ung baby mo. Wala syang alam sa mga nangyayari sa inyo ng bf mo. Ung kaibigan ko sis 17 yrs old sya nabuntis, ung naka bf sa knya ung lalaking ilang beses na sya hiniwalayan dahil di nya maibigay ung gusto ng lalaki na may mangyari sa knila at yun na nga bumigay na ung kaibigan ko at nagbunga agad. Sya ang inaasahan ng magulang nya na mag ahon sa knila sa hirap kasi ung dalawang kapatid nya medyo pasaway,scholar pa ung kaibigan ko. Naisipan nya ipalaglag ung baby nya kasi nga sa takot sa sasabihin ng magulang nya pero hindi nya tinuloy kasi sabi nya rin sa sarili nya hindi kasalanan ng bata na ganun ang sitwasyon nila ng tatay ng bata ang masakit pa 3 mons na tyan ng kaibigan ko nung nd na nagparamdam ung lalaki nabalitaan na lang namin na may nabuntis din syang ibang babae. Pinili nung lalaki ung babae kaysa sa kaibigan ko, at pinalabas pa ng lalaki na hindi sya ang ama ng pinagbubuntis ng kaibigan ko. Nung nalaman din ng magulang ng kaibigan ko na buntis nga sya halos araw araw syang pinagsasalitaan ng masama ng magulang nya pero kahit ganun pinaglaban nya ung baby nya. Sana sis maging katulad ka rin ng kaibigan ko kahit menor de edad palang sya nung nabuntis sya naging matapang sya at lumaban sa hirap ng sitwasyon nya para sa anak nya. Ngaun 2 years old na anak nya at sobrang masaya sya kasama anak nya kahit na talagang pinabayaan na sya ng tatay ng bata, ung magulang nya tinanggap din ung anak nya halos ayaw pa nga paluin ng magulang nya ung bata kahit malikot e, nagagalit pa sila kapag napapalo ng kaibigan ko. Sa tingin ko sis better na iwanan mo nlng ung bf mo, mag usap na lang kau na suportahan nya ung bata at gumawa kau ng kasulatan para d nya takasan ung responsibilidad nya sa anak mo. Oo sis mahirap ang broken family kasi parte rin ako nyan, pero mas mahirap lumaki at mamulat sa gulo ng relasyon nyu ng bf mo specially dyan pa ung kabit nya at ung pamilya nya ikaw nlng din umiwas sa gulo ng buhay sis. Magsimula ka ng bagong buhay kasama anak mo. Tsaka habang iisa palang anak nya sau humiwalay ka na kasi mas mahirap makipaghiwalay kapag marami na anak mo saknya . Just pray lang sis kaya mo yan. Walang problemang hindi kayang sulosyonan. Ito ang ma assure ko sau sis, hindi ka man minahal ng totoo at tapat ng bf mo pero ung anak mo 100% sis mahal na mahal ka ng anak mo.
