UNDECIDED If I'm goint to CONTINUE MY PREGNANCY

Hi nga Sis, I need advice, sobra nakong nahihirapan and minsan gusto konang magpakamatay. I am 3months pregnant now undecided padin ako kung itutuloy koba ito o ipapalaglag ko. Wag nyo muna ako husgahan please, ito po ang sitwasyon ko, 1yr and 3months narin kami magka live in ng bf ko ng malaman kong buntis ako, 27y.o nako, may trabaho naman kaming maayos and I think nasa tamang edad nako para magkaron ng baby. Pero here comes the problem, nalaman kong may babae pala ang bf ko, at 2months ahead syang pregnant sakin, at ang masakit, itinago ng bf ko at ng pamilya nya na buntis yung babae nya, inamin lang nung babae sakin na buntis sya kung kelan 1month pregnant narin ako. Sobrang sakit mga Sis, dinudurog yung puso ko na diko matanggap na yung lalaking araw araw kong kasama sa bahay eh nagagawang sumiping sa iba, at hindi ko rin matanggap na sabay pa kami ngayong buntis sa anak nya. At ang pinaka masakit pa eh yung support ng buong pamilya nya ay nandun sa babae at wala sa baby ko. Anong sakit sa pakiramdam yung niloko kana nga ng bf mo, hndi kna nga tanggap ng pamilya nya pati ba naman baby mo ayaw nila at mas gsto nila yung baby ng kabit ng bf mo. Yung bf ko todo sorry sakin at bumabawi naman, magkasama parin kami sa bahay at tinatanong ko sa knya kung payag ba sya na ipalaglag ko yung baby namin. Sabi nya sakin kawawa naman yung baby namin nadadamay sa kasalanan nya, nagsorry sya sakin dahil nasaktan nya ko ng sobra. Kaso mga sis, hindi sapat sakin yung sorry, dhil dina nya mababalik ang tiwala kong sinira nya, at hndi naman mababago ng sorry nya yung sitwasyon na kinalalagyan namin. Gusto kong i abort yung bata para lumaya ako sa kanya dahil minsan kona syang pinatawad sa pambabae nya at diko akalain na uulitin nya with the same girl, sobrang tanga kolang para maniwala sa knya na magbabago sya, kaya ngayon na nagsosory sya at nagsasabing magbabago nasya at dina sya uulit, sobrang kasinungalingan lang yun para sakin. Isa pa, mainitin ang ulo nya, lagi akong minumura at pinapamukha sakin lahat ng bagay na ginagawa nya, nagsisira ng gamit, at sa tuwing nagagalit nag aalsabalutan. Dapat nuon kopa naisip humiwalay sa knya pero diko nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa knya, Ngayon kung kelan ako buntis syaka nabuo sa isip ko ang iwanan sya, pero paano naman ang baby ko, ayoko nmng lumaki sya na walang ama, kaya kabit ganun ang ugali nya nagtitiis ako. Gsto ko gawin ang tama dahil kasalanan Kay Lord ang pag patay ng sanggol na ito kaya nagtitiis ako sa piling nya. Pero nahihirapan nako mga sis makisama, sumusuko nako. Ayoko naman dalhin ito ng mag isa dahil sobra akong takot sa sasabihin sakin ng pamilya ko. Ngayon panga lang na nahahalata na nilang buntis ako kung ano anong masasakit na salita na ang naririnig ko. Ayokong mag dala ng kahihiyan sa pamilya ko. At gsto ko narin lumaya mula sa lalaking mapang abuso. Kaya naiisip ko tuloy ipalaglag ang baby ko Isa pa,ako ang bread winner ng pamilya ko. Kaya sa tingin ko hndi ko kakayanin ang magsustento sa responsibilidad ko sa pamilya ko at sa magiging anak ko. At diko rin kaya mag alaga lalo nat wala akong pamilyang aasahan na magiging katuwang lalo na kung magwowwork ako. Sobrang gulo ng isip ko. Please,help me naman to enlighten yung pag iisip ko. Sobrang nasa darkess period of my life ako ngayon. Please help

