Tama bang makialam ang in laws kay baby?
Nakikitira kami sa in laws ko. Mabait sila, maayos ang pakikisama simula ng pagbubuntis ko. Pero simula nung mailabas ko si baby hindi ko mapigilan ang mainis lalo na kapag nakikialam sila pagdating sa baby ko. Marinig lang kasi nilang umiyak si baby mapa palahaw man o konting ingit lang sasabihin na agad na wag ng galitin, padedehin na agad sa bottle dahil kulang daw gatas ko tapos yung biyenan kong lalaki tatawagin pa si nanay para sya ang magpatahan sa anak ko eh inaalagaan ko na at hinehele. Dahil gabi-gabi umiiyak si baby, gabi-gabi din kung magsabi si tatay (tatay ng partner ko) ng timplahan agad ng bote dahil gutom daw kahit sinusuka na ni baby. Alam kong concern lang sila pero hindi ko mapigilan na mainis talaga lalo na kapag ganoon ang senaryo. Wala pa akong trabaho dahil nabuntis ako ng partner ko kasabay ng pag graduate ko ng college kaya naman gumagastos din si nanay kay baby. Tama bang mainis ako sa tuwing nakikialam sila lalo na kapag ang biyenan mong lalaki ay bilin ng bilin na parang hindi ko alam ang gagawin ko sa anak ko? Minsan din kontra pa sila dahil nga sa mga pamahiin na hindi naman pinapayo ng pedia ni baby.

Same .. nakakainis na lahat na lang pinakekelaman. Palibhasa hndi marunong mga anak nila eh idadamay pa ko .. Sanay ako sa Bata/baby dahil marami na Kong pamangkin na inalagaan bago ako magkaanak. Nakakairita kase akala nila kasing tanga ako ng mga anak nila.. Ngaun buntis ako sa 2nd baby ko. Nag iisip na ko maglipat bahay kase alam ko na mangyayari. Kesa ma stress, aalisan ko sila.. 8 years gap sa panganay ko nitong nasa tummy ko. Pinabalik lang nila kame sa kanila dahil wala na daw titira sa bahay nila . Un pala andun pa din silang lahat. Tahimik na buhay ko nung nangungupahan kami eh. Pinilit nila asawa ko na bumalik sa kanila tapos ganyan na naman nangengealam na naman na parang wala akong alam at tanga ako.. Samantalang magulang ko ang sabi "Pag nag asawa bumukod para matuto" na dapat naman talaga.. Sa inlaws ko ginagawa na lang nilang Tanga mga anak nila.. idadamay pa ko hahahaha sorry na high blood.. kairita kase ...
Magbasa paSame ng byenan kong babae 😅 ganyan na ganyan un padedehin mo kahit busog na busog na porket nagiiyak gusto pa agad agad. Ang dami pang pamahiin kesyo dapat ganyan, bawal ganyan .. pati sa pagpapaaraw nangengelam! sasabihin pa walang alam yan pedia nyo .. tapos maririnig ko pa nagkkwento "walang alam sa pagaalaga pano walang nagtuturo" "hindi naman nakikinig yan asawa mo".. well hindi nya ko matitinag - pasok sa kanan tenga labas sa kaliwa lang ang peg ko. tango tango.. sasangayon kunwari but deep down "bahala ka jan magsalita" Sabihan mo ang asawa mo mima na kausapin ang parents nya .. ipa intindi nya na iba un panahon noon, sa panahon ngayon .. na mas pinagaralan na. Tapos sabihan mo din si partner mo magipon para makabukod na kayo. Or kung okay ka naman sa parents mo doon kna muna - kasi mas lalo ka masstress kung iaabsorb mo lahat ng sasabihin sayo ng byenan mo ..
Magbasa paganyan na ganyan ako sa panganay ko. bata pa din ako nun at walang alam dahil FTM ako nun. naiirita ako sa in laws ko. pinupush nila ako magbreastfeed in a nice way naman pero naiinis ako kasi ayaw ilatch ni Baby noon yung nipple ko. feeling ko ayaw nya. ngayon naman sa newborn ko, hindi man lahat pero marami na akong alam sa mga babies ngayon unlike before. akala ko noon ayaw ilatch ng panganay ko yung nipple ko, yun pala hindi pa nya alam ano yung buong ilalatch at di ko din alam proper way. akala ko basta isusubo lang yung nipple, dapat pala pati part ng ariola. at the end of the day tama pala sila. ang realization ko, wala silang hangad na masama. saka PPD pala ako nun, inistop ko yung therapy kasi di ko alam na may PPD ako. bungisngis kasi ako. akala ko PPD yung iyak ng iyak. iba iba pala. gaya nung lagi ka nalang inis. konting ingay galit na dahil baka magising anak.