Magbasa paAte kwento ko sayo kalagayan namin ng anak ko para malaman mo kung gaano ka pa kaswerte. Prinsesa ako samin dati naka aircon, iphone, sa private university ako nag aaral, may kotse pa nga ako eh. Kaso nabuntis ako eh 18 lang ako iniwan ako nung tatay ng anak ko. Pinagtabuyan ako ng mga magulang ko kasi alam mo naman kapag Japanese mga pamilya daming kaartehan. Ni minsan hindi ako nakapag vitamins ng buntis, ni minsan hindi ako nakapag patingin sa doctor. Lalaki anak ko pero nalaman ko lang nung nanganak ako. Dun lang ako nanganak sa tinutuluyan kong kubo kasi taga bantay ako ng mga itik nung time na yun eh buti nalang nasakto na may load ako may natawagan akong kaibigan. Pagkapanganak ko walang ni isang gamit anak ko kahit na bulak wala kasi di ko naman alam mga yun. Buti nalang mababait yung mga nanay na bagong panganak lang din. Pinagtulong tulongan nila mula diaper, damit hanggang bote. Kaso dahil nga sa marumi ako nanganak nagka sepsis anak ko sabi ko nga sa kanya sumama kana kay God kasi ayaw ko syang madamay sa hirap na dinadanas ko. Pero hindi nabuhay sya hindi nya ako iniwan. Paglabas namin ng ospital di namin alam kung saan kami matutulog. Buti nalang talaga may mga kaibigan ako kaya din iniingatan ko tong cp ko kasi eto lang yung way para macontact ko sila. Mamayan sila kasi nga galing akong private university eh. Sa loob ng 8months ganun kami lagi kung sinuwerte may tutulugan kami kapag naman minalas edi kahit saan nalang. May nagbibigay naman sakin ng pera eh kaya may pancharge ako sa ministop tapos lagi kami sa mall para may wifi tulad ngayon. Yung ligo namin may bayad haha sa mga public cr lang eh. Yung anak ko iisa lang ang laruan nya hindi sya nagdiaper mula nung naubos yung dinonate sa akin ng mga nanay sa ospital, sa ngayon sa lugawan ako nagwowork 250 a day kay baby pa lang kulang na hehe okay naman na sa akin tong lugaw hehe. Masaya naman ako ngayon kahit kung tutuusin eh ako tong dapat malungkot kasi nga ganto kami pero hindi eh kasi yung anak ko ang saya saya nya lagi wala syang kaalam alam sa sitwasyon namin ngayon. Iniisip ko minsan paano kaya ako kung pinalaglag ko sya baka matagal na akong patay eh kasi may pera naman akong pampalaglag dati natakot lang ako tsaka isa pa kahit naman ipalaglag ko di naman na ako tanggap ng pamilya ko. Lahat lahat kakayanin para sa anak ko. Mahal na mahal ko to kahit na anong mangyari. Mamamatay ako kapag nawala sya sa akin. Sana maisip mo yang gagawin mo kasi hindi ikaw ang pinaka malas sa ngayon.
Magbasa paGrabe to. Mamsh kamusta kana?
Alam ko qng gano kasakit yang nararamdaman mo ... Alam ko qng gano ka nahihirapan ... I feel you sis , sobrang sakit NG ganyan ... Pero please Lang wag na wag mong gawin sa baby mo Yan at pag sisisihan mo Rin bandang Huli .. share ko Lang Yung nagawa ko nung 2015 ... Nabuntis ako NG bf q na sobrang Mahal na Mahal q pero di pa daw sya handa , ako nanlumo kala q Kaya nya qng ipag Laban sa pamilya ko pero Hindi ..pinaramdam nya skin na di nya tlga Kya ..Lalo Pat di Rin aq gusto NG magulang nya ,sobrang sakit sakin naisipan q Rin na ipalaglag Ang baby q nun sinabi q sa knya agad syang pumayag pero ayaw q talaga na nababaliw na q di q na Alam gagawin q 😢😢kinabukasan pinuntahan aq Nan bf q na may dalang Kung ano na ipainom daw sakin Sabi daw NG knyang Ina ...😢😢😢... Kya AQ di q na Alam Ang gagawin q mismong magulang na nya Ang nag Sabi ..ni Wala aqng work nun tym naun at nag bbored Lang aq Kasi Kaka Endo q Lang .. umabot NG 2mons. Tyan q qng ano ano ang pinaiinom sakin na Wala nman nanyyare hangang sa nag hanap aq NG work khit sales lady Lang di pa KC halata tyan q ... Tym naun nalaman q pang nam babae na UNG bf q nun nababasa q sa mga chat nila sa fb ... Sobrang hinang Hina na q na halos mag pakamatay na q sobrang Mahal na Mahal q sya Kya lahat NG gusto Nia ginawa q .. nagbpaka martyr AQ pra sknya un angnpinaka tangang nagawa q ... Di q na KC Alam Ang gagawin q dhil Wala manlang AQ makausap NG mag advice skin 😭😭😭...nung tym na tinangap q na na Wala na kmi NG bf q dhil hiniwalayan nya AQ inisip q Ang baby q ..meron pa plang natira sakin na nagawan q NG kasalanan .. nag pursige aq mag work at inisip q Ang baby q pero qng kelan aq natauhan ska nya AQ iniwan. ..ska sya sumuko ... 😭😭😭Kya hangang ngaun pinag sisihan q Ang nigawa q..lagi q syang pinag dadasal at humihingi aq NG tawad ... Nag karon aq NG bf ulet at natangap Nia q lagi qng dasal sa taas na mapatawad aq at lagi q kinakausap Ang naging baby q noon na qng napatawad Nia na q Sana bumalik na sya sakin khit di parin q handa or khit marami pang hadlang pinapangako q na aalagaan at di q na sya pababayaan ..Kya ngaun binigyan ulet aq NG baby at 6mons. Na sya sa tummy q ... Masaya aq khit di tangap NG pamilya ko ..pinag kalaban q ngaun Ang baby q dhil auq na maulit ung nagawa q noon ...
