UNDECIDED If I'm goint to CONTINUE MY PREGNANCY

Hi nga Sis, I need advice, sobra nakong nahihirapan and minsan gusto konang magpakamatay. I am 3months pregnant now undecided padin ako kung itutuloy koba ito o ipapalaglag ko. Wag nyo muna ako husgahan please, ito po ang sitwasyon ko, 1yr and 3months narin kami magka live in ng bf ko ng malaman kong buntis ako, 27y.o nako, may trabaho naman kaming maayos and I think nasa tamang edad nako para magkaron ng baby. Pero here comes the problem, nalaman kong may babae pala ang bf ko, at 2months ahead syang pregnant sakin, at ang masakit, itinago ng bf ko at ng pamilya nya na buntis yung babae nya, inamin lang nung babae sakin na buntis sya kung kelan 1month pregnant narin ako. Sobrang sakit mga Sis, dinudurog yung puso ko na diko matanggap na yung lalaking araw araw kong kasama sa bahay eh nagagawang sumiping sa iba, at hindi ko rin matanggap na sabay pa kami ngayong buntis sa anak nya. At ang pinaka masakit pa eh yung support ng buong pamilya nya ay nandun sa babae at wala sa baby ko. Anong sakit sa pakiramdam yung niloko kana nga ng bf mo, hndi kna nga tanggap ng pamilya nya pati ba naman baby mo ayaw nila at mas gsto nila yung baby ng kabit ng bf mo. Yung bf ko todo sorry sakin at bumabawi naman, magkasama parin kami sa bahay at tinatanong ko sa knya kung payag ba sya na ipalaglag ko yung baby namin. Sabi nya sakin kawawa naman yung baby namin nadadamay sa kasalanan nya, nagsorry sya sakin dahil nasaktan nya ko ng sobra. Kaso mga sis, hindi sapat sakin yung sorry, dhil dina nya mababalik ang tiwala kong sinira nya, at hndi naman mababago ng sorry nya yung sitwasyon na kinalalagyan namin. Gusto kong i abort yung bata para lumaya ako sa kanya dahil minsan kona syang pinatawad sa pambabae nya at diko akalain na uulitin nya with the same girl, sobrang tanga kolang para maniwala sa knya na magbabago sya, kaya ngayon na nagsosory sya at nagsasabing magbabago nasya at dina sya uulit, sobrang kasinungalingan lang yun para sakin. Isa pa, mainitin ang ulo nya, lagi akong minumura at pinapamukha sakin lahat ng bagay na ginagawa nya, nagsisira ng gamit, at sa tuwing nagagalit nag aalsabalutan. Dapat nuon kopa naisip humiwalay sa knya pero diko nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa knya, Ngayon kung kelan ako buntis syaka nabuo sa isip ko ang iwanan sya, pero paano naman ang baby ko, ayoko nmng lumaki sya na walang ama, kaya kabit ganun ang ugali nya nagtitiis ako. Gsto ko gawin ang tama dahil kasalanan Kay Lord ang pag patay ng sanggol na ito kaya nagtitiis ako sa piling nya. Pero nahihirapan nako mga sis makisama, sumusuko nako. Ayoko naman dalhin ito ng mag isa dahil sobra akong takot sa sasabihin sakin ng pamilya ko. Ngayon panga lang na nahahalata na nilang buntis ako kung ano anong masasakit na salita na ang naririnig ko. Ayokong mag dala ng kahihiyan sa pamilya ko. At gsto ko narin lumaya mula sa lalaking mapang abuso. Kaya naiisip ko tuloy ipalaglag ang baby ko Isa pa,ako ang bread winner ng pamilya ko. Kaya sa tingin ko hndi ko kakayanin ang magsustento sa responsibilidad ko sa pamilya ko at sa magiging anak ko. At diko rin kaya mag alaga lalo nat wala akong pamilyang aasahan na magiging katuwang lalo na kung magwowwork ako. Sobrang gulo ng isip ko. Please,help me naman to enlighten yung pag iisip ko. Sobrang nasa darkess period of my life ako ngayon. Please help

