Tama bang makialam ang in laws kay baby?

Nakikitira kami sa in laws ko. Mabait sila, maayos ang pakikisama simula ng pagbubuntis ko. Pero simula nung mailabas ko si baby hindi ko mapigilan ang mainis lalo na kapag nakikialam sila pagdating sa baby ko. Marinig lang kasi nilang umiyak si baby mapa palahaw man o konting ingit lang sasabihin na agad na wag ng galitin, padedehin na agad sa bottle dahil kulang daw gatas ko tapos yung biyenan kong lalaki tatawagin pa si nanay para sya ang magpatahan sa anak ko eh inaalagaan ko na at hinehele. Dahil gabi-gabi umiiyak si baby, gabi-gabi din kung magsabi si tatay (tatay ng partner ko) ng timplahan agad ng bote dahil gutom daw kahit sinusuka na ni baby. Alam kong concern lang sila pero hindi ko mapigilan na mainis talaga lalo na kapag ganoon ang senaryo. Wala pa akong trabaho dahil nabuntis ako ng partner ko kasabay ng pag graduate ko ng college kaya naman gumagastos din si nanay kay baby. Tama bang mainis ako sa tuwing nakikialam sila lalo na kapag ang biyenan mong lalaki ay bilin ng bilin na parang hindi ko alam ang gagawin ko sa anak ko? Minsan din kontra pa sila dahil nga sa mga pamahiin na hindi naman pinapayo ng pedia ni baby.

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

akin mismo parents ko kunting rinig lang ng papa ko sa baby ko sinasabihan kaagad ako na padedeen ko daw baby ko kase nagugutom tapos may kung ano ano pa sinasabe na hindi ko pinapansin .. naiinis ako subra kaya nasasagot ko sila . minsan kase baby naten may mode na nagtatrantums lalo na kapag hindi nakuha ang gusto . kaya minsan pasok labas lang sa tenga ang ginagawa ko . sa byenan ko naman na lalaki tatanungin lang ako kung baket umiyak pag nasabe ko na ang dahilan. hindi na sya mangengelam pero kapag alam nya hindi ko na natatahan kinukuha nya sa akin para ihele nya baka daw kase nasawa na sa karga ko baka iba naman daw ang gusto magkarga sa kanya ganyan din ginagawa ng mga hipag ko kapag hindi ko na kaya

Magbasa pa