UNDECIDED If I'm goint to CONTINUE MY PREGNANCY

Hi nga Sis, I need advice, sobra nakong nahihirapan and minsan gusto konang magpakamatay. I am 3months pregnant now undecided padin ako kung itutuloy koba ito o ipapalaglag ko. Wag nyo muna ako husgahan please, ito po ang sitwasyon ko, 1yr and 3months narin kami magka live in ng bf ko ng malaman kong buntis ako, 27y.o nako, may trabaho naman kaming maayos and I think nasa tamang edad nako para magkaron ng baby. Pero here comes the problem, nalaman kong may babae pala ang bf ko, at 2months ahead syang pregnant sakin, at ang masakit, itinago ng bf ko at ng pamilya nya na buntis yung babae nya, inamin lang nung babae sakin na buntis sya kung kelan 1month pregnant narin ako. Sobrang sakit mga Sis, dinudurog yung puso ko na diko matanggap na yung lalaking araw araw kong kasama sa bahay eh nagagawang sumiping sa iba, at hindi ko rin matanggap na sabay pa kami ngayong buntis sa anak nya. At ang pinaka masakit pa eh yung support ng buong pamilya nya ay nandun sa babae at wala sa baby ko. Anong sakit sa pakiramdam yung niloko kana nga ng bf mo, hndi kna nga tanggap ng pamilya nya pati ba naman baby mo ayaw nila at mas gsto nila yung baby ng kabit ng bf mo. Yung bf ko todo sorry sakin at bumabawi naman, magkasama parin kami sa bahay at tinatanong ko sa knya kung payag ba sya na ipalaglag ko yung baby namin. Sabi nya sakin kawawa naman yung baby namin nadadamay sa kasalanan nya, nagsorry sya sakin dahil nasaktan nya ko ng sobra. Kaso mga sis, hindi sapat sakin yung sorry, dhil dina nya mababalik ang tiwala kong sinira nya, at hndi naman mababago ng sorry nya yung sitwasyon na kinalalagyan namin. Gusto kong i abort yung bata para lumaya ako sa kanya dahil minsan kona syang pinatawad sa pambabae nya at diko akalain na uulitin nya with the same girl, sobrang tanga kolang para maniwala sa knya na magbabago sya, kaya ngayon na nagsosory sya at nagsasabing magbabago nasya at dina sya uulit, sobrang kasinungalingan lang yun para sakin. Isa pa, mainitin ang ulo nya, lagi akong minumura at pinapamukha sakin lahat ng bagay na ginagawa nya, nagsisira ng gamit, at sa tuwing nagagalit nag aalsabalutan. Dapat nuon kopa naisip humiwalay sa knya pero diko nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa knya, Ngayon kung kelan ako buntis syaka nabuo sa isip ko ang iwanan sya, pero paano naman ang baby ko, ayoko nmng lumaki sya na walang ama, kaya kabit ganun ang ugali nya nagtitiis ako. Gsto ko gawin ang tama dahil kasalanan Kay Lord ang pag patay ng sanggol na ito kaya nagtitiis ako sa piling nya. Pero nahihirapan nako mga sis makisama, sumusuko nako. Ayoko naman dalhin ito ng mag isa dahil sobra akong takot sa sasabihin sakin ng pamilya ko. Ngayon panga lang na nahahalata na nilang buntis ako kung ano anong masasakit na salita na ang naririnig ko. Ayokong mag dala ng kahihiyan sa pamilya ko. At gsto ko narin lumaya mula sa lalaking mapang abuso. Kaya naiisip ko tuloy ipalaglag ang baby ko Isa pa,ako ang bread winner ng pamilya ko. Kaya sa tingin ko hndi ko kakayanin ang magsustento sa responsibilidad ko sa pamilya ko at sa magiging anak ko. At diko rin kaya mag alaga lalo nat wala akong pamilyang aasahan na magiging katuwang lalo na kung magwowwork ako. Sobrang gulo ng isip ko. Please,help me naman to enlighten yung pag iisip ko. Sobrang nasa darkess period of my life ako ngayon. Please help

1730 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ang mabuntis ako sa una kong baby naisip ko din yan.. Sa totoo lang sobrang decided na talaga ako that time lalo naghiwalay kame ng bf ko.. Tpos nahihiya ako sa family ko and ako lang inaasahan nila na makakatuwang sa buhay pag ka graduate ko.. Nag aaral pa kase ako nung time na yun college... Naghahanap na ko nun ng clinic kung san pwede kong ipagawa yung gusto ko nagtatanong tanong na din ako sa mga tao.ayoko kase uminom lang basta ng mga kung anu anu kase may kakilala ako na ganun ginawa but still hndi naabort yung baby tapos nung lumabas abnormal. Mas kalbaryo pa ang sinapit nya dhil habang buhay kaylangan nya alagaan yung anak nya.. . As time pass by.. Mejo nahirapan ako makakita kung saan ko pwede ipagawa ang abortion dahil kaylangan ko din isikreto sa lahat ang sitwasyon ko.. Umabot sa 4 mos. Yung tyan ko tpos may time na umupo ako sa isang tabi mejo na frustrate na kase ako nahahalata na sya tpos hndi ko pa sya matanggal.. Tpos biglang parang may kumislot sa tyan ko.. Natigilan ako tpos pinakiramdaman ko ulit.. Maya maya umulit nnman.. Hinawakan ko tyan ko then naulit nnman.. Naiyak na lang ako bigla kase parang naramdaman ko na yun yung way ng anak ko para magmaka awa saken na wag ko syang patayin.. Na buhayin ko sya... Na iwan man ako ng lahat ng tao pati ng mismong pamilya ko kameng dalawa hndi maghihiwalay.... And THANK GOD... Na hndi ko ginawa yun.. Now 10 yrs. Old na sya. Napakagandang bata.. Sobrang saya ko sa araw araw na kasama ko sya... Totoo mahirap sa una lalo nung inamin ko na sa family ko at nakita ko na naging isa akong napakalaking disappoinment sa kanila.. Tpos yung mga tingin sayo ng mga tao habang lumalaki na tyan mo at alam nila na wala kang asawa.. But who cares??? Hndi naman yung mga tao na yun ang rason kung bakit ako masayang masaya ngayon and even sila pag nakikita nila ako na bibilib sila kase nataguyod ko ang anak ko khit mag isa.. Even my family mahal na mahal na nila ang anak ko.. And na prove ko din sa knila na hindi rason ang pagiging dalagang ina para hndi ka na makatulong.. Sa totoo lang mas na appreciate ko pa nga parents ko alam ko na kase ang feeling na maging ina.. Kaya ikaw wag na wag mong isipin na magiging isang pabigat ang baby mo sayo o magiging hadlang sya sa mga pangarap mo o magiging isang malaking kahihiyan ka sa pamilya mo at sa ibang tao... Dahil maniwala ka yang baby na yan ang magbibigay sayo ng kakaibang lakas para makayanan lahat ng darating na pagsubok sayo... Sya din ang magiging rason mo bkit patuloy kang magpapatuloy sa buhay kahit na ilang beses ka mag fail.. Siguro kaya binigay sya ni GOD sayo dahil alam nyang kaylangan mo si baby mo... Maniwala ka.. Mas magiging maayos ang buhay mo pag binuhay mo sya.. God bless you...

Magbasa pa
3y ago

Nakakaiyak naman tong story mo. Im happy for you po ♥️