1730 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

I've been there sis. Alam na alam ko yung nararamdaman mo kase I've been there at hanggang ngayong 1 y.o na baby ko dala dala ko yung burden ko sa tatay nya. My advise, Panindigan mo. Wag na wag mong gagawin yung bagay na sobrang pagsisisihan mo. (pag-abort) Kaya mo yan mag isa. Ako, kinaya ko. 22 y.o palang ako nun. Nag aaral. Masyadong nainlove hanggang sa nakabuo. Nung nagsama kami dun ko lang nafound out na babaero pala talaga sya. Fuckboy ika nga kase mahilig mang kama. So iniwan ko sya. Nagtrabaho ko. Dinala ko to mag isa. College undergrad ako pero no choice ako kundi magkasambahay. Ang importante saken non may matuluyan kami ng baby ko at makakain ako ng maayos para maging healthy saya sa loob ng sinapupunan ko. Tinaboy ako ng pamilya ko kase nga naman ginulo ko buhay ko tas walang tatay anak ko. Pero dahil love ko nga yung lalakeng yun at ayokong lumaking walang tatay anak ko kagaya ko, nagkabalikan kami a month bago ako manganak. Pero wala syang pagbabago babaero pa din nanganak na ko may nagchachat pa saken kesyo nabuntis nya daw ganon pero napatunayan kong di kanya kaya tinanggap ko pa rin sya. Pero dumating na ko sa limit ko. Narealize ko na sobrang tarantado na nitong lalakeng to wala kong mapapala dito guguluhin lang nito buhay ng anak ko. Nag decide akong makipag hiwalay sakanya. 5months old si baby nun. Nagtrabaho ulit ako. Kahit anong trabahong marangal pinasok ko basta maisama ko sya. Makakain kami mabuhay. Kahit mahirap mag isa tapos gastos ko lahat kinaya ko para maayos buhay ng anak ko. Gusto ko milk ko lang kakainin nya para maging healthy sya. Lahat pinag aralan ko at kinaya ko para sa anak ko. Iniisip ko walang kinalaman yung anak ko sa lahat ng katarantaduhan ng tatay nya. Kaya imbis na lumaki syang may galit sa papa nya mas mabuti pang hiwalay nalang kami atleast di nya na makikita kung pano ko nahihirapan pakisamahan tatay nya sa araw araw na dumaan. Alam mo yung mga nang dodown sayo? Hands down sayo yab pag nakaya mo yang lahat. Ang daming nang down saken nung panahon na yun pero mas madaming natuwa saken nung nakita nila kung gano katatag loob kong kinaya lahat na walang tulong na kahit sinong akala mong makakatulong. Ano pang nakakatuwa don? napalaki ko baby kong malusog at happy baby. Hindi ko pinakita sakanya yung mga moment na nagbebreak down ako. Para sakanya lahat ng to. Kaya kayanin mo lahat yan ate. Mas matanda ka sakin kaya sana mas maging malakas at matatag loob mo. Ibang klaseng happiness pag nakita mo na si baby mo. At I know magiging sobrang proud sya sayo paglaki nya. Hayaan mo na tatay nyan. Kasama yun sa bilang ng mga patapong lalaki sa mundo. šŸ˜Š I-enjoy mo yung pagbubuntis mo.. Alam ko nakakastress yung sitwasyon mo pero pilitin mong i-enjoy para sa baby mo. Kinaya ko kaya alam kong kaya mo din. Mabait si Lord di nya ko pinabayaan kaya wag na wag mong kakalimutang humingi ng tulong sakanya. :) God bless you and your baby! Sana namotivate kita. šŸ˜ŠšŸ˜Š

Magbasa pa
5y ago

One more thing ate, may sarili ka ng pamilya (you at your baby), you're a family already. Ibig sabihin may priority ka na. Hindi mo obligasyong buhayin ang magulang mo o kung sino man. It's okay na tumulong minsan kung may extra ka..Pero ngayon mas kailangan mong unahin yung anak mo. Naiintinidihan kita kase breadwinner din ako nun. Pero nung lahat sila na disappoint saken at walang kahit isang tumulong? Tapos kung kelan stable na ko kahit papano lahat sila nalapit na? dun ko naisip na teka... Anak ko priority ko. Hindi kahit sino sainyo. Masakit minsan na kahit sariling pamilya natin tinatalikuran tayo pag wala na silang mapala satin. Pero kapag may sariling pamilya ka na. Know your priority.