Magbasa paganyan din mii mother ko mismo while inlaws ko is kabaligtaran dahil nag aadvice lang sya when we needed and when she thinks she needs to say it to us. Kaya sa mom ko dun ako nainis nung una daming bawal ultimo saakin mismo daming bawal naiinis ako kaya nung una sinasagot ko pa pero maayos na dahilan at pagkakasabi, eventually nasanay din si nanay, and some of her advices naman ay minsan narealize ko after some times ay tama pala, pero minsan din mali. sagutin mo nalang mii ng maayos na kapag padedehin mo daw sabihin mo "tay busog na po eh isinusuka na yung gatas" ganorn. itama mo din sila in a great manner. eventually masasanay din sila at marealize na you also have your ideas and opinions on how to take care of your baby
Magbasa paakin mismo parents ko kunting rinig lang ng papa ko sa baby ko sinasabihan kaagad ako na padedeen ko daw baby ko kase nagugutom tapos may kung ano ano pa sinasabe na hindi ko pinapansin .. naiinis ako subra kaya nasasagot ko sila . minsan kase baby naten may mode na nagtatrantums lalo na kapag hindi nakuha ang gusto . kaya minsan pasok labas lang sa tenga ang ginagawa ko . sa byenan ko naman na lalaki tatanungin lang ako kung baket umiyak pag nasabe ko na ang dahilan. hindi na sya mangengelam pero kapag alam nya hindi ko na natatahan kinukuha nya sa akin para ihele nya baka daw kase nasawa na sa karga ko baka iba naman daw ang gusto magkarga sa kanya ganyan din ginagawa ng mga hipag ko kapag hindi ko na kaya
Magbasa paIlang months na po si baby mi? Kung asa newborn pa lang po ay normal naman po sa babies natin na iyak ng iyak di din po dahil mahina ang gatas natin di po totoo yun. Basta po tama ang output ni baby enough po ang nadedede nya sainyo. Di din ibig sabihin ay gutom palagi si baby. Naninibago po si baby sa environment natin kaya minsan nagiging fussy sila. Pwede din naman ping nag gogrowth spurts. Mas mainam po ang gatas natin. Palit po kayo in laws. Charot lang po. Hehe Basta mi your baby your rules kahit nakikipisan pa po kayo. 😊
Magbasa paparang nakakarelate ako sayo mi.. sana paglabas ng baby no 2 ko di gnyan mangyari sa inlaws ko ung byenan kong babae wlang problema tahimik lng ung inlaws ko na lalaki ang medyo maligalig mahilig din mangialam naranasan ko dito ngyon sa panganay kong anak sobrang selan halos lahat nlng nakikita 😅 ang hirap makisama lalo na pag gnyan sana soon makabukod na tyo hirap din kmi ngaun at mahirap ang buhay sakto lng kinikita ng partner ko 😅 kapit lang mi wla din tyo magagawa kundi maki sama hehe
Magbasa paKaya nga mi, same situation tayo biyenan ko ding lalaki sobra kung magligalig lahat na lang mapansin, walang araw na hindi sya magbibigay ng bilin na parang wala kang alam. One time din dahil basa nga si baby, pinalitan ko kasi ayaw ko matuyuan biglang umiyak ng umiyak tapos parang ako pa sinisi ng biyenan kong babae na dapat daw hindi ko na pinalitan kung tutuusin kasalanan naman nya dahil nakielam sya sa pagpapalit ayon wala pang ilang minuto basa agad dahil di maayos diaper. Sana nga soon mi maka bukod na tayo .
The best solution for that is leave and cleave. Hindi talaga madaling kumilos kapag kasama ang inlaws sa iisang bubong. Naging kultura na kasi na lagi dapat sundin matatanda kahit pa mali na. Isa pa, why not talk about it with your partner? In the first place, dapat siya makipag usap sa parents niya since siya ang anak. Kasi kung ang partner mo ay sunod lang nang sunod sa parents niya, di ka talaga magiging malaya na gawin kung ano ang tama para sa baby mo.
Magbasa pahanggat jan kayo nakatira sa inlaws mo no choice ka. kung ano gsto nila un ang dpt mong gawin. kung gsto mo bumukod kayu para desisyon mo lahat. hirap tlaga makisama lalo na kung panay pamahiin pa kung dimo sinunod ikaw pa masama. iba iba ugali ng inlaws swertehan nlng tlaga. i dont think na concern sila sa iyak ng baby. ayaw lng siguro nila makarinig ng iyak kaya panay padede gsto nila kahit na di naman nagugutom ang baby.
Magbasa paDipa ko maka relate sayo mi, pero feeling ko pag nanganak nako nasa ganyan sitwasyon na din ako. Dito kasi kami sa in laws ko, tho married na kami. Start kasi mabuntis ako medyo nakikialam na din talaga. At halos buong pag bubuntis ko na stress lang ako dito, medyo nakakapang sisi pero andito na kasi kami. Planning next year na bumukod kasi knows kona agad magaganap pag dto na baby ko, kahit dipa nangyayari.
Magbasa paNung nagbubuntis wala naman akong problema sis pero nung hindi pa ako nanganganak kahit malapit na due date ko, nakita ko na parang naiinis na sila kasi bakit hindi pa daw ako nanganganak, pressure nila ang ate mo. Tapos sinasabi pa nila sa partner ko na parang ang tamad ko pa daw lagi lang akong nakaupo eh hindi naman nila nakikita na ginagawa ko na lahat para lang hindi ma over due si baby, halos umaga gumigising na ako para maglakad lakad, nag i squat saka hindi ko naman kasalanan na ayaw pa ni baby lumabas noon. Pero sa awa ng Diyos same due date lumabas baby ko at normal delivery ako. Sana kami rin makabukod.
Sailormom ⚓️