Magbasa paGood job sis! Atleast binigyan ka pa din ng chance ni God to prove yourself na nagsisisi ka na. I hope may natutunan un nagpost ng question sa mga cnbe ng iba pa nating mga sis
Hi mga Sis, Just an update to my life. 2mos napo ako walang work dhil sa sobra girap ako mag bubtis nawalan po ako ng trabaho, nag away kami ng mama ko at pinalayas ako sa bahay nmin. Tinanong ko si Lord bkit nangyari itong lahat sa buhay ko, as in walang wala ako. Pero alam nyopo, kapag pala si Lord talaga ang pinakilos mo sa buhay mo, miracles happen. Sa loob po ng 2mos. Kahit napakalaki parin ng trust issues ko sa bf ko sa gnwa nya saking panloloko, ngunit sya po ang karamay ko sa loob ng 2mos, sumoporta sa pagkain, vitamins, check up at nagpagaan ng loob ko nung pinalayas ako ng nanay ko. Khit napakaliit lang ng sahod nya,nagawa sya ng paraan para maprovide ang needs namin dto sa bahay, kung tutuusin may option poxa, pede xa umuwi sa knila para hndi sya mahirapan sa paghahanap buhay pero mas pinili nyang manatili sa tabi ko at patunayan na mahal nya ako at ako ang pinapanindigan nya. Sunod nadepress ako dhil wla akong work wala akong pera pano kani makakaipon tpos ung kita ng bf ko sakto lng sa pang araw araw Nag aplay ako sa concentrix at natanggap po sila ng buntis 😊 kaya eto po mag start nako next week And lastly, last friday nagkausap na kmi ng magulang ko at nagkapatawaran na kami ni mama, natatakot man po ang mama ko sa future ng baby ko na baka layasan kami ng bf ko dahil sa pambababae at sa omilya nya, pero nakita ko po ung suporta sakin ng nanay at tatay ko na kahit anong mangyari. Andyan sila sa tabi ko. Ponagalitan po ako pero ngayon nagchachat ang mama ko na bumili nasya ng mga gamit ng baby ko... And upon congenital ultrasound, healthy at walang kahit anong abnormalities ang baby ko sa kabila ng pagiging stress ko the whole time ng pagbubuntis ko. Sobra kong thankful kay Lord. Si Lord lang po talaga ang pakilusin natin sa kahit anong problema 😊 Salamat sa lahat ng pag damay at payo nyo sakin dito. Lahat po yan binasa ko. Napakalaking tulong po ng mga nabigay nyong payo sakin, lalo napo yung mga sis natin na naranasan na iwan ng knilang mga bf matapos mabuntis pero nagsikap ibangon ang sarili. Kayo po ang naging inspirasyon ko kaya po ako nagpatuloy sa pagbubuntis.. Salamat po talaga sa group na ito. God bless you all po 😇😇
Magbasa paNakakatuwa naman 😊😊
Mama bear of 1 superhero little heart throb