Tama bang makialam ang in laws kay baby?

Nakikitira kami sa in laws ko. Mabait sila, maayos ang pakikisama simula ng pagbubuntis ko. Pero simula nung mailabas ko si baby hindi ko mapigilan ang mainis lalo na kapag nakikialam sila pagdating sa baby ko. Marinig lang kasi nilang umiyak si baby mapa palahaw man o konting ingit lang sasabihin na agad na wag ng galitin, padedehin na agad sa bottle dahil kulang daw gatas ko tapos yung biyenan kong lalaki tatawagin pa si nanay para sya ang magpatahan sa anak ko eh inaalagaan ko na at hinehele. Dahil gabi-gabi umiiyak si baby, gabi-gabi din kung magsabi si tatay (tatay ng partner ko) ng timplahan agad ng bote dahil gutom daw kahit sinusuka na ni baby. Alam kong concern lang sila pero hindi ko mapigilan na mainis talaga lalo na kapag ganoon ang senaryo. Wala pa akong trabaho dahil nabuntis ako ng partner ko kasabay ng pag graduate ko ng college kaya naman gumagastos din si nanay kay baby. Tama bang mainis ako sa tuwing nakikialam sila lalo na kapag ang biyenan mong lalaki ay bilin ng bilin na parang hindi ko alam ang gagawin ko sa anak ko? Minsan din kontra pa sila dahil nga sa mga pamahiin na hindi naman pinapayo ng pedia ni baby.

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ganyan na ganyan ako sa panganay ko. bata pa din ako nun at walang alam dahil FTM ako nun. naiirita ako sa in laws ko. pinupush nila ako magbreastfeed in a nice way naman pero naiinis ako kasi ayaw ilatch ni Baby noon yung nipple ko. feeling ko ayaw nya. ngayon naman sa newborn ko, hindi man lahat pero marami na akong alam sa mga babies ngayon unlike before. akala ko noon ayaw ilatch ng panganay ko yung nipple ko, yun pala hindi pa nya alam ano yung buong ilalatch at di ko din alam proper way. akala ko basta isusubo lang yung nipple, dapat pala pati part ng ariola. at the end of the day tama pala sila. ang realization ko, wala silang hangad na masama. saka PPD pala ako nun, inistop ko yung therapy kasi di ko alam na may PPD ako. bungisngis kasi ako. akala ko PPD yung iyak ng iyak. iba iba pala. gaya nung lagi ka nalang inis. konting ingay galit na dahil baka magising anak.

Magbasa pa