Tama bang makialam ang in laws kay baby?

Nakikitira kami sa in laws ko. Mabait sila, maayos ang pakikisama simula ng pagbubuntis ko. Pero simula nung mailabas ko si baby hindi ko mapigilan ang mainis lalo na kapag nakikialam sila pagdating sa baby ko. Marinig lang kasi nilang umiyak si baby mapa palahaw man o konting ingit lang sasabihin na agad na wag ng galitin, padedehin na agad sa bottle dahil kulang daw gatas ko tapos yung biyenan kong lalaki tatawagin pa si nanay para sya ang magpatahan sa anak ko eh inaalagaan ko na at hinehele. Dahil gabi-gabi umiiyak si baby, gabi-gabi din kung magsabi si tatay (tatay ng partner ko) ng timplahan agad ng bote dahil gutom daw kahit sinusuka na ni baby. Alam kong concern lang sila pero hindi ko mapigilan na mainis talaga lalo na kapag ganoon ang senaryo. Wala pa akong trabaho dahil nabuntis ako ng partner ko kasabay ng pag graduate ko ng college kaya naman gumagastos din si nanay kay baby. Tama bang mainis ako sa tuwing nakikialam sila lalo na kapag ang biyenan mong lalaki ay bilin ng bilin na parang hindi ko alam ang gagawin ko sa anak ko? Minsan din kontra pa sila dahil nga sa mga pamahiin na hindi naman pinapayo ng pedia ni baby.

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Ilang months na po si baby mi? Kung asa newborn pa lang po ay normal naman po sa babies natin na iyak ng iyak di din po dahil mahina ang gatas natin di po totoo yun. Basta po tama ang output ni baby enough po ang nadedede nya sainyo. Di din ibig sabihin ay gutom palagi si baby. Naninibago po si baby sa environment natin kaya minsan nagiging fussy sila. Pwede din naman ping nag gogrowth spurts. Mas mainam po ang gatas natin. Palit po kayo in laws. Charot lang po. Hehe Basta mi your baby your rules kahit nakikipisan pa po kayo. ๐Ÿ˜Š

Magbasa pa
2y ago

Pwede ka pa mi mag ebf tanggalin mo lang si formula. Saka bottle feeding or pacifier din if ever. Kung sila naman magbabayad ng pang gatas ni baby edi sige why not mix feed hahahahahahaha kung hindi e wag na sila magulo hahahaha charot. Basta mi ikaw lang masusunod kay baby mo. ๐Ÿ˜Š