1730 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Kapag hindi ka sinustentuhan pwedeng makulong yang hayop na yan MGA KASAGUTAN SA TANONG TUNGKOL SA HINDI PAGBIBIGAY NG SUPORTA NG AMA SA KANYANG ANAK!!! "IYONG AMA NA PABAYA SA ANAK! DAHIL MAY IBA NA ITONG KINAKASAMA" - Humanda na kayo! UNDER REPUBLIC ACT NO. 9262 ⚖ (Anti-Violence Against Women and their Children Act) Dapat ay alamin ninyo kung nasaan naroon ang tatay ng inyong anak, maaring sa bahay nito o kung saan ito nagtatrabaho para mapadalhan ng mga "demand letters". Kung nasa ibang bansa o sa lugar na hindi nyo alam ipadala ito sa kanyang tatay o nanay o sa huling alam mo na address kung saan siya nakatira. Maari rin itong ipadala sa email niya o sa mga messenger ng social media upang maging ebidensya na pinadalhan mo ito ng demand letter. Kung walang ipinadalang demand letters o ebidensya ng demand letter sa pagsuporta, hindi matatanggap na kaso ito ng R.A. 9262. Dapat ay mga menor edad ang iyong mga anak o may edad na 18 pababa at kung ito ay nag aaral pa kahit lagpas na sa 18 kailangan pa rin niya itong suportahan hanggang matapos sa pag aaral. Hindi na kailangan ipa-barangay ang tatay dahil ito ay isang kriminal na kaso na may parusa na mahigit 1 taon na pagkakulong kaya hindi nito requirement ang pagdaan sa Katarungang Pambarangay. Maaring magtungo sa tanggapan ng Police Station at hanapin ang Women's Desk o VAWC Officer at sabihin nyo na magpa-file kayo ng economic abuse ng RA9262 para gumawa sila ng blotter at ng inyong Sinumpaang Salaysay. Gagabayan na po nila kayo hanggang sa ito ay makumpleto at maisampa sa Prosecutor's Office kung saan kayo manunumpa. Un Hintayin ang subpoena at sasagutin nito ang reklamo mo at duon din ay ipapaliwanag ni prosekutor ang bigat ng kasong isinampa mo kung hindi ito mag susustento sa kanyang anak. Ang RA 9262 ay may kulong na 6 - 12 taon kapag napatunayan napatunayan na intensyonal na walang sustentong ibinibigay ang ama sa kanyang anak. Hindi ito gaanong magastos na proseso dahil hindi mo na kailangan ang abogado dahil si fiscal o prosekutor ang tatayong abogado mo ngunit kung gusto mo, pwede ka kumuha ng private prosecutor na isang private lawyer. Ang RA9262 ay walang filing fee sa court, wala kang babayaran para mag file ng kaso. Karamihan naman po sa kasong RA9262 ay ayaw makulong kaya ang gagawin ay tutuparin na lamang magsusustento at ito ay dapat na may kasulatan Anumang kasulatan sa future support ay void under Article 2035 ng New Civil Code, kaya ang amount na pagkakasunduan ay hindi fix kundi depende sa needs ng bata at capacity ng tatay na pwedeng itaas o ibaba base sa pagtaas ng needs ng bata at capacity ng tatay. Ang ilalagay lamang dito ay ang estimated amount. Common Questions: 1. Pano pag lumaban sa korte? Madali lang yon kung wala syang proof na nag susustento sya REGULARLY tapos na agad ang kaso. However, dahil proof beyond reasonable doubt ang requirement sa criminal case, kailangan mo patunayan pa rin sa korte na: 1) may paternity relation ang tatay sa bata; 2) may capacity to support ang tatay; 3) may demand na ginawa para sa suporta; at 4) hindi nagsuporta ang tatay kahit may demand to support. 2. Paano kung hindi inaako ng tatay ang anak o hindi nakapirma sa birth certificate o hindi naka-apelyido sa tatay ang anak? Pwede pa rin as long as may evidence ka na siya ang tatay ng anak mo katulad ng 1) DNA test, admission ng tatay sa mga dokumento, 2) sa mga email, chat at social media, testimoniya ng witnesses na hayagan at patuloy na tinuturing ng tatay ang bata bilang anak at iba pang paraan na nasa Rules of Court para patunayan ang paternity. 3. Paano kung may pamilya na sya? Kasal o hindi kasal kayo, may pamilya na o walang pamilya ang tatay, regardless sa status ng anak nyo legitimate or illegitimate, hindi nagbabago ang obligasyon ng suporta ng magulang. Your child has the right for support karapatan ng mga anak nyo yon. Mabigat ang batas ng RA9262, madaling proseso, wag nyong hayaan na maging irresponsable ang tatay ng mga anak nyo. 4. Paano kung nagbigay ng kundisyon ang tatay bago magsuporta sa anak? Ang pagbibigay ng kundisyon ng tatay para lang sa pagsuporta ay malinaw na krimen ng economic abuse dahil ang obligation to support ng magulang sa anak ay absolute at hindi conditional. 5. Magkano ba dapat ang tamang suporta ng tatay para sa anak? Walang fix na amount o porsiyento ang suporta dahil ito ay depende sa kakayahan o capacity ng magulang (hindi lamang ng tatay kundi ng nanay dahil ang suporta sa anak ay mutually shared ng magulang) at needs o pangangailangan ng bata. I-compute mo ang estimated na suporta per month ng bata ng ganito: 1) I-compute mo ang basic necessities o yong pangangailangan ng bata sa isang buwan tulad ng food, medicine, education at shelter etc.; 2) I-divide mo sa two ang total monthly expenses ng bata; at 3) Ang kalahati ay obligasyon Republic Act 9262: Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004. #ItoangbatasRPC #leadereyes97

Magbasa pa