UNDECIDED If I'm goint to CONTINUE MY PREGNANCY

Hi nga Sis, I need advice, sobra nakong nahihirapan and minsan gusto konang magpakamatay. I am 3months pregnant now undecided padin ako kung itutuloy koba ito o ipapalaglag ko. Wag nyo muna ako husgahan please, ito po ang sitwasyon ko, 1yr and 3months narin kami magka live in ng bf ko ng malaman kong buntis ako, 27y.o nako, may trabaho naman kaming maayos and I think nasa tamang edad nako para magkaron ng baby. Pero here comes the problem, nalaman kong may babae pala ang bf ko, at 2months ahead syang pregnant sakin, at ang masakit, itinago ng bf ko at ng pamilya nya na buntis yung babae nya, inamin lang nung babae sakin na buntis sya kung kelan 1month pregnant narin ako. Sobrang sakit mga Sis, dinudurog yung puso ko na diko matanggap na yung lalaking araw araw kong kasama sa bahay eh nagagawang sumiping sa iba, at hindi ko rin matanggap na sabay pa kami ngayong buntis sa anak nya. At ang pinaka masakit pa eh yung support ng buong pamilya nya ay nandun sa babae at wala sa baby ko. Anong sakit sa pakiramdam yung niloko kana nga ng bf mo, hndi kna nga tanggap ng pamilya nya pati ba naman baby mo ayaw nila at mas gsto nila yung baby ng kabit ng bf mo. Yung bf ko todo sorry sakin at bumabawi naman, magkasama parin kami sa bahay at tinatanong ko sa knya kung payag ba sya na ipalaglag ko yung baby namin. Sabi nya sakin kawawa naman yung baby namin nadadamay sa kasalanan nya, nagsorry sya sakin dahil nasaktan nya ko ng sobra. Kaso mga sis, hindi sapat sakin yung sorry, dhil dina nya mababalik ang tiwala kong sinira nya, at hndi naman mababago ng sorry nya yung sitwasyon na kinalalagyan namin. Gusto kong i abort yung bata para lumaya ako sa kanya dahil minsan kona syang pinatawad sa pambabae nya at diko akalain na uulitin nya with the same girl, sobrang tanga kolang para maniwala sa knya na magbabago sya, kaya ngayon na nagsosory sya at nagsasabing magbabago nasya at dina sya uulit, sobrang kasinungalingan lang yun para sakin. Isa pa, mainitin ang ulo nya, lagi akong minumura at pinapamukha sakin lahat ng bagay na ginagawa nya, nagsisira ng gamit, at sa tuwing nagagalit nag aalsabalutan. Dapat nuon kopa naisip humiwalay sa knya pero diko nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa knya, Ngayon kung kelan ako buntis syaka nabuo sa isip ko ang iwanan sya, pero paano naman ang baby ko, ayoko nmng lumaki sya na walang ama, kaya kabit ganun ang ugali nya nagtitiis ako. Gsto ko gawin ang tama dahil kasalanan Kay Lord ang pag patay ng sanggol na ito kaya nagtitiis ako sa piling nya. Pero nahihirapan nako mga sis makisama, sumusuko nako. Ayoko naman dalhin ito ng mag isa dahil sobra akong takot sa sasabihin sakin ng pamilya ko. Ngayon panga lang na nahahalata na nilang buntis ako kung ano anong masasakit na salita na ang naririnig ko. Ayokong mag dala ng kahihiyan sa pamilya ko. At gsto ko narin lumaya mula sa lalaking mapang abuso. Kaya naiisip ko tuloy ipalaglag ang baby ko Isa pa,ako ang bread winner ng pamilya ko. Kaya sa tingin ko hndi ko kakayanin ang magsustento sa responsibilidad ko sa pamilya ko at sa magiging anak ko. At diko rin kaya mag alaga lalo nat wala akong pamilyang aasahan na magiging katuwang lalo na kung magwowwork ako. Sobrang gulo ng isip ko. Please,help me naman to enlighten yung pag iisip ko. Sobrang nasa darkess period of my life ako ngayon. Please help

1730 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ate kwento ko sayo kalagayan namin ng anak ko para malaman mo kung gaano ka pa kaswerte. Prinsesa ako samin dati naka aircon, iphone, sa private university ako nag aaral, may kotse pa nga ako eh. Kaso nabuntis ako eh 18 lang ako iniwan ako nung tatay ng anak ko. Pinagtabuyan ako ng mga magulang ko kasi alam mo naman kapag Japanese mga pamilya daming kaartehan. Ni minsan hindi ako nakapag vitamins ng buntis, ni minsan hindi ako nakapag patingin sa doctor. Lalaki anak ko pero nalaman ko lang nung nanganak ako. Dun lang ako nanganak sa tinutuluyan kong kubo kasi taga bantay ako ng mga itik nung time na yun eh buti nalang nasakto na may load ako may natawagan akong kaibigan. Pagkapanganak ko walang ni isang gamit anak ko kahit na bulak wala kasi di ko naman alam mga yun. Buti nalang mababait yung mga nanay na bagong panganak lang din. Pinagtulong tulongan nila mula diaper, damit hanggang bote. Kaso dahil nga sa marumi ako nanganak nagka sepsis anak ko sabi ko nga sa kanya sumama kana kay God kasi ayaw ko syang madamay sa hirap na dinadanas ko. Pero hindi nabuhay sya hindi nya ako iniwan. Paglabas namin ng ospital di namin alam kung saan kami matutulog. Buti nalang talaga may mga kaibigan ako kaya din iniingatan ko tong cp ko kasi eto lang yung way para macontact ko sila. Mamayan sila kasi nga galing akong private university eh. Sa loob ng 8months ganun kami lagi kung sinuwerte may tutulugan kami kapag naman minalas edi kahit saan nalang. May nagbibigay naman sakin ng pera eh kaya may pancharge ako sa ministop tapos lagi kami sa mall para may wifi tulad ngayon. Yung ligo namin may bayad haha sa mga public cr lang eh. Yung anak ko iisa lang ang laruan nya hindi sya nagdiaper mula nung naubos yung dinonate sa akin ng mga nanay sa ospital, sa ngayon sa lugawan ako nagwowork 250 a day kay baby pa lang kulang na hehe okay naman na sa akin tong lugaw hehe. Masaya naman ako ngayon kahit kung tutuusin eh ako tong dapat malungkot kasi nga ganto kami pero hindi eh kasi yung anak ko ang saya saya nya lagi wala syang kaalam alam sa sitwasyon namin ngayon. Iniisip ko minsan paano kaya ako kung pinalaglag ko sya baka matagal na akong patay eh kasi may pera naman akong pampalaglag dati natakot lang ako tsaka isa pa kahit naman ipalaglag ko di naman na ako tanggap ng pamilya ko. Lahat lahat kakayanin para sa anak ko. Mahal na mahal ko to kahit na anong mangyari. Mamamatay ako kapag nawala sya sa akin. Sana maisip mo yang gagawin mo kasi hindi ikaw ang pinaka malas sa ngayon.

Magbasa pa
3y ago

Grabe to. Mamsh kamusta kana?